Nabigo man si Miss Manila City Alexandra Abdon na masungkit ang Miss Universe Philippines 2020 crown, tagumpay naman siya pagdating sa netizens na ginawan siya ng mga meme at spoof.
Si Alexandra ay 25-year-old pageant newbie mula sa Sampaloc, Manila.
Tumatak si Miss Manila sa mga masugid na sumubaybay sa pageant dahil sa kanyang performance sa preliminary Q&A ng Miss Universe Philippines 2020.
Sa portion na iyon, sampung tanong ang ibinabato sa kandidata para subukin ang galing nito sa pagsagot sa loob ng 30 segundo sa bawat katanungan.
Layunin ding makita rito kung kaya ba ng kandidatang ma-sustain ang composure nito kahit under pressure.
Sa kaso ni Miss Manila, animo'y katropa lang niya ang mga panelista nang harapin ang mga ito sa Q&A noong prelims.
Umpisa pa lang ay kuwelang hirit niya, "Wait, kailangan kong huminga!"
Malayo kasi ang nilakad niya mula sa holding area ng Miss Universe Philippines candidates, at may paakyat pang hagdan patungo sa area ng mga panelista.
Natawa rin ang mga panelista kay Alexandra, lalo nang mag-timeout siya sa gitna ng Q&A.
Nang hindi agad makaisip ng sagot, kuwelang pakiusap niya, "Wait! Puwedeng i-pause ang time?"
Taglish ang ginamit niya sa pagsagot sa questions.
Nag-trend si Miss Manila nang kumalat ang video clips ng kanyang prelims performance.
Tila tuwang-tuwa naman si Alexandra na makitang marami siyang napasayang netizens dahil sa kanyang "chill" at "katropa" na attitude sa pageant.
Sa series of Instagram Stories ni Alexandra, ni-repost niya ang iba-ibang memes kunsaan sinabi niya, "Wait, kailangan ko huminga."
KAPAG OVERWHELMED SA WORK OR SCHOOL LOAD
On-point reaction daw iyon ng mga estudyante kapag nahaharap sa modules para sa kanilang online classes.
O kaya naman ay kung Lunes na at panibagong bakbakan na naman sa school o trabaho ang haharapin, pasok din daw ang statement ni Miss Manila.
Natatawa ang netizens dahil nakuha pa ni Miss Manila na makipagtsikahan sa panelists.
Open-air kasi ang holding area pati na ang ang puwesto ng mga panelista kaya lamig na lamig ang mga kandidata.
Si Miss Manila, sinubukan pang ipapatay sana ang aircon sa holding area, pero hangin mula sa labas pala talaga ang pinanggagalingan ng lamig.
Kaswal na nagkuwento pa si Alexandra sa prelims na hindi raw siya sanay na naka-formal wear. Pajama o sweatshirt lang daw ang karaniwang outfit niya sa likod ng camera.
Paliwanag niya sa panelists, gusto niyang ipakita ang naturalesa niya gaya ng ibang mga masang Filipina.
"Kaya super natural ko lang kasi, basically, ganito talaga kami sa Manila, e. Hindi kami super nagpe-fake ng personality namin."
Sang-ayon naman ang iba pang followers ni Miss Manila.
"BEST MISS UNIVERSE PHILIPPINES WE NEVER HAD"
Naka-relate din daw pati ang netizens na sumusubaybay sa trending controversy kaugnay ng kakatapos na grand coronation.
May nagbiro pang naiwasan daw sana ang mga isyu kung si Miss Manila ang nanalong Miss Universe Philippines.
Si Alexandra raw ang "the best Miss Universe Philippines we never had."
(Ang mga katagang iyon ay hango sa winning answer ni Miss Iloilo City Rabiya Mateo sa final Q&A para sa Top 5 finalists ng pageant.
Sinagot kasi ni Rabiya na ang yumaong Senator Miriam Defensor Santiago ang "the best president we never had."
Ang mukha raw ni Miriam ang pipiliin ni Rabiya na ilagay sa Philippine bill dahil hanga siyang ginamit ng senadora ang boses at galing nito para sa serbisyo publiko.)
Kapag inilaban daw si Miss Manila kay Miss Universe Thailand 2020 Amanda Obdam, sasabihin din daw nito, "Wait, kailangan ko huminga."
Chill lang daw si Alexandra at hindi papa-pressure.
Ika nga ni Miss Manila, "Let's gotta chill. Wala naman mawawala kung magpaka-positive tayo, e.
"Super good nga, e, kasi you're making everyone around you super chill and happy."
MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020 WINNERs
Si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020.
First runner-up si Ysabella Roxas Ysmael (Parañaque), second runner-up si Michele Gumabao (Quezon City), third runner-up si Pauline Amelinckx (Bohol), at fourth runner-up Billie Hakenson (Cavite).
Watch PEP Review: Miss Universe Philippines 2020 + controversies:
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika