Inamin ni Heart Evangelista na may nakabangga siya sa showbiz na hinding-hindi niya malilimutan.
Pero tumanggi ang Kapuso star na pangalanan ito at magdetalye tungkol dito dahil baka kuyugin daw uli siya ng batikos.
Nagsalita ang Kapuso actress sa Facebook Live interview sa kanya ng celebrity photographer na si Raymund Isaac noong October 24, 2020.
Sinagot ni Heart ang ilang tanong mula sa netizens.
Ganito ang isang tanong: Sa showbiz career ni Heart, sino ang nakaaway niyang hindi niya malilimutan.
“Oh, I’ve had. Yeah!” sabi ng natatawang aktres.
“But I’m not gonna make buhos because they’re gonna attack me once again.”
Giit ni Heart, “I had. But you know, honestly, like, with whoever I had a misunderstanding, miscommunication with, I’d rather not say anything.
“But I’m happy that it’s done. I really feel that there’s good air around whatever is around me.”
Diin ni Heart, “settled” na ang nangyaring hindi pagkakaunawaan nila ng taong tinutukoy niya.
“And I’m really grateful that it’s settled. Because it’s sad to be always in the defense mode.
"Like, you’re in fight mode, you gotta defend yourself. I hate that.
"That’s why parang ayoko talaga ng may kaaway. Hindi ako makatulog sa gabi nang may kaaway o may misunderstanding. Hindi ko kaya."
Para kay Heart, mas makabubuting huwag nang halukayin pa ang nakaraan.
“Because I want everyone to be happy,” pahabol niya.
RIFT WITH MARIAN
Hindi naman lingid sa buong showbiz ang nangyaring di pagkakaunawaan sa pagitan ni Heart at kapwa niya Kapuso star na si Marian Rivera noong 2011.
Nagsimula umano ang hidwaan ng dalawa habang nasa shooting ng pelikulang Temptation Island sa Ilocos Norte.
Ayon sa source noon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagsimula umano ang gusot kina Heart at Marian nang sabihin sa interview ni Daniel Matsunaga, na noo’y boyfriend ni Heart, na gusto niyang makatrabaho si Marian.
Noong nagsu-shooting sila sa Ilocos, nasambit naman ni Heart sa isang interview na excited siyang makatrabaho si Dingdong Dantes, na noon ay boyfriend pa lang ni Marian.
Ito raw ang simula ng iringan ng dalawang aktres. Subalit naayos naman daw ito bago natapos ang shooting nila.
Pero hindi rito natapos ang kuwento. Pinag-usapan noon ang nangyaring eksena sa airport nang lumapag na sa Maynila ang mga artista at production team ng Temptation Island.
Sinundo raw si Heart ng kanyang inang si Cecile Ongpauco. Nang magkita sa airport, kinumpronta umano ni Cecile si Marian.
Napaulat namang nagkasundo na sina Heart at Marian nang ganapin ang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy, na ginanap sa MOA Arena noong September 19, 2012.
Ani Marian sa isang interview noong 2016, nilapitan siya ni Heart at hudyat daw iyon ng pagtatapos ng hidwaan nila.
Sinabi pa ni Marian na nagbabatian at civil sila ni Heart sa isa't isa.
Sa kabila nito, nakisali sa away ng dalawang aktres ang kanilang fans para ipagtanggol ang kani-kanilang idolo. Nagpatuloy pa ang iringan ng dalawang fandom sa mga sumunod na taon.
HEART EVANGELISTA: “MY LIFE IS NOT PERFECT.”
Sa Facebook Live, nagsalita rin si Heart tungkol sa patuloy na natatanggap niyang bashing mula sa netizens.
Tampulan ng batikos si Heart dahil sa kanyang mga posts na tila nagpapakita ng karangyaan.
Pero pagtatanggol ni Heart sa sarili, ang mga post niya ay hindi kabuuan ng kanyang buhay.
“If there is something that I wanna say, it would be, you only know my life through pictures, through YouTube.
“Of course, I am 100 percent myself. And I’m not gonna deny that I’m not perfect, but my life isn’t perfect.
“I mean, I have my own set of problems. Everybody has their cross to carry.
“It’s just a different story for everyone, or it’s a different scenario, or a different country, a different place, a different backdrop.
“But we all have our problems that cripple us at night at times.
“So, it’s fair, it’s a fair life for everyone. No one’s life is perfect.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
