PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo reveals she kept forgiving ex-boyfriend before getting ghosted

Bea: “Mabuti na rin na wala na. I was taken out of that miserable state.”
by Bernie V. Franco
Published Oct 31, 2020
Bea Alonzo on the pain brought by ghosting: “The mere fact na parang dinrop yung relasyon, parang ibig sabihin, hindi nagma-matter. So, pakiramdam mo, parang hindi ka nag-matter.”
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)

Special guest si Bea Alonzo sa Halloween episode ng vlog ng magkasintahang Angel Locsin at Neil Arce.

Ang topic: Ano ang tips na dapat gawin kapag ang isang babae ay na-ghost?

Nagbiruan pa sa October 30, 2020 vlog na si Bea raw ang “The Face of Ghosting in the Philippines” at "resident ghost buster."

Ito ay dahil sinabi ni Bea sa publiko na nakaranas siya ng “ghosting” nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson noong 2019.

Ang ghosting ay millennial term na nangangahulugan ng biglaang pag-iwan sa ere at hindi pagpaparamdam ng isang tao sa kanyang karelasyon.

Nang pumutok ang isyu ng hiwalayang Bea at Gerald, trending topic ang “ghosting.”

Kinunan ng opinyon si Bea tungkol sa closure, base sa kanyang breakup.

Saad ni Bea, “I think closure is overrated. But having respect to talk to the other person for a breakup, I think yun yung pinakaimportante.

“Sabihin mo naman kung makikipag-break."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong maghiwalay sila ni Gerald, sinabi noon ni Bea na bigla na lang siyang hindi kinausap ng aktor, at sa media pa raw niya nalamang hiwalay na pala sila.

Sa isang punto ng video, ibinahagi ni Bea na noong nagmu-move on na siya, bigla raw siyang may napagtanto tungkol sa relasyon nila ni Gerald.

Noong 2019, pumunta siya sa El Nido, Palawan, kasama ang ilang kaibigan.

Nang pauwi na sila, ani Bea, “Bigla na lang merong nag-flash na mga memories kasi nagpunta kami doon dati.

“And hindi rin to badmouth anyone, but feeling ko, hindi iyon [relationship] mabuti para sa aming dalawa.”

Sinang-ayunan ni Bea ang tip na dapat isipin ang bad memories kesa sa good memories kapag nagmu-move on.

Mas madali raw kasing i-handle ang galit kesa sa dalamhati.

“Kasi nung na-ghost ako, nagalit ako. Doon lang ako nagalit.”

Bago raw kasi sila naghiwalay, paulit-ulit pa niyang pinatawad ang mga nagawang kasalanan noon ng dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Biruin mo, pinatawad ko siya nang pinatawad, pinatawad at pinatawad pa, di ba?

“Mabuti na rin na wala na. I was taken out of that miserable state.”

Hiniritan din si Bea na maaaring labis siyang nasaktan sa breakup dahil hindi niya ito inasahan.

Katwiran ni Bea, “Hindi ka kasi nabigyan ng pagkakataong marinig kung ano yung naging mali mo.

“O kung ano yung naging mali ng relasyon, kung bakit pwede na lang i-drop nang ganoon.

“The mere fact na parang dinrop yung relasyon, parang ibig sabihin, hindi nagma-matter. So, pakiramdam mo, parang hindi ka nag-matter.”

GERALD-BEA BREAKUP

July 2019 nang pagpiyestahan ang balitang naghiwalay na sina Gerald at Bea pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon.

Nadawit din noon sa isyu si Julia Barretto, na diumano’y third party sa relasyon nina Bea at Gerald.

Mariing itinanggi nina Gerald at Julia ang isyung third party.

Sabi noon ni Gerald, nauwi sa paghihiwalay ang pagsasama nila ni Bea dahil naipon ang maliliit na away nilang dalawa, at biglang nagkaroon ng isang malaking away.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Higit isang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang kontrobersiya.

Patuloy pa ring nali-link si Gerald kay Julia, samantalang nali-link naman ngayon si Bea kay Dominic Roque.

Sa kabila nito, wala pang kumpirmasyon sa dalawang couples kung opisyal nang may mga bago silang karelasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on the pain brought by ghosting: “The mere fact na parang dinrop yung relasyon, parang ibig sabihin, hindi nagma-matter. So, pakiramdam mo, parang hindi ka nag-matter.”
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results