Pinapurihan ni Sharon Cuneta si Donita Nose sa hindi nito pag-iwan sa kaibigang si Super Tekla sa gitna ng pinagdaanang kontrobersiya ng huli nitong nakaraang buwan.
Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, ipinarating ni Sharon ang kanyang paghanga sa pagiging totoong kaibigan ni Donita sa kapwa komedyante.
October 28 pa ipinadala ni Sharon ang mensahe, ngunit hindi raw ito agad nabasa ni Donita.
Ngayong araw, November 4, ibinahagi ni Donita sa kanyang Facebook page ang mensaheng natanggap niya mula sa Megastar.
Mensahe ni Sharon: “Hi, Ms. Donita! I hope mabasa mo ito.
“I just want you to know that I am touched by the kind of friend you have been to Tekla… he is so blessed to have you in his life.”
Umaasa rin daw si Sharon na marami pa ang gagaya kay Donita na hindi nang-iiwan ng kaibigan sa gitna ng pinagdadaanan nitong unos sa buhay.
“Sana madami pang katulad mo, lalo sa showbiz. Mas gaganda ang mundo.
“I wish you more success and happiness and I enjoy your vlogs so much!
“Thank you for making me laugh. Lots of love.”

“WE LOVE YOU SO MUCH”
Mababanaag naman ang kaligayahang naramdaman ni Donita sa kanyang caption sa ipinost na screenshot ng mensahe ni Sharon.
Nagpasalamat siya kay Sharon dahil sa ipinakita nitong suporta sa kanila ni Super Tekla.
Saad ni Donita, “Good morning mga BESHIES!!!!!!!! JUSKO!
“Shout out naman sa nag iisang Mega Star.. Ms. Sharon Cuneta nakaka touch na message grabe dko ma explain ang feelings ko ng nabasa ko to..
“Grabe 1st time sa buhay ko may isang kapitapitagang Mega Star ang nag dm sakin..
“woooohh salamat po ng marami madam.. from Donekla in Tandem salamat po ng marami! We love you so much!”
Ibinahagi rin ni Donita ang nasabing screenshot sa kanyang Instagram Stories ngayong araw.

Hinangaan ng netizens si Donita dahil sa pagtatanggol niya kaySuper Tekla laban sa mga paratang ng dating live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag.
Mariing pinabulaanan ni Super Tekla ang akusasyon ni Michelle.
Pinapurihan din si Donita ng mga tao ang hindi niya pag-iwan kay Super Tekla noong panahong dapang-dapa ito dahil sa kontrobersiya.
Binasagan tuloy siyang “Pambansang Beshy” ng netizens.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
