Naisip daw ni Boy Abunda na dumating na ang katapusan ng kanyang hosting career matapos mangyari ang pandemya at nawala sa ere ang ABS-CBN.
Labis daw siyang nalungkot sa kinahitnanan ng entertainment industry nang tumama ang dalawang dagok na ito.
Apektado rin ang iba pang trabaho ni Boy, na isa ring talent manager at producer.
“When it happened, the pandemic started, ABS-CBN shut down, I felt irrelevant.
“I’ll be very honest. I said, ‘What do I do?’ I felt powerless.
“Not because I willed power to, but I was never hopeless. I felt powerless.
“I said I’m not gonna be able to do my shows. I’m not going to be able to produce my concerts, or a shoot for whatever.”
Ipinatupad ang quarantine sa bansa noong March 2020.
Nawala sa himpapawid ang ABS-CBN noong May 5, 2020 dahil sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission.
Tuluyan nang nawala sa free-to-air TV ang TV station nang magkaisa ang pitumpung kongresista na huwag pagkalooban ng bagong prangkisa ang network noong July 10, 2020.
Kasunod nito, nagpaalam ang maraming programa ng ABS-CBN sa TV at radyo. Nawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado ng broadcast giant.
Nawala ang mga programa ni Boy na Tonight With Boy Abunda at The Bottomline With Boy Abunda.
Pakiramdam noon ni Boy, dumating na ang panahong malalaos na siya.
“I felt weak in the beginning. I felt I was on my way to obsolescence.
“Sabi ko, ‘Ito na ang panahon, malalaos na talaga kaming lahat, ako.’
"I confronted that. I embraced that,” ani Boy sa Facebook Live ng Monster Radio RX 93.1 noong October 23.
Hindi pa natatapos ang pandemya at wala pa ring kasiguruhan ang kinabukasan ng entertainment industry, pero pinag-aralan daw ni Boy ang hinihingi ng new normal para makasabay siya.
“But I don’t wanna say I don’t know because I’m comfortable with the spaces that are unknown to me.
“Remember, I come from nowhere. I come from nothing, so this is not a strange place for me.
“Not knowing what’s going to happen in the entertainment business does not weaken me anymore.
“I’m getting myself ready. I am reading, I’m watching shows.”
Naniniwala si Boy na hindi mamamatay ang entertainment industry.
“We will survive this. But exactly what it is, I don’t know.
"But not knowing excites me, because masisipag tayo, magagaling tayo, we work hard.”
BOY ABUNDA ventures in SOCIAL MEDIA
Kagaya ng marami, nag-venture na rin ni Boy sa social media para patuloy na makapag-host.
Aktibo ngayon ang tinaguriang King o Talk sa kanyang YouTube channel. Dito ay regular na nagpo-post ng mga video si Boy tungkol sa iba't ibang paksa at pasilip sa kanyang buhay.
Mayroon din siyang podcast show at live streaming talk show sa Kumu, isang community platform.
Noong October 24, sinabi ni Boy na magbabalik siya sa TV at mananatili siya sa ABS-CBN.
Magiging host daw siya ng political show sa cable channel ng ABS-CBN na ABS-CBN News Channel o ANC.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
