Jessy Mendiola responds to “parang nanganak na” comment

by Arniel C. Serato
Nov 10, 2020
In 2018, Jessy Mendiola admitted getting depressed because of body shamers: "Shout out to every 'pata girl' out there, just keep going. Love yourself, love your body and it will love you back."
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram

Imbes na magalit, nagpakita ng kabaitan si Jessy Mendiola sa isang netizen na pinulaan ang hitsura ng kanyang tiyan.

Sa kanyang post sa Instagram ngayong hapon ng Martes, November 10, ipinakita ni Jessy ang bago niyang workout outfit.

Isang netizen ang kaagad na nagkomento sa kanyang post: “Bat ganun ung tyan nya..parang nanganak na.”

Continue reading below ↓

Pabirong sagot ni Jessy, sana ay ganun nga ang hitsura ng kanyang tiyan kapag nanganak na siya.

Saad niya, “Naku sana nga ganyan itsura ng tyan ko kapag nanganak nako. (smiling face with smiling eyes emoji) #notobodyshaming

Ipinagtanggol naman si Jessy ng kanyang followers laban sa netizen.

Pero may isang nagkomento na nagsabing bakit daw galit ang madami sa obserbasyon ng netizen.

Continue reading below ↓

Punto ng nagkomento, “Bat dami galit sa comment nya eh yan ang obserbasyon at paningin nya, malay natin d nya alam kung ano talaga ang hitsura ng nanganak at di nanganak.”

Pagkatapos nito ay humingi ng dispensa ang netizen sa naging komento niya.

Sabi nito, “Sorry po kasi ang tingin ko sa una parang sag ung skin nya sa tyan nya...na parang kakapanganak nya gaya ng kapit bahay namin...pero kung hindi...wag po kaung magalit kasi tao lang naman po ako...pasensya na po mga sir madam.”

Continue reading below ↓

JESSY ADMITS DEPRESSION DUE TO BODY SHAMING

Hindi na bago kay Jessy ang mga ganitong klaseng body shaming.

Noong 2018, inamin niyang nakaranas siya ng depression dahil sa katakut-takot na body shamers.

Sa kanyang Instagram post noong March 2018, sinabi ni Jessy na maganda ang tingin niya sa sarili nang itanghal siyang FHM’s Sexiest Woman noong 2016. Pero hindi raw pala sexy ang tingin sa kanya ng ibang tao.

Continue reading below ↓

Saad niya, “When I won FHM’s sexiest woman in 2016, I thought... finally, people appreciate my efforts and my body.

“But I was wrong. I was bullied, body shamed with bashers calling me names like ‘pata, baboy, taba, etc.’”

Patuloy ni Jessy, “I felt really down and started losing my confidence.

"I loved myself then (big thighs, belly rolls and round face) but when people started pointing out my flaws, I started hating myself, at times even thinking I was a bad person for having ‘thunder thighs’.

“I stopped working out, I got depressed, binge ate my feelings off and started gaining more weight than I should.”

Pero dumating daw ang punto na napagtanto niyang hindi kailangang magpaapekto sa iniisip ng iba tungkol sa kanyang hitsura.

“I thought of myself as sexy, strong and beautiful in my own way.

“I started building myself up again despite what other people say (until now they call me names) and have lost 15 lbs since.”

Continue reading below ↓

Hindi man siya sexy sa paningin ng iba, ang mahalaga raw ay maganda at sexy ang tingin niya sa sarili.

“I still see myself as the 'pata girl' and it’s okay, it is just a matter of perspective.

“When I decided to shift perspective, everything started falling into place.

“I may not be the sexiest for others, but I am sexy and beautiful for myself, that alone is enough.

“Shout out to every 'pata girl' out there, just keep going. Love yourself, love your body and it will love you back.

"TRUST ME. #thunderthighs #patagirl#pataislife #pataforevs"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2018, Jessy Mendiola admitted getting depressed because of body shamers: "Shout out to every 'pata girl' out there, just keep going. Love yourself, love your body and it will love you back."
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results