PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Catriona Gray posts about being “Filipina” after “Australian by birth” Miss Universe Colombia intro

Pageant organizers also misspelled Catriona’s last name as “GARAY.”
by Jet Hitosis
Published Nov 18, 2020
Catriona Gray
Miss Universe 2018 Catriona is introduced as "Australian by birth" and her last name is misspelled as one of the judges in Miss Universe Colombia 2020 on November 17. But Catriona insists, she is a "Filipina."
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram

Proud “Filipina” ang beauty titlist-TV host-singer na si Catriona Gray.

Ito ang binigyang-diin ng 26-year-old Miss Universe 2018 winner matapos almahan ng maraming fans ang introduction sa kanya sa Miss Universe Colombia 2020 coronation night.

Kabilang si Catriona sa limang judges sa pageant, na idinaos nitong Martes, November 17.

Sa introduction, binanggit ng isa sa mga host na si Catriona ay “Miss Universe winner who is Australian by birth but represented the Philippines after living for a few years there.”

Pinalagan ito ng maraming fans ni Catriona.

Dumulog sila sa social media upang magpahayag ng saloobin sa naging introduction ng pageant sa Filipina-Australian beauty queen.

Para sa kanila, “disrespectful” hindi lang kay Catriona, kundi para sa Pilipinas, ang nabanggit na introduction.

Lumalabas daw kasing Australian talaga si Catriona, na naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2018 pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CATRIONA’S LAST NAME MISSPELLED

Bukod dito, inalmahan din ng fans ang maling spelling ng last name ni Catriona sa on-screen graphics nang ipakilala ang beauty queen.

Sa halip na Gray, “GARAY” ang mababasang last name ni Catriona.

Nitong Martes ng gabi, nag-post si Catriona ng Instagram Story suot ang yellow Leo Almodal creation na ginamit niya sa pageant.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iisang salita lang ang mababasa sa inlay ng litrato: “Filipina.”

Naniniwala ang fans na iyon ang naging reaksiyon ni Catriona sa "Australian by birth" introduction sa kanya sa Miss Universe Colombia pageant.

Malinaw raw na ipinagdiinan ni Catriona na siya ay isang Pinay.

FILIPINO “BY HEART”

Sa Queensland, Australia isinilang si Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tagaroon ang ama ni Catriona, ang Scottish-born Australian na si Ian Gray.

Tubong Oas, Albay naman ang ina ni Catriona na si Normita Magnayon Gray.

Taong 2011 at 18 years old noon si Catriona nang lumipat ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Modeling career ang unang pinuntirya ni Catriona, hanggang sa sumali siya sa mga beauty pageants.

April 2018, sa isang interview sa Tonight With Boy Abunda ilang araw matapos siyang koronahan bilang Miss Universe Philippines 2018, sinabi ni Catriona na isa siyang Pilipino “by heart.”

“Even though I was born in Australia, that’s not my choice,” sinabi noon ni Catriona sa host na si Boy Abunda.

“It was more of my parents’ choice. I chose to come here.”

CATRIONA’S AUSTRALIAN ROOTS

Hindi ang introduction ng Miss Universe Colombia 2020 ang unang beses na inintriga ang pagiging half-Australian ni Catriona.

Matapos siyang koronahang Miss Universe 2018, itinampok si Catriona sa front page ng Australian newspaper na The Courier Mail.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon ay tinawag ang ikaapat na Pinay Miss Universe bilang “crowning glory” ng Australia.

Sa headline, inekisan ang “Philippines” sa titulo ni Catriona na Miss Universe Philippines, at pinalitan iyon ng “Queensland.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona is introduced as "Australian by birth" and her last name is misspelled as one of the judges in Miss Universe Colombia 2020 on November 17. But Catriona insists, she is a "Filipina."
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results