Sumama ang aktor na si Gerald Anderson sa relief operations ng Philippine Coast Guard sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela ngayong Biyernes, November 20.
Si Gerald ay may ranggong Lieutenant Commander sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) unit.
Kagabi pa lamang, November 19, abala na si Gerald sa pagre-repack ng relief goods na dadalhin niya sa mga lalawigang sinalanta nang husto dahil sa bagyong Ulysses.
Pagdating ng 31-year-old Kapamilya actor sa Cauayan, Isabela, pinagkaguluhan siya ng mga tao roon. Sinalubong naman sila ni Gerald ng isang magandang ngiti.
Ayon sa post ng isang netizen, “Lcdr. Gerald Anderson Jr. PCGA K9SSS with the team, Commodore Armando Balilo PCG and Commodore Edgardo Taganas Hernando PCG joint activity with the CGSOF relief operations"
Post naman ng isa pa, "Relief distribution in Cauayan,Isabela.. Courtesy of Mr. Gerald Anderson together with Philippine Coast Guard.."
Saad naman ng isa pang residente doon, "Gerald Anderson in Cauayan City Of Isabela”
Hindi naman nalapitan ng isa pang netizen ang aktor dahil daw may mga guwardiya.
Sabi niya, "Gerald Anderson Sa Carabatan Punta Cauayan City Isabela Bat kase may guard pa ginumpo mi kuman HAHA"
Ayon naman sa The Northern Forum: "Actor Gerald Anderson visits Isabela and other massive flooding affected areas to give donations today, November 20, 2020"
KC CONCEPCION, RUFFA GUTIERREZ, IVANA ALAWI
Ilang celebrities na rin ang namahagi ng relief goods sa Cagayan.
Noong November 16, ang grupo naman nina KC Concepcion at Ruffa Gutierrez ang namahagi ng libu-libong relief goods sa Tuguegarao City, Cagayan.
Natuwa ang dalawa na kahit papaano ay nakapagbigay sila ng tuwa sa mga taong labis nasalanta ng baha dulot ng Typhoon Ulysses.
Nitong nakaraang November 17, ang vlogger at aktres na si Ivana Alawi naman ang namahagi ng relief goods sa Cagayan.
Saad ni Ivana sa kanyang post sa Facebook matapos niyang mamigay ng relief goods, “Repacked and distributed relief goods para sa mga naapektuhan ng Bagyong ulysses dito sa Isabela at Cagayan.”
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang bayanihan ng mga Pilipino para tumulong sa mga naapektuhan ng sunud-sunod na pananalasa ng bagyo sa bansa.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika