Typhoon Ulysses soaks parts of Luzon like Typhoon Ondoy onslaught in 2009

by Arniel C. Serato
Nov 12, 2020
A netizen from Cainta, Rizal shared the photos above showing residents trapped on their roofs due to heavy flooding brought about by Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: Courtesy: Jell Morena on Facebook

Nagising ang mga residente ng Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon na lubog ang kanilang mga lugar sa tubig baha dulot ng Bagyong Ulysses.

Sa social media idinaan ng maraming netizens ang kanilang pagbahagi ng mga kahindik-hindik na pangyayari sa kanilang mga lugar, lalo na sa mga nalubog nilang kabahayan at ari-arian.

Karamihan ay hindi rin maiwasang maikumpara ito sa tindi ng pananalasa ng Bagyong Ondoy noong 2009.

cainta, RIZAL

Sa kanyang Facebook account ibinahagi ni Gelliann Mateo Villegas na lubog na sa baha ang bahay ng kapatid niya sa Rodriguez, Rizal.

Saad niya (published as is), “Tulong po !!! Hanggang ngayun nsa bubungan pdin yung kapatid ko,asawa,at mga anak nla may baby p po 3months old !!! Lagpas tao n po yung baha ! Wla pdin yung rescue ! basang basa n po yung mga bata !!

"Blk17 lot 5 1k2 KASIGLAHAN, RODRIGUEZ RIZAL !! #RescuePH"

Continue reading below ↓

Ganundin ang panawagan ni Chessca Moira kung saan humingi din siya ng rescue para sa Burgos, Rodriguez, Rizal.

Aniya, "#RescuePH

"Patulong naman po estrella heights subdivision barangay burgos rodriguez rizal

"Wala pa din narescue.. Tumataas pa lalo ang tubig madami Stranded sa bubong may mga bata at senior kagabi pa andun.. Mahirap tumawag sa hotline.."

Continue reading below ↓

MARIKINA

Bahaing lugar talaga ang Marikina City.

Kaya naman, nagsagawa ng preemptive evacuation ang local government sa mga residenteng malapit sa Marikina river.

Nitong umaga ng Huwebes, November 12, umabot na sa 22 meters ang taas ng tubig baha dito.

Halos kasingtaas ito ng inabot ng tubig baha sa panahon ng Typhoon Ondoy, na umabot ng 23 meters, noong 2009.

Dahil dito, nilusong na daw ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang baha upang makapag-ikot sa lungsod para makatulong sa mga residenteng nabaha.

Post pa ng Marikina PIO on Facebook: "Nilusong na ni Mayor Marcy Teodoro ang baha upang makalabas sa kanyang tahanan at muling makapag-ikot sa lungsod.

"Magdamag tinutukan ng Ama ng Lungsod ang kalagayan ng mga evacuees. Siniguro niyang ligtas at maayos ang kanilang kalagayan.

"Lubog man sa baha, bitbit pa rin ni Mayor Marcy ang kanyang radyo na nagsisilbi niyang komunikasyon upang makapagbigay tagubilin sa mga opisyales at kawani ng cityhall na nagsasagawa na ng rescue operation para ilikas ang mga na-trap na residente."

Continue reading below ↓

Maraming bahay sa Marikina ang nalubog sa baha.

Kasama rito ang mga tinutuluyan ng mga entertainment writers na sina Leo Bukas at Wendell Alvarez.

Saad ni Wendell sa kanyang post, "It's a tie...#ThisIsIt,

"2009 Ondoy, now Ulysses.

"Lumikas ako sa kapitbahay kaya ito ang mga kuha ko....basa na naman mga gamit ko.

Continue reading below ↓

"Magsisimula na naman muli... Alam mo na!!!"

Sabi naman ni Leo sa kanyang post, nalubog sa baha ang kanyang kotse.

"Lubog na car ko," ang maiksing post ni Leo sa Facebook kaninang umaga.

Continue reading below ↓

Makikita ring lubog na ang bahay ng kapitbahay ni Leo sa Provident Village.

Ang Provident Village ang tirahan ni Cristine Reyes, na delubyo rin ang inabot nang hinagupit ng Bagyong Ondoy ang bansa noong 2009.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang malakas na pagbaha sa Marikina dahil sa walang tigil ang pag-ulan.

Continue reading below ↓

QUEZON, Camarines sur, bulacan

Sa bayan naman ng Lopez, Quezon, nagbabangka na ang mga residente dahil pa rin sa baha, ayon sa CNN Philippines.

Continue reading below ↓

Gayundin sa Camarines Sur, na nauna na ring binaha ang ilang lugar, kahapon, November 11.

Baha din sa Marilao, Bulacan, ayon sa GMA NewsTV Live.

Continue reading below ↓

EMERGENCY HOTLINES

Para sa nangangailangan ng tulong at rescue, narito ang mga numerong maari niyong tawagan:

Marami pa ding lugar sa NCR ang lubog sa baha at ongoing na ang rescue operations ng local at national goverments.

Ayon sa PAG-ASA, nakalabas na ng land mass ang bagyong Ulysses kaninang alas-otso ng umaga at patuloy na kumikilos palabas ng bansa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen from Cainta, Rizal shared the photos above showing residents trapped on their roofs due to heavy flooding brought about by Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: Courtesy: Jell Morena on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results