Watch Now

Matteo Guidicelli on church wedding with wife Sarah Geronimo: “Maganda kung may vaccine na tayong lahat.”

by Arniel C. Serato
Nov 23, 2020
Matteo Guidicelli on baby plans with wife Sarah Geronimo: "If it happens next week, great. It’s a blessing talaga."
PHOTO/S: Courtesy: Sunlife / Matteog on Instagram

Hindi ba masyadong na-enjoy nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang honeymoon stage dahil sa COVID-19 pandemic?

Isa ito sa naitanong sa 30-year-old actor sa presscon para sa bago niyang endorsement noong Biyernes, November 20.

Nagkataon kasing ngayong buwan ang ninth monthsary ng secret wedding nila ng 32-year-old singer-actress na ginanap noong February 20, 2020.

Ano ang masasabi ni Matteo rito?

Nakangiting sagot ng Viva actor, “Blessing, sobrang maganda yung pinagdadaanan namin.

“Sobrang thankful na nakahanap ako ng asawa katulad ni Sarah so I’m very, very thankful.”

Ano ang naisip niya noong binalot ng takot ang mundo dahil sa COVID-19 pandemic at parang hindi nila na-enjoy ang kanilang honeymoon?

Saad ng Masked Singer Pilipinas judge, “Alam mo sa umpisa, siyempre nalungkot kami dahil hindi kami maka-travel, et cetera.

“Come to think about it, aside from all the negative aspects of this pandemic has come upon us, we’ve realized that were very, very blessed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We realized that we have one another. We’re very thankful that we’re okay, healthy, we have food to eat.

“There will come a time for travelling, but as of now we're thankful for what we have.”

Hindi naman sinagot ni Matteo ang tanong kung mayroon silang pre-nuptial agreement ni Sarah.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Matteo sa isang virtual Zoom conference noong Biyernes, November 20, para sa Newlywed Starter Pack ng Sun Life Philippines.

CHURCH WEDDING?

Napabalita noong pagkatapos ng secret wedding nina Matteo at Sarah ay gaganapin umano ang kanilang grand wedding sa Italy.

Ayon pa sa mga lumabas na reports, strictly invitational lamang ito para sa malalapit na kaibigan at kamag-anak nina Matteo at Sarah.

Magkakaroon pa ba sila ng church wedding?

Nakangiting sagot ni Matteo, “Baka, baka when the time’s right, ‘no?

“Sana, of course, yun naman talaga ang maganda kung may vaccine na tayong lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, inusisa namin si Matteo tungkol sa baby plans nila ni Sarah.

Marami kasi sa mga tagahanga nila ang nag-aabang kung kailan sila makakabuo ng kanilang unang supling.

Saad niya, “If it happens next week, great. It’s a blessing talaga.

“But right now, we’re not... kumbaga we’re not trying, we're just letting life to move on, enjoying each other because we haven’t really spent time together in our boyfriend-girlfriend stage.

“We’re very blessed today. We’re not rushing anything.

“We just saw my sister gave birth. So much respect to women out there having children.

“Talagang I can’t wait for our own in the future.”

Okay lang ba sa kanya kung tinatanong siya ukol dito? May mga artista kasing sensitibo kapag natatanong tungkol sa kanilang baby plans.

Tugon ni Matteo, “Hindi naman, basta the more positivity the better for everyone, ‘no.

“Hindi naman ako nao-offend.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on baby plans with wife Sarah Geronimo: "If it happens next week, great. It’s a blessing talaga."
PHOTO/S: Courtesy: Sunlife / Matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results