Gerald Anderson accepts Julia Barretto's "invitation"

by Bernie V. Franco
Dec 3, 2020
Julia Barretto and Gerald Anderson instagram
Julia Barretto and Gerald Anderson starred in the 2019 movie Between Maybes, where their rumored romance allegedly began. The movie is now available on Netflix.
PHOTO/S: @juliabarretto and @andersongeraldjr on Instagram

Matipid pero malinaw ang pagpapakita ng suporta sa isa’t isa nina Julia Barretto, 23, at Gerald Anderson, 31.

May kinalaman ito sa pinagtambalan nilang pelikula noong 2019, ang Between Maybes.

Available na kasi sa content streaming service na Netflix ang pelikula nila na ipronodyus ng Star Cinema.

Nitong Miyerkules, December 2, nag-post si Julia sa Instagram Story ng screenshot ng promotion ng kanilang pelikula na ipalalabas sa Netflix.

Naka-tag dito si Gerald.

Caption ni Julia: “Tara? @andersongeraldjr [black heart and Japanese temple gate emoji].

Sa Saga, Japan ang location ng pelikula nina Julia at Gerald.

Pagkalipas ng ilang oras, sumagot si Gerald.

Tinanggap niya ang tila imbitasyon ni Julia.

Ni-repost ng aktor ang Instagram Story post na ito ni Julia.

Sagot ni Gerald: “Tara…”

Makahulugan ang maiksing usapang ito ng dalawang artistang inuugnay hanggang ngayon.

Animo’y nagkakaunawaan sina Julia at Gerald sa kanilang biruan sa Instagram.

Gerald Anderson Julia Barretto movie

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na nagpakita ng suporta sina Gerald at Julia sa social media, bagamat mainit ang mga mata ng netizens sa kanila.

Noong Oktubre, idinaan ni Gerald sa Instagram ang announcement ng pagbubukas ng Hayati Prive Resort, ang kanyang private beach resort sa Botolan, Zambales.

Kasunod nito ay ipinost ni Julia sa kanyang Instagram Story ang logo ng resort ni Gerald at naka-tag si Gerald.

Malinaw na pagpapakita ito ng suporta ni Julia sa resort business ng aktor.

Pero makalipas ang ilang oras, binura ng aktres ang post niyang ito.

Subalit hindi ito nakaligtas sa mapagmatyag na mata ng ilang netizens. Na-screenshot agad ito at ni-repost sa social media.

THE MOVIE THAT STARTED IT ALL

Dahil sa pelikulang Between Maybes, nagsimulang pag-usapan kung may namumuong pagtitinginan kina Gerald at Julia.

Noong mga panahong iyon, ang pagkakaalam ng publiko ay may kani-kaniya pa silang karelasyon.

Si Gerald ay girlfriend si Bea Alonzo, habang si Julia ay boyfriend naman si Joshua Garcia.

Continue reading below ↓

Nang ganapin ang press conference ng Between Maybes noong May 2019, umugong ang usapang on the rocks na ang relasyon nina Julia at Joshua.

Walang naglakas-loob na tanungin si Julia sa presscon, lalo’t may paalala mula sa Star Cinema na huwag tanungin ng personal questions ang dalawang bida.

Pero pagkatapos ng presscon, nagbitaw ng salita si Julia sa ilang entertainment press na wini-wish niya ng good luck si Joshua kung anuman ang nais nitong gawin.

Wala siyang tuwirang sinabing break na sila.

Ilang buwan matapos ipalabas ang pelikula, pumutok ang ilang isyung kinasasangkutan nina Julia at Gerald, na lubos na pinag-usapan noong 2019.

July 21, 2019, nag-viral ang cryptic post ni Bea na may kinalaman sa pagtataksil.

Kasunod nito ang nag-leak na paparazzi shots nina Gerald at Julia na sabay na naglalakad sa parking lot.

Nakunan sina Gerald at Julia, na noon ay galing sa birthday celebration ng kaibigang si Rayver Cruz sa isang bar sa Taguig City.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod na ang mga kaganapan, kagaya ng di pagkakaunawaan nina Gerald at Bea na nauwi sa hiwalayan.

Pahayag ni Bea sa interviews, wala silang formal breakup ni Gerald.

Nag-trending noon ang salitang “ghosting,” dahil bigla na lang daw siyang hindi kinausap ni Gerald.

Si Julia ang inakusahang third party sa breakup nina Gerald at Bea, at pinaratangang nagtaksil kay Joshua.

August 6, 2019, nag-post si Julia sa Instagram, kung saan tinawag niyang “bully” si Bea.

Sa post na ito, itinanggi ng aktres na may relasyon sila ni Gerald. Itinanggi rin niyang pinagtaksilan niya si Joshua.

Ani Julia, noong mga panahong iyon, apat na buwan na silang break ni Joshua.

Ibig sabihin, nag-break sila ni Joshua noong April 2019.

Nangangahulugan ding hiwalay na sila ni Joshua nang mangyari ang presscon ng Between Maybes noong May 2019.

Itinanggi rin ni Gerald na may relasyon sila ni Julia at may kinalaman ito sa paghihiwalay nila ni Bea.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, higit isang taon na ang lumipas, hindi pa rin mamatay-matay ang pag-uugnay kina Julia at Gerald.

Paniniwala ng marami, totoong may relasyon sila.

RELATED STORY

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto and Gerald Anderson starred in the 2019 movie Between Maybes, where their rumored romance allegedly began. The movie is now available on Netflix.
PHOTO/S: @juliabarretto and @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results