Sharon Cuneta defends self from netizens who blame her for strained relationship with daughter KC Concepcion

by Arniel C. Serato
Dec 4, 2020
Sharon Cuneta KC Concepcion relationship
Sharon Cuneta denies neglecting eldest daughter KC Concepcion when she was young: "We were VERY CLOSE even if I was working all the time. That’s also the difference. I still found and made time for her.”
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN Entertainment YouTube / @itskcconcepcion on Instagram

Hindi napigilang ipagtanggol ni Sharon Cuneta, 54, ang sarili laban sa mga puna ng ilang netizens tungkol sa relasyon nito sa panganay na anak na si KC Concepcion, 35.

Si KC ay anak ni Sharon sa dating asawang si Gabby Concepcion.

Ayon sa ilang netizens, tila malayo ang loob ni KC kay Sharon, hindi tulad sa relasyon ng Megastar sa mga anak niyang babae sa asawang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

May dalawang anak sina Sharon at Senator Pangilinan—sina Frankie at Miel. Lalake naman ang adopted son nilang si Miguel.

Nitong nakaraang Miyerkules, December 2, ni-repost ni Sharon ang larawan nila ng namayapang inang si Elaine Cuneta, kasama ang mga anak ng Megastar na sina KC, Frankie, at Miel.

Nakalagay sa caption: “I miss you, Mommy ko...I love you."

Nakalagay rin dito ang quote mula sa @megatitas: “So much of what is best in us is bound up in our love of family, that it remains the measure of our stability because it measures our sense of loyalty.”

Continue reading below ↓

Pumanaw ang ina ni Sharon noong November 5, 2014.Sharon Cuneta Instagram post

“LAKI SA LOLA”

Isang netizen ang nagkomento sa post na ito ni Sharon.

Ayon dito, sana raw ay gawan ng paraan ni Sharon na maging maayos ang relasyon nila ng panganay na anak na si KC.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang ayaw-bating relasyon ng mag-ina.

Continue reading below ↓

Buong komento ng netizen (published as is), “Hi ms sharon i think you must do something about your children.... specially to kc...

“kc is out of place with you dhl laki sya s lola and with her siblings dhl kalahati lang ang pgiging magkakapatid nila... plus age gap... distance... time together dhl nasa paris sya before while yung dalawa magkasama s bahay at iisa ang nanay at tatay...

“i think kc needs you... give her more time.... lalo n at malaki ang nawala sa inyo nmn tlg na time together... i feel her... i know she is in pain... she badly needs you @reallysharoncuneta

Netizen Sharon Cuneta comment

Continue reading below ↓

Sinagot ito ni Sharon.

Ayon sa award-winning actress-singer, hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng "laki sa lola."

Bagamat aminado siyang malaki ang naitulong ni Mommy Elaine sa pagpapalaki kay KC, lumaki raw ang anak na spoiled sa lola nito.

Diin pa ni Sharon, hindi siya nagpabaya bilang ina ni KC. Kahit noong abala siya sa kanyang trabaho, gumagawa raw siya ng paraan upang may maipakain sa anak.

Saad niya, “Actually hindi ko maintindihan yung meaning ng 'laki sa lola.'

“Malaki ang naitulong ni Mama sa pagpapalaki ko sa kanya, pero kahit nagtatrabaho ako, napakarami ko din namang sinakripisyo maging health at tulog para sa kanya at para makasama siya. All her manners, etc.

“I used to date her at the most expensive and formal restaurants since she turned 6 or 7 para matuto.

“I taught her everything I knew then. I NEVER missed any school programs or activities kahit na nagpapaalam ako sa trabaho at umaga na umuuwi kaya siguro naman may value din yon kahit paano.

Continue reading below ↓

“I am grateful to my Mommy for taking care of her while I busted my behind working to put food on our table and send her to the best schools.

“My Mom spoiled her to the point na pati pagdidisiplina at turo ko nakokontra na. Pero ganon ang lola kaya okay lang.”

Dagdag pa ni Sharon, ang mga nagkokomentong ito ay wala sa kanilang pamamahay kaya walang karapatan ang mga ito na husgahan siya.

Totoo raw na naging malaking parte ng buhay ni KC ang kanyang lola, pero ganun din daw siya sa buhay ng anak.

Hindi raw umasa si Sharon sa kanyang mga magulang upang buhayin nang mag-isa ang panganay na anak.

“None of you were there...none of you saw what I had to give up...what decisions I made FOR and BECAUSE of her, even putting aside my own feelings.

“My Mommy was a big part of her life, that is so true. But here is what people do not seem to hear from her granddaughter: SO. WAS. I.

Continue reading below ↓

“Kahit sumuka na ng dugo dahil di kami umaasa sa mga magulang ko at di naman tumulong ang dapat."

Dagdag pa ni Sharon, “My other children seem to think I am a good mother. So I take comfort in that. It’s sad that it is so easy for someone to forget everything I’ve done...”

Sharon Cuneta reaction

Continue reading below ↓

“I WILL NOT TALK ABOUT IT”

Sumagot muli ang netizen.

Sabi nito, sana raw ay maging katulad ang pagtingin ni KC kay KC sa pagtrato ni Judy Ann Santos sa adopted daughter nitong si Yohan Agoncillo.

Aniya (published as is), “sana po maging maayos kayo at sana may twong magmalasakit sa inyo para gumitna.. sa side naman po ni kc sana sana sana makita nya @itskcconcepcion kung ag adopter daughter ni judy ann na aware sya...

“while kc is your real child tapos may sariling anak pa dina judy ann na dalaw tulad nina kaki at miel pero wl aw ma feel n may ampon, out of place?

“But why kc feels our of place and worst she is not belong... i think the mind setting was wrong... im sorry ms sharon im just concerned i hope maayos kyo...

“sn magpa conselling kyo lalo n si kc.... dont focus on what is not there... focus on what is ther...”

Continue reading below ↓

Netizen comment Sharon Cuneta post

Ayon naman kay Sharon, maraming hindi alam ang publiko sa nangyari sa pagitan nila ni KC. Pero hinding-hindi raw niya ito pag-uusapan sa publiko.

Wala raw siyang magagawa kung ang desisyon ni KC ay hindi maging bahagi ng kanilang pamilya na kinalakihan nito.

Aniya, “There is so much you do not know about what has happened between us, because I will not talk about it.

Continue reading below ↓

“And our family has always treated her as our no.1 Ate.

“Our doors have always been an open and our home, a loving one to her.

“So if it is her decision to not be a part of OUR family, the one she grew up with, then there is nothing we can do or will do.

“Di rin naman namin ugali ang ipilit ang sarili namin sa di naman gusto sa amin kahit sino pa yon. But thank you for your concern.

“For everyone else: Be thankful that I am the kind of mother who will not open her mouth.”

Sharon Cuneta answers netizen

Continue reading below ↓

"WE WERE VERY CLOSE”

Isa pang netizen ang nagkomento sa post ni Sharon.

Ayon dito, laki rin siya sa kanyang lola. Hindi raw naging maayos ang relasyon nilang mag-ina nung lumalaki siya dahil hindi niya ito nakakasama.

Pero nang nagkaedad daw siya, naintindihan na niya kung bakit kailangang magtrabaho sa malayo ang ina.

Komento pa niya (published as is), “@reallysharoncuneta Laki din ako sa lola (my Mama was teaching in a far-flung barrio then my Papa died and we younger kids had to live with my grandparents kaya di ko sya nakasama sa bahay until I was 12) so I probably understand KC more than most here.

“It took a while for me to have a close relationship with my Mama kasi ang loyalty ko sa lola and lolo ko.

“But as I came to know the Lord as an adult, dun ko naintindihan na it doesn’t matter pala kung ano pa yung perceived pagkukulang ng Mama ko sa akin (frankly wala syang choice kundi mag work to provide for us kasi ayaw nya din iasa lahat).

Continue reading below ↓

“God commands us to ‘honor your father and your mother’ no matter what they did or didn’t do and it is my prayer that @itskcconcepcion would realize, like I did, that it is for her own good to honor both parents.

“It is the first command of the Lord with a promise that it may be well with you and that you may have long life’. Praying for healing and reconciliation.”

Netizen on his life Sharon Cuneta

Continue reading below ↓

Tugon naman ni Sharon, “We were VERY CLOSE even if I was working all the time.

“That’s also tte difference. I still found and made time for her.”

Dagdag pa niya, “Oh, and I NEVER left her with my parents. We all lived together.”

Sharon Cuneta reaction comment on netizen

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta denies neglecting eldest daughter KC Concepcion when she was young: "We were VERY CLOSE even if I was working all the time. That’s also the difference. I still found and made time for her.”
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN Entertainment YouTube / @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results