Sa pamamagitan ng Instagram Stories, nagpaunlak muli si Ellen Adarna, 32, ng mga katanungan mula sa kanyang followers.
Sa kanyang “Ask me a question” session sa Instagram Stories, Biyernes ng gabi, December 4, muling sumangguni ang ilang netizens kay Ellen tungkol sa problema nila sa love life
Isa na rito ang tanong tungkol sa kaibahan ng unconditional love at sa pagiging martir.
Tanong ng netizen: "How to differentiate unconditional love from being a martyr?"

Tugon ng aktres, “Unconditional love ‘Day is a love that is healthy and given freely, without expecting any in return.
“Ang martyr, they’re obsessed, they are clingy, they do not have self-worth, and selfish pa."
Sabi pa niya sa wikang Bisaya, “Pa-blind-blind ni sila unya victim kaayo sila sa ilahang choices. Mga kuan ni sila, masokista.”
(Pa-blind-blind itong mga ito tapos parang victim pa sila sa kanilang choices. Mga anong tao ito, masokista.)
Kasunod nito, isang netizen ang nag-usisa kay Ellen tungkol sa kanyang love life.
Ayon sa tanong: “Do you have a new boyfriend?”

Pero paiwas na sagot ni Ellen, “’Day, why are you interested? This question or issue will not make your life better.”
ELLEN-JOHN LLOYD BREAKUP
August 2019, umugong ang balitang naghiwalay na si Ellen at ang partner nitong si John Lloyd Cruz.
Ayon sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na malapit sa dalawa, nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Ellen at John Lloyd bago pa man magdiwang ng first birthday nito ang anak nilang si Elias Modesto noong July 2019.
Pero napagkasunduan daw ng dalawa na “co-parenting” ang kanilang arrangement sa nag-iisa nilang anak na si Elias.
Sa ngayon, balitang parehong magbabalik-showbiz ang dating magkarelasyon.
Ayon pa sa reports, gagawa ng magkahiwalay na proyekto sina Ellen at John Lloyd sa TV5.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
