Reunited si Pasig City Mayor Vico Sotto sa nakakatatandang kapatid na si Oyo Sotto noong Martes ng hapon, December 8.
Si Oyo ay anak ni Vic Sotto sa dating asawa na si Dina Bonnevie, habang si Vico ay anak ng Eat Bulaga! sa dating partner na si Coney Reyes.
Higit sa sandaling bonding nila ni Oyo, humirit si Vico na personal siyang nagtungo sa set ng Daddy's Gurl upang "maningil ng fees."
Ang Daddy's Gurl ay ang weekly sitcom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Bahagi rin ng show sina Oyo at Wally Bayola.
Ang pag-aaring film company ni Vic, ang M-Zet Productions, ang producer ng blocktimer sitcom na umeere sa GMA Network.
Sa Rainforest Adventure Experience Park sa Pasig City ang on-location taping ng Daddy's Gurl kahapon kaya bumisita roon si Vico.
"First time to see Kuya Oyo since March!!! Visited them on the set of Daddys Girl in Pasig's very own Rainforest AdVenture Experience Park.
"Binisita ko sila para maningil ng fees," kuwelang lahad ng Pasig mayor kalakip ng laughing emoji at peace sign.
Saka idiniin ni Vico ang polisiya niyang walang special privileges kahit sa kamag-anak pagdating sa pamamalakad ng local government unit (LGU) ng Pasig, na nangangasiwa sa public park na Rainforest Adventure Experience Park.
"Actually, nung una nahihiya yung mga empleyado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa yun.
"Pero nung nalaman ko to, ang sabi ko, MAS LALONG DAPAT singilin pag kamag-anak ko!!
"Ma-check nga bukas kung bayad na sila.."

Binanggit din ni Vico na sumusunod sa safety protocols ang stars at staff ng Daddy's Gurl.
Aniya, "btw thank you to the mzet team for following health protocols. regular testing sa mga artista at crew. mas safe din dito kasi open air."

REACTION OF VICO'S FAMILY
Sa comments section ng post ni Vico, naghayag ng nararamdaman si Oyo sa pagkikita nila ni Vico.
"Good to see you Vico! Grabe namiss kita. Ingat lagi," ani Oyo.

Nag-iwan naman ng heart emojis ang kapatid din nina Vico at Oyo na si Danica Sotto.

Natawa naman ang ina ni Vico na si Coney sa hirit ng alkalde tungkol sa paniningil nito ng fees.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
