PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Arcilla opens up about death of his father: "Painful pa rin."

John Arcilla explains why he chose not to come home when his father died.
by Melba R. Llanera
Published Dec 8, 2020
John Arcilla on his father's death: “Madali namang tanggapin na lahat tayo pupunta dun, pero iba talaga pag may nawala, wala na talagang balikan yun.” John plays Father Fernando Suarez in the MMFF 2020 entry Suarez, The Healing Priest.
PHOTO/S: Joven Tan / Rose Garcia

Hindi napigilan ni John Arcilla na maluha at maging emosyonal nang mapag-usapan ang tungkol sa namayapa niyang ama na si Dominador Alemania Arcilla.

Pumanaw ang ama ng aktor sa Baler, Quezon noong April 2020. Hindi nakauwi si John dahil sa ipinatutupad na enforced quarantine kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Sa halip ay isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni John sa kanyang Instagram account tungkol sa pagkawala ng ama, kasabay ng paglilinaw na hindi COVID -19 ang sanhi ng pagkamatay nito.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa pocket presscon ng 2020 Metro Manila Film Festival entry na Suarez, The Healing Priest, noong December 5, Huwebes, sa Little Owl Café sa New Manila, Quezon City.

Dito ay kinumusta namin siya ilang buwan pagkatapos pumanaw ng kanyang ama.

Saad ni John, “Nami-miss ko pa rin siya from time to time.

“It made me realize na pag end na ng tao, end na niya, hindi mo na maibabalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pwede na di mo siya maiisip. Minsan matatanong ka sa sarili mo, ‘Kinakalimutan mo na ba siya?’

“Siguro darating ang panahon na pag naaalala mo siya, wala na yung pain, good memories na lang.

“Kasi siguro pag fresh pa siya, yung good memories, painful pa rin. You will let go.

“Pero yung letting go kasi, itatanong mo sa sarili mo, ‘Yun bang letting go is you forget someone that you love? Kailangan mo ba siyang i-keep?’

“Pero pag kini-keep mo siya nang kini-keep, masasaktan ka lang nang masasaktan. Healthy pa ba yun?”

Patuloy niya, “Siguro okay lang na nandiyan siya, pero yung alaala niya.

"Ang dinarasal ng tao na mag-heal ay yung pain. May tao naman siguro na masaya dun sa pain.

“Hindi ko alam kung ano dun ang tama, kung ano dun ang hindi, pero nasa process ako ng ganun ngayon.”

Ayon pa kay John, “Ang mother ko, nasa ganung age na rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ayokong may mangyari sa mother ko especially ngayon na pandemic. Para sa akin, huwag muna.

“Madali namang tanggapin na lahat tayo pupunta dun, pero iba talaga pag may nawala, wala na talagang balikan yun.”

WHY JOHN DID NOT COME HOME WHEN HIS FATHER DIED

Pagtatapat ni John, kaya niyang umuwi sa Baler noon para makasama ang ama sa huling sandali nito. Pero di niya ginawa para sa proteksiyon na rin ng mga mahal niya sa buhay.

“Hindi lang sa mahigpit, ako natatakot ako na mag-risk ako. Zero COVID ang Baler ‘tapos pupunta ako dun.

“May mga privileges na lumalapit sa akin, ‘John, you can use my access.’ May mga ganun, may mga lumalapit sa akin

“Nagi-guilty ako sa dalawang bagay.

“Una, nagi-guilty ako dahil may access ako, I can really go there.

“Pangalawa, o sige, pupunta ako dun, paano kung may bitbit ako? From my house going there, may mga makakasalamuha akong tao, may mga tao na dadaanan ako sa bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It's not just for me to see my father, but at the same restrictions ng mga nangyayari.

“Yung restrictions ng protocol, yung restrictions na di mo pa alam yung virus na ito.

“Ayoko ring i-risk ang family ko, although majority ng family ko nandito. Ninety percent ng family ko, kami talaga ang di nakapunta.

“At least nandun yung mother ko, yung sister ko, apat na kapatid ko. Yung lahat kasi ng apo, nandito.”

Ipinaliwanag din ni John kung bakit ipinost niyang hindi COVID-19 ang ikinamatay ng ama kundi dahil na rin sa katandaan nito.

“Oo naman, zero COVID kasi sa Baler. Old age lang talaga.

“Bago nangyari kasi ‘yan, turn ng sister ko to take care of our father.

“Ako kasi, katatapos ko lang kasi relyebo’ yan, e. Sa akin, nag-anim na buwan siya, ‘tapos sa ate ko naman.

“Nagkataon na sa kanya nun, kumbaga sa kanya inabutan.

“Yung father ko, matanda na siya, 85 siya namatay. Para sa akin kasi, hindi pa katandaan, kasi isa kong tito, umabot ng 94.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

SUAREZ, THE HEALING PRIEST

Si John ang gumaganap bilang Father Fernando Suarez sa MMFF 2020 entry na Suarez, The Healing Priest ng Saranggola Media Productions, at sa ilalim ng direksiyon ni Joven Tan.

Ayon sa aktor, isang malaking blessing para sa kanya ang pelikula tungkol sa healing priest na pumanaw noong April 4, 2020.

Saad ni John, “Actually it's also a blessing and I’m very thankful.

“I’m so sad about his fate, but I am also very thankful na naging part ako ng journey niya. Mas lalong lumalim yung pananampalataya ko sa simbahan.

“Nakita ko kung paano niya minahal ang simbahan, kung paano niya pinaglaban ang kanyang pananampalataya.

“Pati yung paniniwala ko sa simbahan, naging 100 percent ulit. Minsan nagkaka-doubt ka na rin kapag may mga controversies.

“Pero kung paano niya pinaglaban ang kanyang pananampalataya, yung paninindigan niya sa kanyang faith, ang laki ng nagawa sa akin nung ginagawa ko ang istorya niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Ang kagandahan kasi sa isang aktor, when you are doing someone’s story, when you are experiencing someone’s life, parang yung mga lessons somehow, hindi naman 100 percent, yung mga challenges na pinagdaanan niya, yung mga lessons na pinagdaanan niya, somehow mararanasan din ng puso mo, ng isip mo.

“Para sa akin, napaka-enriching ng ganung experience for an actor.”

Bago ang kanyang pagganap bilang Father Suarez, tumatak nang husto sa publiko ang pagganap ni John bilang ang bayaning si Antonio Luna sa biopic na Heneral Luna (2015).

Bago pumanaw ni Father Suarez, nakasama pa ito ni John sa sa ilang eksena ng pelikulang Suarez.

Paglalarawan ng aktor sa healing priest, “Isang simpleng tao. Alam mo yung isang aktor na normal mo siyang kausap, pag nasa stage na, pag nasa kamera na, iba na.

“Pag kausap mo siya, normal lang. Normal na tao na walang pretensions, di mo makikita yung charisma ba pag siya ay nagho-homily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di siya nagta-try na i-convince ka or whatever, basta nagkukuwento lang siya. Masayahin, sobrang masayahin na tao.”

PRANIC HEALING

Naniniwala ba siya sa power of healing gaya ng ginagawa ni Father Suarez?

Tugon ni John, “Oo, naniniwala ako dun. Saka sabi ko nga, ang healing kasi, mayroon kasi akong background sa Pranic healing.

“Kasi nung bata pa ako, nung high school ako, nakatira ako sa Baler Parish Church.

“Nakatira ako sa kumbento ng pari, I was an altar boy, I was a guitarist, and then assistant to the choirmaster. So, yung ganyang community, malinaw sa akin.

“Then, every time na magkakasakit ako, mayroon sa aking naghihilot. ‘Tapos na-acquire ko yun, pati sa mga kapatid ko, mga barkada ko, ginagamit ko yun. Sinasabi nila na may healing power daw ako.

“‘Tapos nung college ako, dito sa St. Joseph's College, naging assistant computer coordinator, ang pinagse-serve-an ko, nagbibigay ako ng mga workshops ng acting, ng theater arts, naranasan ko naman yung acupressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginagawa ko rin yun sa mga kasamahan ko, sa mga kaklase ko.”

Lahad niya, “Nung natapos ko yung college ko, um-attend ako ng seminar ng Pranic healing.

“Yung Pranic healing kasi came from Sanksrit word prana, which means life force, more on energy. We are just composed of life force.

“Parang sa science, molecules lang tayo. Naniniwala din ako dun, pero di ko dini-dismiss na hindi siya ano ng Diyos.

“That's part of God's creation, that's part of God's architecture. Para sa akin, yung healing na ganun sa kanya ay di imposible.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla on his father's death: “Madali namang tanggapin na lahat tayo pupunta dun, pero iba talaga pag may nawala, wala na talagang balikan yun.” John plays Father Fernando Suarez in the MMFF 2020 entry Suarez, The Healing Priest.
PHOTO/S: Joven Tan / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results