Julia Barretto's letter "G" pendant creates a stir among netizens

by Bernie V. Franco
Dec 9, 2020
Julia Barretto pendant
Netizens' sharp eyes spotted Julia Barretto's pendant in an Instagram post she recently posted. Others believe that "G" stands for Gerald Anderson, the actor who is romantically linked to Julia for some time now. (Right photo) a close-up shot of Julia's pendant.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram (Credit to the owner)

What does “G” stand for?

Ito ang pinagtatalunan at pinag-uusapan ng netizens tungkol sa suot na letter “G” pendant ni Julia Barretto sa kanyang latest Instagram post.

Nitong weekend, nag-post ng larawan ang 23-year-old actress upang i-promote ang isang brand ng hair vitamins.

Pero hindi ang produkto ang nakapukaw sa atensiyon ng mga mapagmasid na netizens.

Hindi nakaligtas sa mga mata nila ang gatuldok na letrang "G" pendant na suot ni Julia.

Pinagtalunan pa ng iba kung ano ang simbolo ng letter G.

Julia Barretto G pendant

Continue reading below ↓

Kinilig ang ibang netizens. Wala silang binanggit na pangalan. Pero mahihinuha sa reaksiyon ng netizens na may kinalaman ito sa aspetong pag-ibig ni Julia.

Sa kasalukuyan, ang aktor na si Gerald Anderson ang nauugnay kay Julia.

Hindi pa rin tumitigil ang pagli-link sa kanila kahit higit isang taon na ang lumilipas mula nang magsimula ito.

Paniniwala rin ng iba, magkarelasyon na ang dalawa kahit wala silang inaamin.

Continue reading below ↓

WHAT DOES "G" STAND FOR?

Ang iba naman, iginiit na letter “C” ang pendant. Pero kinontra ito dahil wala raw kinalaman ang “C” sa buhay ni Julia.

Ang iba, ipinagpilitang ang ibig sabihin ng “G” ay “Gucci” na kilalang international fashion brand.

Banat naman ng kumontra sa argumentong ito, walang ganitong pendant ang Gucci kung ire-research ito sa Internet.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May mga humirit namang gumagawa raw ng ingay si Julia, na “pa-issue” at “marketing strategy” ito.

Continue reading below ↓

ACTIVe ON SOCIAL MEDIA

Lately, naging aktibo sina Gerald at Julia sa kani-kanilang social media accounts para i-promote ang pinagtambalan nilang pelikula, ang Between Maybes (2019), na available na sa online streaming service na Netflix.

Coincidentally, ito rin ang pelikulang naging dahilan para ma-link silang dalawa, na naging mitsa ng sunud-sunod na kaganapan sa showbiz na lubos na pinag-usapan noong 2019.

Kasunod ng pagkaka-link nina Julia at Gerald ay ang balitang paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo; ang breakup nina Julia at Joshua Garcia; at paratang na si Julia ang dahilan ng hiwalayang Bea-Gerald.

Mula nga naman nang maging available sa Netflix ang pelikula nina Julia at Gerald noong December 3, tuluy-tuloy ang pagpo-post nila tungkol dito hanggang ngayon.

Nagkaroon pa sila ng maiksing interaksiyon sa Instagram nang magyaya si Julia ng "tara" kay Gerald, na tinanggap naman ng aktor.

Nasulat din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang magkasama sina Julia at Gerald na nag-hiking sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens' sharp eyes spotted Julia Barretto's pendant in an Instagram post she recently posted. Others believe that "G" stands for Gerald Anderson, the actor who is romantically linked to Julia for some time now. (Right photo) a close-up shot of Julia's pendant.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram (Credit to the owner)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results