PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto answers netizen who says her face looks like “nasobrahan yata pagawa”

Angeline Quinto to basher: “Buhay mo lang ang pagkaabalahan mo.”
by Jet Hitosis
Published Dec 10, 2020
Angeline Quinto, retokada
Singer Angeline Quinto on undergoing beauty enhancement procedure: “Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin. Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi."
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram

“Buhay mu nalang ang unahin at pagkaabalahan mu.”

Ganito sinagot ni Angeline Quinto ang isang netizen na nagsabing “nasobrahan yata” sa pagpaparetoke ng mukha ang 31-year-old singer.

Nagkomento ang netizen sa latest Instagram photo ni Angeline nitong Miyerkules, December 9.

Close-up shot ng kanyang mukha ang ibinahagi ni Angeline sa kanyang 1.6 million followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming fans ni Angeline ang gandang-ganda sa kanya.

Agaw-pansin tuloy ang comment ng isang babaeng netizen.

Tinag ng netizen ang isang fan ni Angeline na nagkomento ng limang red heart emojis upang kontrahin ang reaksiyon nito.

Sabi ng netizen sa fan (published as is): “nasobrahan yata pagawa”

Ang “pagawa” na binanggit ng netizen ay tumutukoy sa pagpaparetoke—isang bagay na hindi naman ikinakaila ni Angeline.

Sinagot ni Angeline ang netizen: “kung ipagawa ko man buong katawan at pagkatao ko, hindi naman makakaapekto sa pamumuhay mu.

“Much better kung buhay mu nalang ang unahin at pagkaabalahan mu.

“Loveyou babe. [red heart emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MAGAGALIT ANG MAMA BOB KUNG PURO HATE TAYO”

Hindi na nag-reply kay Angeline ang netizen.

Sa halip, ang fans ni Angeline ang nagpakawala ng maaanghang na komento laban sa netizen, na tinawag nilang “inggit” at “insecure.”

May ilan ding Instagram followers ni Angeline ang pinagtawanan ang netizen dahil “basag” at “burn” daw ito sa reply ng singer.

Kalaunan, nagkomento si Angeline sa sarili niyang post para pahupain ang galit ng kanyang fans.

Sabi ni Angeline: “iloveyou guys [two red hearts, four praying hands emojis] magagalit ang mamabob kung puro hate tayo.

"Hindi yan ang itinuro niya sa akin. [one praying hand, five red heart emojis]”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Mama Bob ay si Sylvia Quinto, ang adoptive mother ni Angeline na pumanaw nitong November 7.

ANGELINE IS “PROUD RETOKADA”

Hindi ikinakaila ni Angeline na ilang beses siyang sumailalim sa cosmetic surgery.

Sa katunayan, sa isang Instagram post noong August 1, tinawag pa ni Angeline ang sarili bilang “proud retokada.”

Sa parehong post, inisa-isa pa ni Angeline ang mga medical procedure na pinagdaanan niya, tulad ng “eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage,” at “breast reduction.”

Mayroon din daw siyang glutathione injection upang mapanatili ang maputi at makinis niyang balat.

Nauna rito, sa isa pang Instagram post noong July 31 ay sinabi ni Angeline na hindi niya kailanman ikinahiya ang ginawa niyang pagpaparetoke.

Kaya naman ipinagtataka raw ni Angeline kung bakit “big deal” pa rin ito sa ibang tao.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Never q ikinahiya kung ano ang mga pinagawa q. At hanggang ngaun napakalaking issue sa iba.

“Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi. Kaya nga ho may Dra. Vicky Belo.”

Si Dra. Vicki ang kilalang cosmetic surgeon ng maraming celebrities, at tinaguriang “Doctor to the Stars.”

Dagdag ni Angeline: “Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e.

“Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad.

“Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho. #RetokePaMore”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Angeline Quinto on undergoing beauty enhancement procedure: “Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin. Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi."
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results