Proud na ina si Jackie Forster sa pagkakasama ng anak na si Kobe Paras sa national team ng Gilas Pilipinas na naglaro sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa bansang Bahrain.
Noong November 30, nag-post si Jackie sa Instagram ng larawan ng anak mula sa Instagram Stories ng basketball player. May laro kasi sina Kobe kinagabihan doon.
Mensahe ni Jackie sa caption, “Another game at 9pm tonight for @_kokoparas #GilasPilipinas in Bahrain
“you can download the Fiba Asia app or go to my stories and swipe up for the link to One Sports Ph - Facebook Livestream. #proud mama.”

Nitong nakaraang linggo ng Disyembre, isang basher ang nagkomento sa post na ito ni Jackie.
Sabi ng basher patungkol kay Kobe: “Feeling sikat”

Hindi napigilan ni Jackie ang sarili at sinagot ang basher ng anak.
Kahit ramdam ang gigil sa dating aktres, mahinahon pa rin niyang sinagot ang basher.
Sabi ni Jackie (published as is): “and Ikaw Ano feeling mo? Ano gusto mo maramdaman or mangyari now that you said it?
“You are just ‘an ordinary average guy’ yes. And you will never be more. Why?
“Because of your mentality. At least anak ko mula bata palang binigay na nya oras, pagod and buhay nya para sa isang bagay na mahal nya, basketball- para sa bansa natin.”
Buwelta pa ni Jackie sa basher: “Eh ikaw?? Ano toka? Ang galing galing ng mga taong walang ambag sa bayan mag salita ng masama sa mga batang mag pupursige at nag sasacripisyo para may makamtan sa buhay - ni hindi nila alam kung Ano ibig sabihin ng HARD WoRK and Sacrifice.
“go lang bash pa ng bash. Sana na ma bless ni Lord lahat ng hiling mo.”
Pagmamalaki pa niya: “You have no access to the people my son has access too.
“The mere fact he was chosen on the team says a lot about where he is.
“You don’t attend practices or film reviews to know what [Tab] and Jong asked of him right?
“Mga naglalaro sa kalye akala basta pag Pinasa bola sayo Tira agad
“Go give your mom a hug, maybe your heart will start beating right afterwards and you will suddenly have bigger goals, goals that actually require hard work and sacrifice.”
Si Jong Uichico ang head coach ng Gilas Pilipinas, habang si Tab Baldwin naman ang program director.

“STOP WORRYING ABOUT MY POGI BOY”
Pero hindi pa rin tumigil ang basher.
Komento nito, “sikat sa mga bading” si Kobe.

Hindi rin ito pinalampas ni Jackie.
Sabi nito, baka ang basher ang bading dahil naghahanap pa raw ito ng mga larawan ni Kobe maging sa account ni Jackie.
Dagdag ni Jackie, sikat ang anak niya "with all sexes."
“katulad mo, I guess?? I mean you are looking for his photos even on his mother’s account.
“Spending time and effort to be passionate about why you can never have him or be him.. hurt people hurt people
“sikat sya with all sexes Tama ka dyan. That’s how fake works FYi.
“Ikaw lang yung in denial.
“Go enjoy your life now and stop worrying about my pogi boy.”

Si Kobe ay bunso sa dalawang anak ni Jackie sa dati nitong asawa na si Benjie Paras. Ang panganay ay si Andre Paras.
May tatlong nakababatang anak si Jackie sa kanyang second husband na si Michael Franken—sina Jared, Caleigh, at Yohan.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
