Nakiusap si Ellen Adarna sa kanyang Instagram followers na huwag na siyang tanungin tungkol sa pag-aasawa dahil hindi pa raw niya ito naranasan.
Sa kanyang “Ask me a question” session sa Instagram Stories kagabi, December 13, sinagot ni Ellen ang tanong na ito ng netizen:
“When do you think a person is ready for marriage?”

Ayon sa Cebuana actress, marami siyang natatanggap na ganitong klaseng katanungan.
Saad niya, “I get a lot of questions about marriage or finding the right one.
“Guys, please do not ask me this because I’m not experienced. I haven’t been married, and I haven’t found the one yet. Please.”
Pero pro-live in daw siya.
Ito raw kasi ang itinuro ng kanyang mga magulang noong nasa legal age na silang magkakapatid.
Tanong pa ng netizen: “What can u say about couples living together without marriage?”

Tugon ni Ellen, “Ako, ‘Day, pro ako ‘Day, which is me and my siblings, when we reached 18, our parents encouraged us to live with our partners so di mi magpatakag minyo kung kahibaw mi sa unsay among gusto or di.”
[“Ako ‘Day, pro ko ‘Day, which is me and siblings, when we reached 18, our parents encouraged us to live with our partners so hindi kami mag-aasawa na lamang nang ganun-ganon para malaman namin kung ano ang gusto namin o hindi.”]
Dagdag pa niya, “Ug mao gyud tong fears sa akong papa nga magpataka mig minyo, so iyang gipatilaw, gipasabot mi niya, nga unsa man ning idea, on what it’s like to live with someone. So, ako, I’m pro live-in.”
[“Yun kasi ang kinakatakutan ng papa namin baka basta-basta na lamang kami mag-aasawa, kaya pinatikim niya, pinaintindi niya sa amin, kung ano ba itong ganitong idea, on what it’s like to live with someone, so ako I’m pro live-in.”]
Ayon pa kay Ellen, hindi madaling lumabas o kumalas sa relasyon lalo na kung kasal na kayo at nagsasama na sa iisang bubong.
“Kay lisod man ning magminyu-minyo ka, pataka kag minyo, mag minyo ka, di ka ra ba kapataka ug backout, di ka sayun-sayon. So, for me, at some point nga kabaw ka nga unsa man ang giintrahan nimo nga idea, nga imo mang gi-trust drive.”
[“Dahil mahirap kasi kung mag-aasawa ka, magkakamali ka sa pag-aasawa, hindi kasi madaling mag-backout, hindi ganun kadali yun. So, for me, at some point na alam mo kung ano yung pinasukan mong mundo na iyong gi-trust drive.”]
Naka-live-in ni Ellen ay ang aktor na si John Lloyd Cruz kung saan mayroon silang isang anak, si Elias Modesto.
PREFERS MATURE GUYS
Natuto na raw si Ellen sa buhay pagdating sa usapin sa kanyang boyfriends.
Ang pinakaayaw raw niya ay immature boys.
Tanong ng netizen: “How to handle immature boys?”

Sagot niya, “Tagam na ko ana, ‘Day. Ganahan gyud ko sa mas mature nga lalaki, someone who is wiser, someone who I can learn from, kay immature man gyud ko unya parisan pa kog immature, di na ‘Day.”
[“Nadala na ako sa ganyan, ‘Day. Gusto ko talaga ng mas mature na lalaki, someone who is wiser, someone who I can learn from, dahil immature kasi ako tapos papartneran pa ako ng immature, huwag na ‘Day.”]
Masaya si Ellen sa kanyang buhay ngayon kasama ang anak na si Elias.
Kamakailan lamang, nag-mother-and-son vacation ang dalawa sa Amanpulo, Palawan.
Tanong muli ng netizen: “What’s your secret about being so happy?"

Tugon niya, “Do what you have to do, mind you own business, work on yourself, and then you will be happy.”
Tanong ng isang netizen: “Hi Miss Adarna are you single?”

Sagot niya, “If you know someone 'Day who’s handsome, who’s smart, who’s respectful, who’s is driven, who’s fair, who’s fun, send him over. If not, then I’m taken.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
