Nag-bonding ang mag-inang Ellen Adarna at Elias Modesto kahapon, December 6.
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Ellen ang isang audio ng conversation nila ng anak.
Dito ay tinatanong niya si Elias kung ano ang pangalan ng ama nito.
Tanong ni Ellen sa dalawang-taong-gulang na anak: “What your papa’s name?”
Tugon ni Elias: “Piolo.”
Natawa si Ellen sa sagot ng anak.
Sabi niya rito, “Your papa’s name is not Piolo, uy.
“Your papa is not Piolo.”
Tinanong niya uli ang bata.
Ani Ellen, “What your papa’s name?”
Sagot ni Elias, "Piolo."

Ibinahagi ni Ellen sa Instagram ang usapan nila ng anak.
Caption niya: “Ginoo ko (Dyusko) lol. Hala papa p!!! Ikaw daw ang ama loooll @piolo_pascual.”
Tinag ni Ellen si Piolo at ang personal assistant nitong si Moi Marcampo.

Isang video rin ang ibinahagi ni Ellen kung saan tinanong niya ang anak kung sino ang ama nito.
Tanong ni Ellen: “Who’s your papa?”
Diretsong sagot ng bata: “Papa P.”
Sabi ni Ellen na natatawa, “John Lloyd left the group chat.”
Ganito rin ang caption niya sa nasabing video.

Ang “John Lloyd” na tinutukoy ni Ellen ay ang dati niyang partner at ama ni Elias na si John Lloyd Cruz.
Pero sa isang video na ipinakita si Ellen, sinabi ng aktres na may "Piolo" talaga sa bahay nila—isang aso.

CO-PARENTING STATUS
Taong 2017 nagkamabutihan sina Ellen at John Lloyd sa set ng sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.
Setyembre ng nasabing taon, ilang araw nagbakasyon sa Bantayan Island sa Cebu sina Ellen at John Lloyd.
November 2017, eksklusibong iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagdadalantao si Ellen at si John Lloyd ang ama.
June 2018, isinilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd.
Pero bago pa man ang unang kaarawan ni Elias, nagkakalabuan na diumano sina John Lloyd at Ellen.
Agosto 2018, nakumpirma ang balitang naghiwalay na ang dalawa. Pero napagkasunduan nilang mag-co-parenting pagdating sa bata.
Sa ngayon, balitang magkakaroon ng comeback shows sa TV5 ang dalawa.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
