Itinanggi ni Pia Wurtzbach na “bitter” siya pagdating sa fellow Miss Universe titleholder na si Catriona Gray.
Hindi lingid sa kaalaman ni Pia na may ibang tao na pilit silang pinagtatapat ni Catriona.
Iginigiit ng mga itong hindi raw masaya si Pia dahil nasundan agad ang kanyang pagkapanalo bilang Pilipinang Miss Universe.
Si Pia ay kinoronahang Miss Universe noong 2015, o higit apat na dekada nang huling manalo si Margie Moran noong 1973, ang ikalawang Miss Universe ng Pilipinas.
Si Gloria Diaz ang unang Pinay Miss Universe. Nanalo siya noong 1969.
Tatlong taon matapos manalo ni Pia, kinoronahang Miss Universe si Catriona noong 2018.
Hanggang ngayon, patuloy ang pagkukumpara kina Pia at Catriona.
PIA ON BEING PITTED AGAINST CATRIONA
Pero binigyang-linaw ito ni Pia sa isang recent interview niya sa Gulf News, isang media organization sa Dubai, United Arab Emirates.
Tumulak si Pia sa Dubai kamakailan upang tanggapin ang parangal bilang Woman of The Year sa ginanap na Xpedition Gala Awards 2020.
Nagkataon namang si Catriona ang nakatanggap ng parehong award noong 2019.
Natanong si Pia tungkol sa pagkapanalo ni Catriona sa Miss Universe 2018.

Sagot ni Pia, nasaksihan niya nang manalo si Catriona sa prestigious international beauty pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong December 2018.
“I was actually there when she won. I was actually almost in the front row,” ani Pia sa video na in-upload sa YouTube noong December 12, 2020.
“It’s so nice to see from the audience’s point of view, because I’ve been there as a contestant.
“I’ve been there as a judge, but it was my first time to be there as an audience member, where I’m literally there just to experience it.
“I don’t have any responsibility to judge the girls, to write anything down. I’m just there to enjoy.”
DOES PIA FEEL THREATENED BY CATRIONA?
Sinundan ito ng pahayag ni Pia tungkol sa paratang sa kanyang “threatened” siya kay Catriona.
Mariin niya itong itinanggi.
“And people would say to me before, like, ‘Awww, she’s threatened because, you know, she doesn’t want another Filipino from the Philippines to win.’
“But once you’re there, all of that goes out of the window, because you just wanna raise the flag, you just want the Philippines to win.
“Everybody’s so happy. How can you be, like, the bitter one, right?
“Like, why would you wanna ruin the party?” saad ni Pia.
Sa katunayan, kamakailan ay sinagot ni Pia ang paratang na puro glamour shots at puro tungkol sa love life lang ang ipino-post niya sa kanyang Instagram account.
Isang netizen pa ang nagkumparang malayo raw ang pagkakaiba nila ni Catriona, na ang kadalasang ipinu-post ay ang kanyang charity work.

Hindi direktang sinagot ni Pia ang ginawang pagkukumpara sa kanila ni Catriona.
Pero sinabi niyang hindi siya nagkulang sa pagpu-post ng mga ginagawa niyang kawanggawa, subalit mas napapansin daw ang tungkol sa kanyang personal na buhay at love life.
PIA’S NEW YEAR’S RESOLUTION
Samantala, malalim ang sagot ng actress-beauty queen nang matanong kung ano ang New Year’s Resolution niya.
Hindi raw niya kakalimutan ang lahat ng mga natutunan niya ngayong 2020.
Sabi ni Pia, “As much as we didn’t like this year, I think it taught us so many lessons, like, not taking the little things for granted anymore.
"And going back to basics, and really just detaching yourself from distractions.”
Pangako rin ni Pia sa sarili na magkaroon ng work-life balance dahil subsob siya sa trabaho nitong 2020.
“So, years have passed after Miss Universe and I barely have any real life experiences, because I’m always at work.
“And I realized, that’s not a way to live. I need to balance it. I need to have a balance.
"I need to spend more time with my loved ones and spend more time with my family.
“Do the things that make me happy, rather than just burying my mind or myself at work.
“So, next year, I wanna continue all the projects that have been put on hold because of the pandemic.
“But I also wanna reconnect with people. I wanna reconnect with myself.
"And I feel, like, this year kinda forced me to think what really makes me happy, and I think I’m slowly learning the answer.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
