Matteo Guidicelli brags to KC Concepcion about wife Sarah Geronimo’s “perfect” baking skills

by Jet Hitosis
Dec 15, 2020
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli KC Concepcion baking
Actor Matteo Guidicelli (center) suggests that actress-host KC Concepcion (right) and his wife, singer-actress Sarah Geronimo (left), do an online baking session after he and KC did a tuna pasta showdown on the host's cooking vlog.
PHOTO/S: @matteog, @itskcconcepcion on Instagram

Para kay Matteo Guidicelli, “the best” ang baking skills ng asawang si Sarah Geronimo.

Unang subok pa lang daw kasi ng 32-year-old singer-actress sa isang cake recipe ay “perfect” na ang kinalalabasan nito, ayon kay Matteo, 30.

Ipinagmayabang ni Matteo ang special talent ng kanyang misis nang mag-guest siya sa cooking collab vlog ni KC Concepcion para sa isang tuna pasta showdown.

Linggo, December 13, nang in-upload ni KC, 35, sa kanyang YouTube channel ang episode ng guesting ni Matteo.

Sa umpisa ng vlog, kaagad na kinumusta ni KC si Sarah kay Matteo.

Sabi ni KC kay Matteo: “Please give her a big kiss and a big hug from me. I’m so happy for you, guys, and I miss you, guys.”

“PERFECT” BAKING SKILLS

Binanggit ni Matteo na maaari ring mag-guest si Sarah sa cooking vlog ni KC.

Nag-suggest pa ang actor-athlete na baking session ang gawin nina KC at Sarah.

Continue reading below ↓

“You guys should, like, bake next time. You and Sarah should bake,” sabi ni Matteo kay KC.

Buong pagmamalaking idinugtong ng aktor: “She’s, like, the best at doing that!”

“Really? Okay, good,” sagot ni KC. “Kasi wala akong alam sa baking.”

Tuluy-tuloy naman si Matteo sa pagkukuwento tungkol sa baking skills ng kanyang misis na Popstar Royalty.

Dagdag ni Matteo: “She’s the best.

“People take, like, 50 tries to make the perfect cake. Siya, isa lang and it’s perfect already.”

“Oh, so talent pala ni Sars yung baking,” bulalas ni KC, na “Sars” ang nickname sa kaibigang si Sarah.

“Sige, let’s do it! Super miss ko na 'yan, si Sars.”

Hindi ito ang unang beses na ipinagmalaki ni Matteo ang husay sa pagbe-bake ni Sarah.

Sa katunayan, madalas i-post ni Matteo sa Instagram ang cakes na ginawa ng asawa para sa kanya.

Continue reading below ↓

Noong July 15, may “#proudhusband” pa ang caption ni Matteo sa ipinost niyang “Japanese Souffle Cheesecake by Sarah Guidicelli.”

Ang “Lemon Blueberry Buttermilk cake” naman ni Sarah ang ipinost ni Matteo noong September 17.

Gamit ng aktor ang “#shesthebest” bilang papuri sa baking skills ng kanyang misis.

Continue reading below ↓

MATTEO’S “VERY, VERY CARING WIFE”

Kinumusta rin ni KC si Matteo kung paano si Sarah bilang maybahay.

“Sobrang sweet niyang si Sarah, e,” kuwento ni Matteo.

“Lahat talagang… she’s a very, very caring wife.”

Sumunod na tanong ni KC, ano ang sikreto ng maayos nilang samahan bilang mag-asawa?

“What makes us strong is that we’re transparent. We’re very transparent,” sagot ni Matteo.

“She’s very honest. We’re honest with each other.

“That’s very important. You cannot hide things from one another.”

Sa huling bahagi ng vlog, nagpahayag si KC ng katuwaan na nauwi sa pagpapakasal ang relasyon nina Sarah at Matteo.

“I’m so happy for Sarah and for you,” ani KC.

“I want to hug you both. Bilib ako sa’yo and kay Sarah.”

February 20, 2020 nang ikinasal sina Matteo at Sarah.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Matteo Guidicelli (center) suggests that actress-host KC Concepcion (right) and his wife, singer-actress Sarah Geronimo (left), do an online baking session after he and KC did a tuna pasta showdown on the host's cooking vlog.
PHOTO/S: @matteog, @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results