Derek Ramsay says ex-girlfriend Andrea Torres is not the right one for him

by Arniel C. Serato
Dec 17, 2020
Andrea Torres Derek Ramsay deserves better
Derek Ramsay hopes to "find the right one" after breakup with Andrea Torres.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @andreaetorres on Instagram

Magiliw pa ring sumasagot si Derek Ramsay sa mga patama sa kanya ng netizens matapos ang hiwalayan nila ng dating kasintahang si Andrea Torres.

Kagabi, December 16, nag-upload si Derek sa Instagram ng larawang nagpapakita sa maganda niyang pangangatawan.

Caption niya: “Labas nalang natin ang galit sa bortawan!!! #echoslang @galibearstravel

Derek Ramsay Instagram post

Continue reading below ↓

Biro ng kaibigang naka-tag sa kanyang post, “HAHAHAHA! From Marines to Marengs right quick!”

Laughing emojis lang ang sagot ni Derek sa kanya.

Derek friend joke

Isang follower naman ng aktor ang nagpasaring ukol sa kanyang love life.

Maganda raw ang katawan ni Derek, pero walang tumatagal ditong babae.

Tugon ng aktor, darating din ang araw na makakahanap siya ng karapat-dapat sa kanyang babae.

Sabi niya, “ill find the right one dear.”

Derek Ramsay I'll find the right one

Tanong ng isa pang netizen: “So, meaning Andrea is not the right one.”

Andrea Torres not the right one

Continue reading below ↓

Sagot ni Derek, makakahanap din ang aktres ng mas nararapat sa kanya.

Aniya, “no she deserves better.”

Derek Ramsay Andrea deserves better

DEREK-ANDREA RELATIONSHIP

Halos dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Derek at Andrea.

Marami ang umasang hahantong na sa kasalan ang relasyon ng dalawa.

Wala kasing intriga na pumutok sa pagitan nila bago ang balitang hiwalayan nitong nakaraang Nobyembre.

Continue reading below ↓

Kaya naman nagulat ang publiko sa desisyon ng dalawang maghiwalay ng landas.

Nabigla rin ang mga taong nakapalibot sa dalawa dahil sa hiwalayan nila. Matagal na kasing usap-usapang may plano na silang magpakasal.

Tanggap na rin sila ng kani-kanilang pamilya.

Malalim diumano ang dahilan ng breakup na hanggang ngayon ay ayaw pag-usapan nina Derek at Andrea.

Pero nauna nang nilinaw ng aktor na walang third party sa kanilang hiwalayan.

Sabi pa niya, “There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.

“There is no third party!!!! The breakup has happened so fast.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay hopes to "find the right one" after breakup with Andrea Torres.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results