Nagbigay ng update si Sandra Lemonon tungkol sa plano niyang magsalita tungkol sa kontrobersiyang nangyari sa Miss Universe Philippines 2020.
Si Sandra, na kumatawan sa Taguig City, ay umabot hanggang Top 16 sa grand coronation ng national pageant na ginanap noong Oktubre.
Lumikha siya ng ingay matapos magpahiwatig na may nangyari umanong dayaan sa pageant, kung saan si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020.
Pinasaringan ni Sandra ang Miss Universe Philippines (MUP) organization sa pamamagitan ng pagpu-post sa Instagram Story sa kasagsagan ng isyu.
May makahulugan pa siyang post na ang totoong beauty queen “play FAIR don’t CHEAT.”
Naisyu noon si Rabiya na may bitbit na sariling glam team, na mahigpit na ipinagbabawal.
Inakusahan din si Rabiya na alam na raw nito ang final question sa question-and-answer portion.
Ang mga akusasyon ito ay mariing itinanggi ni Rabiya, mga tagasuporta niya, gayundin ang mismong MUP organization.
Umani ng matinding batikos si Sandra mula sa netizens.
Sa mga sumunod na linggo, kinutya siya ng netizens: “When will you spill the tea?”
Ang “tea” ay tumutukoy sa gossip o impormasyon.
Hinihintay ng pageant fans ang sinabi nitong magsasalita siya para isiwalat ang diumano’y maling kalakaran ng organisasyon.
Lumipas ang maraming linggo at umabot ng buwan, pero hindi nagsalita si Sandra at nanahimik tungkol sa isyu.
SANDRA PROMISES TO SPILL THE TEA
Kagabi, December 16, sinagot ng aspiring beauty queen ang mga tanong ng ilang netizens.
Tanong ng isang netizen, “What’s the tea about MUP?”
Biro ni Sandra, “It’s brewing [laughing emoji] charot.
Pagbawi niya (published as is), “But in all seriousness, I decided to stay silent for now, in order to ‘keep the peace’ & for there be no hot tempers.
“As my intentions are pure as for my purpose in speaking up is to improve the pageant community by being transparent & honest.”
Pero tila may pagkambiyo ngayon si Sandra pagdating sa paratang niyang dayaan daw sa MUP pageant.
Kung dati ay malakas ang loob niyang magpahiwatig na nagkaroon ng dayaan, ngayon ay sinabi nitong naaayon sa perspektibo ang gagawin niyang pagsasalita.
Aniya, “All I will share is my truth from a perspective of a candidate of muph 2000 who has experienced all 3 orgs,(world, Bbp, muph) & who has witnessed things that weren’t aligned with my beliefs & morals.
“In summary, you will be hearing from me soon.”

Bago ang pagsali niya sa Miss Universe Philippines 2020, sumali rin si Sandra sa Miss World Philippines 2016 kung saan naging fourth princess siya, at sa Binibining Pilipinas 2018 kung saan nakaabot siya sa Top 15.
Ano naman ang susunod niyang endeavors?
Makahuluhang sagot ni Sandra: “YOUTUBE & pasaaaabogs”
WILL SHE JOIN ANOTHER PAGEANT?
May netizen ding humimok kay Sandra na sumali muli sa MUP pageant.
Pero aniya, “Awee…. Thank you so much love, I am so happy to hear that
“I appreciate you, but no love. Not until there is more transparency from the pageant industry.”
Sasali ba siya sa susunod na Binibining Pilipinas pageant?
Sagot ni Sandra, “I don’t know love what I do know is that it’s my favorite pageant journey
“I had the best experience & such fond memories.
“Many story times to share
“Got to make life long friends”
Kinumusta naman siya ng isang supporter.
Tugon ni Sandra, “Thank you for asking love, I am doing much better.
“I am back to my center
“Many trials this year but it for sure has helped me grow to a better person.
“I am happy that no matter whatever situation I am in I always stay true to myself , values & beliefs.”

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
