Ibinunyag ni Sarah Geronimo na dalawang beses nag-propose sa kanya ang asawang si Matteo Guidicelli.
Nangyari raw ang unang proposal ni Matteo kay Sarah sa bansang Italy. Ang pangalawa naman ay nangyari sa Cebu, ang hometown ni Matteo.
Inanunsiyo ni Matteo na engaged na sila ni Sarah sa pamamagitan ng isang Instagram post noong November 7, 2019.
Gayunpaman, naging matipid ang dalawa pagdating sa impormasyon tungkol sa kanilang engagement.
Nagkaroon pa ng bali-balitang nangyari ang proposal ni Matteo kay Sarah nang magbakasyon sila sa Bali, Indonesia, para sa kanilang sixth anniversary noong September 2019.
Ginanap ang kontrobersiyal at lihim na kasal nina Sarah at Matteo noong February 20, 2020.
SARAH CONFIRMS MATTEO PROPOSED TWICE
Makahulugan ang mga binitawang pahayag ni Sarah tungkol sa dalawang beses na pagpo-propose sa kanya ni Matteo.
Sa parehong pagkakataong nangyari ang proposal, hindi kasama ang pamilya ni Sarah.
Naging kontrobersiyal ang kasal nina Sarah at Matteo noong Pebrero nang biglang dumating sa reception si Divine Geronimo, ina ni Sarah.
Lumalabas na hindi imbitado at walang alam tungkol sa kasal ang pamilya ni Sarah.
Natanong si Sarah sa dalawang beses na pag-propose sa kanya ni Matteo sa YouTube video ni Dra. Vicki Belo noong December 17, 2020.
Pagbubunyag ni Sarah, nangyari ang unang proposal sa kanya ni Matteo sa Italy.
“Once po. ‘Tapos… na kami lang po nakakaalam, saka family niya.
“And then, the second time [was] with his relatives… Cebu. Parang paalam lang sa kanila,” sabi ng Kapamilya singer-actress.

Ang ama ni Matteo na si Gianluca Guidicelli ay Italian, at ang ina niyang si Glenna Fernan ay isang Pilipina.
Hindi nagbigay ng detalye si Sarah kung kailan nangyari ang proposal ni Matteo sa kanya sa Italy.
Samantala, nag-leak sa social media ang pagtungo nina Sarah at Matteo sa Venice, Italy, noong September 2018.
Binisita pa ni Matteo ang mga kamag-anak niya nang pumunta sila roon ni Sarah.
Sakto namang ipinagdiwang nila noon ang kanilang fifth anniversary.
MATTEO TALKS ABOUT TWO RINGS
Samantala, tugma naman ang isiniwalat ni Sarah sa rebelasyon ni Matteo sa online interview noon lamang August 2020.
Inusisa si Matteo ng former ABS-CBN writer na si G3 Sandiego tungkol sa engagement nila ni Sarah.
Pinakamasayang araw raw sa buhay ni Matteo nang mag-propose siya kay Sarah.
Dalawang singsing daw ang ibinigay niya kay Sarah: ang una ay heirloom ng kanyang lola.
“That first ring, I’m proud of it, I’m very proud that it was… my grandmother’s ring.
“I’m very proud na [that] it did not need readjusting or anything," ani Matteo.
Ang pangalawang singsing naman ay ginawa ng kanyang brother-in-law, na isang jeweler.
MATTEO IS MORE CLINGLY
Walong buwan matapos silang ikasal, nasabi rin ni Sarah na mas clingly si Matteo sa kanilang dalawa.
Pero paliwanag ni Sarah, ganito talaga ang personality ni Matteo.
“Matt has always been very sweet and thoughtful. ‘Tsaka clingy nga po, totoo. Sa lahat…
“Sa lahat ng mga kasama niya, very trusting siya. ‘Tapos nei-endear siya sa lahat. Ang gusto niya kasama na lagi, parang ganoon.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
