Celebrity stylist Liz Uy now married to businessman Raymond Racaza

by Rachelle Siazon
Dec 21, 2020
Celebrity stylist Liz Uy lets it slip that she and businessman Raymond Racaza tied the knot sometime between the last week of October 2020, the month when they announced their engagement, up to December 2020, the month when she referred to him as her husband.
PHOTO/S: @lizzzuy Instagram

Nagpakasal na ang celebrity stylist na si Liz Uy sa negosyanteng si Raymond Racaza.

Si Liz ay 38 years old, habang si Raymond ay may edad na 45.

Noong Linggo, December 20, low-key ang pag-anunsiyo ni Liz tungkol sa pag-iisang dibdib nila ng fiancé na si Raymond.

Mas pinili ni Liz na i-highlight ang kanyang pagbubuntis sa ikalawa nilang anak ni Raymond.

Ibinahagi iyon ni Liz sa artikulong isinulat niya para sa The Philippine Star.

Sa dulo ng kanyang kuwento, kapansin-pansing tinukoy niyang "husband" si Raymond.

Bahagi ng kanyang pahayag, "Best of all, I have a husband who makes motherhood an even greater journey.

"There is love, and there is unconditional love that I share with Raymond and Xavi, and soon enough, with our second child."

Noon lamang October 27, 2020 kinumpirma ni Liz sa publiko na engaged na sila ng live-in partner niyang si Raymond.

Isang buwan bago iyon, ipinagdiwang naman nila ang third birthday ng kanilang anak na si Xavi.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay nagdadalantao na pala si Liz sa second baby nila ni Raymond.

Bandang Hulyo napag-alaman ni Liz ang tungkol sa kanyang pregnancy, at kabuwanan na raw niya ngayon.

LIZ AND RAYMOND'S RELATIONSHIP

Pribado si Liz pagdating sa relasyon nila ni Raymond.

Pero noong ma-engage sila noong Oktubre, naging bukas si Liz sa pagsasabing si Isabelle Daza ang nagsilbing daan upang magkakilala sila ni Raymond.

Sa comments section ng Instagram post ni Liz, nagpaabot si Isabelle ng mensahe tungkol sa pagtanggap ni Liz sa marriage proposal ni Raymond.

Ani Isabelle, "Love you, you deserve it."

Sagot ni Liz, "I love you! You're the best cupid [heart emoji]."

Ang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila ay lubos ding ikinatuwa ang bagong yugto sa pagsasama ng couple dahil alam daw niya ang love story ng mga ito.

Sabi noon ni Karen kay Liz, "I know your story and am happy that you both got a second chance at love in this lifetime."

Continue reading below ↓

March 2018 nang unang maiulat ang tungkol sa relasyon nina Liz at Raymond.

Kinumpirma ito ni Liz noong August 2018.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity stylist Liz Uy lets it slip that she and businessman Raymond Racaza tied the knot sometime between the last week of October 2020, the month when they announced their engagement, up to December 2020, the month when she referred to him as her husband.
PHOTO/S: @lizzzuy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results