Carla Abellana details quarantine love with boyfriend Tom Rodriguez: "He was with me here at home."

by Rachelle Siazon
Dec 22, 2020
Love of My Life star Carla Abellana speaks about how she and boyfriend Tom Rodriguez fix their misunderstandings and share household chores as they stay at home together during COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: GMA-7 Christmas Station I.D. / Carla Abellana Youtube

Masayang ibinahagi ni Carla Abellana na magkasama nilang sinuong ng boyfriend na si Tom Rodriguez ang nakalipas na siyam na buwang enforced quarantine sa bansa.

Malaking tulong daw na hindi siya mag-isa sa bahay dahil bukod sa mas nakilala nila ang isa't isa, naging magkatuwang sila sa kanilang domestic life.

Si Carla ay 34 years old, habang si Tom ay may edad na 33.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila pinapatay ang ningas ng tensiyon o hindi pagkakaunawaan ngayong araw-araw silang magkasama.

Sabi ni Carla, "We give each other time, regardless of whether there's a pandemic or wala. When things are boiling up already, we give each other time.

"And thankfully with Tom, he is quick enough to come to his senses, reflect on everything, and then if it's his fault, he apologizes right away."

Bibigyan daw nila ang isa't isa ng time and space para mag-cool down, pero di rin nila hahayaang lumipas ang araw na hindi sila nagkakaayos.

Continue reading below ↓

"Hindi kasi kami yung type na we let the day go by without resolving an issue. We don't wanna end the day on a negative note. 'Ayusin na natin. Let's talk about it.'

"Pag medyo napapansin na nagiging heated na yung argument, quiet na lang kami and then we'd give each other time and space."

Napapangiting hirit pa ni Carla, "This pandemic, he was with me here at home.

"So, buti na lang may iba namang kuwarto na puwedeng pagtaguan or something. Dun muna ako sa guest room. Yung mga ganung bagay."

Tingin ni Carla, marami ring ibang couples ang makaka-relate sa kanila.

"At the end of the day, we had to take into consideration na it's not just both of us, everybody else.

"Because we haven't spent much time together in one place, this has never happened to any of us.

"We cannot blame din each other with how we are coping with the pandemic. Malaking factor din yung pandemic."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Carla sa Philippine Daily Inquirer ukol sa relasyon nila ni Tom, "I am not embarrassed to say that we had a lot of arguments talaga.

"But okay lang kasi na-test namin talaga yung relationship namin. I've learned sooo much more about Tom.

"I would say mas tumibay pa yung relationship namin.

Nakapanayam si Carla sa mediacon na dinaluhan ng select entertainment reporters ngayong Miyerkules, December 28.

Si Carla ay bida ng Love Of My Life, ang primetime series ng GMA-7 na magsisimula ang recap sa Lunes, December 27, bago ipalabas ang fresh episodes nito sa January 2021.

Pansamantalang natigil ang taping ng serye dahil sa pandemya, pero nagbalik-taping ang cast nitong Disyembre.

Carla Abellana teleserye GMA

Continue reading below ↓

CARLA AND TOM SHARED HOUSEHOLD CHORES

Ikinuwento rin ni Carla kung gaano siya kabilib kay Tom na jack-of-all trades daw pagdating sa maintenance ng bahay.

"Kasi during the pandemic, if you have a house, maintenance is always an issue.

"So, wala naman tayo matatawag na construction worker, plumber, electrician...

"But si Tom, ang galing, all-around talaga! Promise!" lahad ni Carla sa GMA News Online.

Patuloy niya: "He was able to fix electrical work. Our plumbing, twice na tinopak ang aming water pump. Nagawa ni Tom!

"He was resourceful enough to use whatever we have at home to build, like, a contrapment or whatever."

CARLA'S NEW DISCOVERY ABOUT TOM

Papasa raw si Tom na construction worker, plumber, at electrician para sa dream house nito in the future.

Pati si Carla ay tila naimpluwensiyahan ni Tom dahil pareho raw silang nag-enroll sa isang woodwork-making class na nagsimula noong weekend.

"Ang galing na kaya niya talaga whether it's electrical, plumbing, or sa construction. Na-discover ko yun kay Tom.

Continue reading below ↓

"In fact, last weekend, I enrolled him in a woodwork class, sobrang nag-enjoy siya. He was able to build a spice rack.

"And then, looking forward siya sa side table naman ibi-build. And he loves it so much medyo.

"Growing up with his father, who was very much the same, he had his own tools.

"Dream niya yun sa magiging house niya na may tools siya talaga, equipment and all that. Para whatever he needs to build, he can easily."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love of My Life star Carla Abellana speaks about how she and boyfriend Tom Rodriguez fix their misunderstandings and share household chores as they stay at home together during COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: GMA-7 Christmas Station I.D. / Carla Abellana Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results