JERRY OLEA
Magtatapos na sa Disyembre 25, Biyernes, ang Descendants of the Sun (DOTS) na napapanood Lunes hanggang Biyernes ng 9:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Sa huling dalawang linggo ng DOTS, mahuhuli ni Lucas (Dingdong Dantes) ang rebeldeng si Rodel (Neil Ryan Sese), na kapatid ni Maxine (Jennylyn Mercado).
Kahit tapat sa kanyang responsibilidad bilang sundalo, alam ni Lucas kung gaano kamahal ni Maxine ang kapatid nito kaya gagawa siya ng paraan upang maproteksyunan si Rodel. Magtagumpay kaya si Lucas at ang Alpha team sa kanilang misyon?
Streaming sa Netflix ang original South Korean version ng Descendants of the Sun, maging ang Pinoy remake nito.
Magbabalik-telebisyon naman ang teledramang Love of My Life simula Disyembre 28, Lunes, sa primetime block ng GMA-7.
Nitong Nobyembre ay sumailalim sa 22-day lock-in taping ang cast, kabilang sina Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, Angeli Bayani, at Samantha Lopez, para sa fresh episodes ng serye.
Sa Instagram ay nagbahagi si Carla ng BTS (behind-the-scene) photos na kuha sa lock-in taping nila.
Love of My Life cast: (seated) Coney Reyes and Carla Abellana; (standing) Samantha Lopez and Angeli Bayani
NOEL FERRER
Now, I’m wondering kung mas malaki ba ang kikitain ng Descendants Of The Sun dahil nasa Netflix na ito.
Ngayong medyo mababa ang offer ng Netflix sa local filmmakers, saan kaya nakakakuha ng mas malaking following ang DOTS—sa free TV ba o sa online?
Nagsi-shift na rin talaga sa digital ang teleserye viewing.
Sa Kapamilya Network naman, consistent number one sa iWantTFC ang Ang Sa Iyo Ay Akin nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Maricel Soriano.
May loyal paying audience silang may pambayad ng data plan. Bongga!
GORGY RULA
Steady lang ang rating ng DOTS. Pumapalo siya ng 13 to 15%, ayon sa AGB NUTAM.
Hanggang doon lang naman ang takbo ng kuwento at hindi na pwedeng i-extend pa. Ang maganda lang, nasa Netflix din siya kaya pwede tayong mag-catch up kung may mga nakaligtaang episdes.
Kaabang-abang din ang sisimulang series ng GMA-7, ang Lolong. Nag-eensayo na para rito ang mga bidang sina Ruru Madrid at Shaira Diaz.
Abangan din natin ang announcement ng final cast ng Voltes V. May ideya na kami kung sinu-sino, pero may pinirmahan palang non-disclosure agreement ang cast kaya di pa pwedeng sabihin.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika