Watch Now

Xander Ford arrested for anti-VAWC law violation

by Jojo Gabinete
Dec 23, 2020
Dinakip ng Tondo Police Station ang social media personality na si Marlou Arizala, aka Xander Ford, sa isang restaurant sa Pasay City kagabi, December 22, dahil sa kasong Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children na isinampa laban sa kanya ng ex-girlfriend niyang si Ysah Cabrejas noong July 2020.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook / Manila Police

Inaresto ang social media personality na si Marlou Arizala, aka Xander Ford, sa isang restaurant sa Pasay City kagabi, December 22.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 38 ng Manila Regional Trial Court para sa kasong Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children na isinampa laban sa kanya ng ex-girlfriend niyang si Ysah Cabrejas noong July 2020.

Inireklamo ni Ysah si Xander ng pananakit, pang-aabuso, at sapilitang pakikipagtalik kahit labag sa kalooban niya.

"Sinasaktan po niya ako. Pinipilit niya pong may mangyari sa amin. Hinuhubaran po niya ako.

"Madaling-araw po ‘yon, lasing po siya. Natutulog po ako noon 'tapos pumunta siya sa akin, pinilit niya ako. Tumakbo po ako,” sumbong ni Ysah sa Idol in Action ng TV5 noong June 2020 tungkol sa walong beses na pananakit at pang-aabuso umano sa kanya ni Xander.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules ng umaga, December 23, kinumpirma ni Police Sergeant Luis Santos ng Moriones, Tondo Police Station ang pagdakip kay Xander.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Santos, kasalukuyang nakakulong si Xander sa Padre Algue Police Community Precincts, pero inaasahang magpipiyansa siya ngayong araw ng P18,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

XANDER PLEADS TO YSAH

Sa video-recorded interview ng ABS-CBN News kay Xander, lumuluha itong nakiusap kay Ysah na patawarin na siya.

"Sa ex-girlfriend ko, alam ko parehas tayong nasaktan sa mga nangyari sa atin. Alam ko, nakikita mo ‘to, kahit wala akong ginawa, pagsisisihan ko na lang.

"Sana maisip mo din, Ysah, sana mapatawad mo ako. Sana magkaayos din tayo.

"Pag-usapan natin ito, willing naman ako na makausap ka."

Nagmamakaawa pa niyang apela, "Pangako ko sa 2021, sobrang laki ng ipinagbago ko.

"Alam ko naman na masaya ka na ngayon. Alam ko din na okey ka na.

"Sana maging masaya ka na rin para sa akin. Sana magkaayos na tayo.

"Nanghihingi ako ng sorry sa 'yo."

FACEBOOK LIVE

Si Xander ay talent ng Star Image Artist Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dokumentado ang pagkakapiit ng embattled social media personality dahil naka-Facebook Live ang pagpunta nila sa police station at ang “press briefing” tungkol sa kaso ng akusado.

Mahigpit ang paalaala ng Star Image Artist Management na “Do not use this Xander Ford video content without proper acknowledgment to Star Image Artist Management only.”.

Sila rin ang nag-post sa FB page nila ng blurred mugshot ni Xander na pinaglalaruan ng netizens ngayon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinakip ng Tondo Police Station ang social media personality na si Marlou Arizala, aka Xander Ford, sa isang restaurant sa Pasay City kagabi, December 22, dahil sa kasong Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children na isinampa laban sa kanya ng ex-girlfriend niyang si Ysah Cabrejas noong July 2020.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook / Manila Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results