PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Manila Alexandra Abdon takes a swipe at her trolls: “Mas masarap kasing maging talangka.”

Miss Manila Alexandra Abdon re-activates social media accounts after bashing.
by Bernie V. Franco
Published Dec 23, 2020
Miss Manila Wowowin
Miss Manila Alexandra Abdon (center) reactivates her social media accounts. Alexandra was bashed by netizens for her scripted banter with Hipon Girl (left) in a recent episode of Wowowin, Willie Revillame's game show.
PHOTO/S: @alexandra.abdon on Instagram / YouTube (Wowowin) Herlene Budol and Willie Revillame

Mukhang naka-recover na si Miss Manila Alexandra Abdon sa matinding bashing na naranasan niya nitong mga nakalipas na araw.

Nag-activate na muli siya ng social media accounts, gaya ng Instagram at Facebook, matapos niyang i-deactivate ang mga ito panandalian.

Tinawag din niyang “talangka” ang kanyang bashers dahil sa sunud-sunod na pagta-tag ng mga ito sa kanya.

Ang pambabatikos kay Alexandra ay may kinalaman sa “showdown” nila ni Herlene “Hipon” Budol sa Wowowin: Tutok To Win.

Nagharap sina Alexandra at Herlene sa GMA-7 variety-game show ni Willie Revillame noong December 18, Biyernes.

Sa kanilang sagutan, ilang ulit idiniin ni Alexandra ang pagiging “iskwater” ni Herlene.

Kasunod nito, inatake si Alexandra ng supporters ni Herlene at fans ng Wowowin kaya’t nag-deactivate muna siya ng kanyang social media accounts.

Paliwanag naman ni Alexandra, “scripted” at “napag-utusan” lang siya sa nangyaring paghaharap nila ni Hipon Girl.

Late night ng Martes, December 22, muling nag-activate ng kanyang social media accounts si Alexandra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sunud-sunod din ang kanyang mga post para ipagtanggol ang sarili laban sa bashers na tinawag niyang mga “talangka” at “tolongges.”

Ang "tolongges" ay salitang kanto na ibig sabihin ay manloloko.

Inisa-isa ni Alexandra sa kanyang Facebook page ang mga kaganapan sa Wowowin na may kaugnayan sa pamba-bash sa kanyamula sa phone call ni Willie Revillame hanggang sa pagtatanggol sa kanya ng TV host dahil sa matinding bashing.

ALEXANDRA SLAMS THE "TOLONGGES"

Simula ni Alexandra: “Ep. 1, tinawagan ako ni Kuya Wil live & so on, bombarded ang nofits ko.”

Nangyari ang pagtawag ni Willie kay Alexandra sa episode ng programa noong December 11, Biyernes.

Sa phone call na ito, inusisa ni Willie si Alexandra sa panlalait nito kay Herlene nang magkasama sila sa isang pictorial.

Sa kanyang next entry, sinabi ni Alexandra na nakatakda sana siyang mag-guest sa show ni Willie noong December 14, Lunes, pero hindi siya sumipot.

“Sumabog” daw muli ang notifications ni Alexandra dahil dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ep. 2, hindi ako nakapunta because (I explained already), lahat tina-tag ako sa article na pinagalitan ni Kuya Wil. Sabog na naman notifs ko.”

Ang pangatlong entry ay ang paghaharap nila ni Herlene sa Wowowin noong December 18, Biyernes.

Nagtuloy-tuloy na raw ang pag-tag sa kanya ng netizens.

Ani Alexandra, “Ep. 3, nagkita na kami ni Herlene sa Wowowin, lahat tina-tag at mine-mention ako sa comment section.”

Ang kasunod nito ay ang December 21 episode, Lunes, kung saan nanawagan si Willie na itigil ang pamba-bash kay Alexandra.

Ang ipinagtataka raw ni Alexandra ay walang nag-tag sa kanya.

“Ep. 4, ayan sinabi ni Kuya Wil. Walang nag-tag sakin.”

Tanong ng dalaga, “Bakit?”

Buwelta niya: “Mga nobody na gusto isama ka kung nasaan sila.

“Mga bored na ‘Oo alam naming scripted.’ pero mas masarap kasing maging talangka.

“Tolongges gaming too strong.”

Pagpapatuloy niya, “Ako? Eto. Lowkey chill lang.

“Forever unbothered. Mananatiling kalmado.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang Instagram Story, sunud-sunod ang pagre-repost ni Alexandra ng mga screengrabs ng pagtatanggol sa kanya ng supporters.

Iginigiit ng kanyang supporters na ang paghaharap nila ni Herlene ay “scripted” at hindi totoong magkaaway ang dalawa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon (center) reactivates her social media accounts. Alexandra was bashed by netizens for her scripted banter with Hipon Girl (left) in a recent episode of Wowowin, Willie Revillame's game show.
PHOTO/S: @alexandra.abdon on Instagram / YouTube (Wowowin) Herlene Budol and Willie Revillame
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results