Roxanne Barcelo reveals she got engaged, married during this pandemic

by Bernie V. Franco
Dec 25, 2020
Actress Roxanne Barcelo discloses that she got a boyfriend, got engaged, and got married this pandemic.
PHOTO/S: YouTube (Roxanne Barcelo) / @roxannebarcelo on Instagram

“Roxanne is officially married, I am taken.”

Bahagi ito ng rebelasyon ni Roxanne Barcelo, 35, sa labindalawang updates tungkol sa kanyang buhay ngayong pandemic.

Kabilang sa rebelasyon niya ay ang pagkakaroon ng boyfriend, pagiging engaged niya, hanggang sa kanyang pagpapakasal.

Lahat ito ay nangyari ngayong may health crisis.

Noong March 2020, ibinunyag ni Roxanne na may idine-date siyang isang non-showbiz guy.

Bukod dito, wala na siyang ibinigay na ibang detalye tungkol sa idine-date niyang ito.

Bago ito, ang huling nakarelasyon ni Roxanne ay ang model-actor na si Will Devaughn.

Naghiwalay sila noong 2018 pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

"GUESS WHO HAS BOYFRIEND!"

“Guess who has a boyfriend!”

Ito ang magiliw na pagbibida ni Roxanne sa number three update niya sa kanyang YouTube video na ipinost nitong December 24, Bisperas ng Pasko.

Nagkuwento rin si Roxanne kung paano niya nalamang ito na ang lalaking pakakasalan niya.

Malaking bagay rin daw na boto ang kanyang ina sa lalaking minamahal niya.

Continue reading below ↓

Nasubukan daw ito ni Roxanne nang tumama ang bagyong Ulysses sa bansa noon lamang November.

Nilubog daw ng baha ang kanilang bahay sa isang village. Ang tanging naroon daw ay ang kanyang ina, na na-stranded sa second floor.

Lulusungin daw sana ni Roxanne ang baha para sunduin ang ina, pero pinigilan siya ng kanyang boyfriend.

Pumunta raw ang boyfriend ni Roxanne sa kinaroroonan ng kanyang ina sakay ang jet ski.

“Sinundo si Nanay from the house. Binuhat siya ng partner ko palabas ng balur,” lahad ni Roxanne.

“And then, saka siya sinakay sa jet ski. Hindi siya nadaplisan ng tubig. Hindi siya naglakad sa burak.

“I’m so happy that my partner is on another level of understanding with my nanay.

“Kasi si Nanay, parang love na love siya.

“Dun ko nakita, kapag ang partner mo gusto ng parents mo, iba yung flow. Iba yung saya ng buhay.”

"i got engaged!"

Sa kanyang ika-siyam na entry, pagbubunyag ni Roxanne: “I got engaged!”

Continue reading below ↓

Lahad pa ng actress-inger, “My partner asked me to marry him and he said he wants to start a family with me.

“It was a beautiful moment because he asked me twice.

“He actually asked me a few months after quarantine, pero since naka-lockdown pa no’n, all we knew was we were going to get married before the year ends.”

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ni Roxanne ang petsa kung kailan sila na-engage.

Pero ang natiyak daw ni Roxanne ay ito na ang lalaking kanyang pakakasalan.

“Totoo pala na when you know, you know.

“I knew from the start na siya yung para sa akin.”

"I GOT MARRIED!"

Ang kanyang panghuling update: “I got married. Hahaha!

“Roxanne is officially married, I am taken.

“Like I said in my vlogs before, he is worth the wait. And guess what, so am I.”

Ngayong araw mismo ng Pasko ay nag-post si Roxanne ng wedding photos nila ng kanyang asawa.

Magkayakap ang bagong kasal, pero hindi kita ang mukha ng lalaki.

Caption ni Roxanne: "My Creator's best gift ever."

Matutukoy ring late post ang wedding photos na ibinahagi ni Roxanne.

Aniya pa sa isang wedding photo nila ng asawa: "Merry Christmas from me and my husband."

Ginamit niya ang hashtag na "#flashbackfriday."

Continue reading below ↓

Sa kanyang YouTube video, ipinakita rin ni Roxanne ang engagement photo nila ng kanyang asawa.

Hindi rin kita ang mukha ng lalaki.

Pero matutukoy sa mga larawang matangkad, maputi, at tila mestizo ang lalaking nagmamay-ari na ng kanyang puso.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Roxanne Barcelo, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Roxanne Barcelo discloses that she got a boyfriend, got engaged, and got married this pandemic.
PHOTO/S: YouTube (Roxanne Barcelo) / @roxannebarcelo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results