Janella Salvador lambasts netizens who called her “chubs,” “malusog,” “nataba”

Dec 27, 2020
Markus Paterson Janella Salvador England
Actress Janella Salvador on December 26 posts about celebrating an “extra special Christmas of many firsts" with boyfriend, actor Markus Paterson. The couple is currently in England, where Janella gave birth to their first child in October.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram

Napikon si Janella Salvador sa mga netizens na pumupuna sa pagdadagdag niya ng timbang.

Nakatanggap kasi ang 22-year-old actress ng ilang negatibong komento sa video na ipinost niya sa Instagram nitong Sabado, December 26.

Sa video, kasama ni Janella ang boyfriend na si Markus Paterson, 22.

Outdoor ang setting, salitan ang pagyayakapan at paghaharutan nina Janella at Markus habang natatanaw sa kanilang likuran ang papalubog na araw.

Manaka-naka ring hinahalikan ni Markus ang young actress sa noo at sa labi kung hindi man masuyong pinagmamasdan ang mukha nito.

Sa caption, sinabi ni Janella na kasama si Markus, ipinagdiwang niya ngayong taon ang isang “extra special Christmas of many firsts.”

Continue reading below ↓

Nasa England pa rin ang magkasintahan kung saan isinilang ng young actress ang anak nila ni Markus noong October.

JANELLA CALLED “CHUBS,” “MALUSOG”

Kilig na kilig ang maraming Instagram followers ni Janella sa video nila ni Markus.

Hindi raw kasi maipagkakaila kung gaano kasaya si Janella sa ngayon.

Pero may ilan na iba ang napansin sa video ng young actress.

Komento ng ilang netizens, “chubs” (chubby), “malusog,” at “nataba” raw si Janella sa video.

Mukhang “hiyang” daw sa England ang aktres, dagdag na comment ng isa.

Sinegundahan ito ng isa pang Instagram follower ni Janella na nagsabing “nakakalakas kumain” ang “lamig” ng England para sa young actress.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang netizen, inihawig si Janella sa Kapamilya TV host na si Karla Estrada.

Ang isa pa, pilyong ginawan ng kuwento ang eksena sa video kung saan pabirong lumayo si Markus kay Janella dahil laging gustong magpabuhat ng aktres.

Continue reading below ↓

Samantala, isang netizen naman ang diretsahang nagtanong kung “nakapanganak” na raw ba si Janella.

“FILIPINOS ARE THE WORST BODY SHAMERS”

Walang sinagot si Janella sa sinuman sa mga nagkomentong ito.

Sa halip, sa Twitter naglabas ng saloobin ang young actress laban sa mga nag-body-shame sa kanya sa Instagram.

Tweet ni Janella (published as is): “Filipinos are the worst body shamers.

Continue reading below ↓

“Let me enjoy my christmas pudding in peace.

“Happy holidays to you too! [face with tears of joy emoji].”

JANELLA AND MARKUS’S RELATIONSHIP

September 12 ngayong taon lang kinumpirma nina Janella at Markus ang matagal nang nababalitang may romantic relationship sila.

Makalipas ang anim na araw, September 18, eksklusibong iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Janella sa anak nila ni Markus.

Continue reading below ↓

Kinumpirma rin ng source sa PEP na October manganganak ang young actress.

Nang mga panahong iyon, nasa England na si Janella, kung saan nakabase ang pamilya ni Markus.

Kaagad ding sumunod sa England ang ina ni Janella, ang singer na si Jenine Desiderio, at ang nakababatang kapatid na lalaki ng young actress na si Russel.

Umaga ng October 21, nagbahagi ng mga litrato si Markus sa kanyang Instagram Stories.

Sa pictures, makikita ang isang newborn baby na nasa transparent bassinet sa ospital.

Tampok naman sa isa pang litrato ang isang babaeng kahawig ni Janella na tulog na tulog sa hospital bed.

Gayunman, kaagad na binura ni Markus ang mga Instagram Stories niyang ito.

At press time, hindi kinukumpirma o itinatanggi ng kampo nina Janella at Markus ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Janella Salvador on December 26 posts about celebrating an “extra special Christmas of many firsts" with boyfriend, actor Markus Paterson. The couple is currently in England, where Janella gave birth to their first child in October.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results