Diego Loyzaga reveals relationship with Barbie Imperial 

by Rachelle Siazon
Jan 1, 2021
Diego Loyzaga, inanunsiyo na bago nagtapos ang taong 2020 ay nahanap niya ang bagong pag-ibig kay Barbie Imperial.
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @msbarbieimperial Instagram

Inamin ni Diego Loyzaga na magkarelasyon na sila ni Barbie Imperial.

Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, January 1, 2021, inihayag ni Diego na bago natapos ang taong 2020 ay binigyang-kulay ni Barbie ang kanyang buhay.

Kalakip nito ang litrato nilang magkayakap sa tabing-dagat sa Bohol.

Sabi ni Diego, "Happy new year to us [hear emoji] thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets gooo 2021!! :)"

Tila magkasamang sinalubong nina Diego at Barbie ang Bagong Taon.

Sa latest Instagram posts ni Barbie, ang nakasaad sa location niya ay ang isang luxury resort sa Bohol.

Mapapansing nag-comment si Diego sa litrato ni Barbie na kuha sa swimming pool.

Ipinahiwatig ng binata na siya ang photographer ni Barbie base sa simpleng camera emoji na iniligay niya.

diego loyzaga comments on barbie ig photo with a camera emoji

Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

Kabilang si Sunshine Cruz sa nagpaabot ng mensahe na masaya itong makitang in love sina Diego at Barbie.

Malapit si Sunshine sa ina ni Diego na si Teresa Loyzaga. Si Sunshine ay ex-wife ni Cesar Montano, na ama naman ni Diego.

Gumaganap namang ina ni Barbie si Sunshine sa ongoing Kapamilya teleserye na Bagong Umaga. Cai ang pangalan ng karakter ni Barbie sa serye.

Ani Sunshine, "You both deserve to be happy! Happy New Year Diegs and my beautiful Cai!"

Humirit naman si Albie Casiño na "Instagram official" na sina Barbie at Diego.

Iyon ang urban term para sa couples na isinasapubliko ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pag-post ng couple photo sa Instagram.

Sabi naman ni Enzo Pineda, "Happy for the both of you @diegoloyzaga and @msbarbieimperial."

Gayundin ang mensahe ni Melai Francisco na masaya para sa new couple.

"Happy New Year Lovers," ani Melai.

celebrities congratulate barbie and diego

Continue reading below ↓

Ang mga malapit na kaibigan naman ni Barbie na sina Joj at Jai Agpangan ay kinilig sa post ni Diego.

Nag-iwan din ng heart emojis si Chie Filomeno.

celebrities congratulate barbie and diego

DIEGO'S REACTION TO BARBIE'S SEXY POST

Unang naiulat ang tungkol sa paghanga ni Diego kay Barbie noong November 2020.

Napansin kasi ng netizens na napa-"waw" si Diego sa bikini photo ni Barbie.

Continue reading below ↓

Natawa ang netizens nang sumingit si Marco Gumabao upang ipahiwatig na protective cousin siya ni Barbie.

Si Barbie ay 22 years old, habang si Diego naman ay may edad na 25.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga, inanunsiyo na bago nagtapos ang taong 2020 ay nahanap niya ang bagong pag-ibig kay Barbie Imperial.
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @msbarbieimperial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results