Diego Loyzaga wowed by Barbie Imperial's sexy bikini photo; Marco Gumabao reacts

by Rachelle Siazon
Nov 3, 2020
Netizens are teasing Marco Gumabao (right) for being protective of his cousin Barbie Imperial (center) following Diego Loyzaga's (left) show of admiration for the young actress.
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @msbarbieimperial / @gumabaomarco Instagram

Hindi napigilan ni Diego Loyzaga ang mapa-wow nang makita ang sexy bikini photo ni Barbie Imperial.

Ito ay matapos ipakita ni Barbie ang magandang hubog ng pangangatawan sa suot niyang blue tie-dye bikini.

Kuha ang litrato ni Barbie sa isang beach resort sa Iloilo.

Caption ni Barbie, "Much needed break."

Continue reading below ↓

Sa comments section, nag-iwan si Diego ng mensaheng "waw."

Pero kakatwang sumingit ang pinsan ni Barbie na si Marco Gumabao.

Nag-comment si Marco ng thinking emoji, na wari'y napaisip kung ano ang intensiyon ni Diego kay Barbie.

Sa madaling salita, kunwa'y protective cousin ang dating ni Marco kay Barbie.

Pabirong natensiyon naman si Diego na nag-comment ulit ng grinning emoji with sweat.

Continue reading below ↓

Si Barbie ay 22 years old, habang ang edad ni Diego ay 25 at si Marco ay 26.

NETIZENS TEASE DIEGO & MARCO

Natawa naman ang netizens sa pagiging protective cousin ni Marco kay Barbie. Magkapatid ang mga lolo nina Marco at Barbie.

Sina Marco at Diego naman ay malapit na magkaibigan at dating magkatrabaho sa defunct ABS-CBN series na Los Bastardos.

Continue reading below ↓

Hirit ng isang netizen, "@gumabaomarco hahahahaha lagowwt na @diegoloyzaga ayan na ang pinsan."

Continue reading below ↓

Sabi pa ng isang netizen, "@gumabaomarco overprotective nmn.... tama lang un."

Continue reading below ↓

BARBIE AND DIEGO

Parehong walang napababalitang karelasyon sina Barbie at Diego sa ngayon.

Ang huling naugnay kay Barbie ay si JM de Guzman, na katambal niya sa defunct ABS-CBN drama series na Araw Gabi.

Humantong sina Barbie at JM sa dating status, pero hindi rin nag-work out ang pagkakamabutihan nila noong last quarter of 2018.

Continue reading below ↓

Naging karelasyon naman ni Diego si Sofia Andres noong nagkatambal sila sa defunct Kapamilya series na Pusong Ligaw.

January 2018 ay sinabi pa ni Diego na sila pa rin ni Sofia.

Pero pagsapit ng May 2018, ibinunyag ni Diego na may iba nang karelasyon si Sofia at kanya-kanya na raw sila ng buhay.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are teasing Marco Gumabao (right) for being protective of his cousin Barbie Imperial (center) following Diego Loyzaga's (left) show of admiration for the young actress.
PHOTO/S: @diegoloyzaga / @msbarbieimperial / @gumabaomarco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results