Claire dela Fuente cries foul over trial by publicity of Christine Dacera rape-slay case; confident son will be proven innocent

by Arniel C. Serato
Jan 5, 2021
Claire dela Fuente on son Gregorio de Guzman being tagged as one of the suspects in Christine Dacera rape-slay case: "This is so unfair but I know that God has a reason for all of this..."

Umapela ang beteranang singer na si Claire dela Fuente sa publiko na huwag husgahan kaagad ang kanyang anak na idinadawit sa Christine Dacera rape-slay case.

Ang anak ni Claire na si Gregorio Angelo Rafael de Guzman ay isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay umano sa 23-year-old flight attendant.

Labis na ikinadismaya ng beteranang singer ang pagkakadawit ng kanyang anak sa krimeng pinag-uusapan nang husto ngayon.

Sa panayam ng ABS-CBN News ngayong Martes, January 5, 2021, sinabi ni Claire na unfair na husgahan kaagad ng publiko ang kanyang anak.

Aniya, “This is so unfair, but I know that God has a reason for all of these...

"The truth is on our side and I am confident na malulusutan ito ng anak ko.”

Ayon kay Claire, sinubukan pa nga ng kanyang anak na i-revive si Christine kaya wala raw sa hinagap nitong saktan ang flight attendant na kakakilala lang nito sa New Year’s eve party.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Claire, “Siya ang nag-CPR sa kanya. Gusto niya talagang mabuhay yung tao, kaya siya tumawag sa akin that time.

“Iyak siya nang iyak. He was so frustrated because he wanted to save her life but was not able to.”

Ikinasasama rin daw ng loob ni Claire ang nangyayari ngayong trial by publicity sa social media.

Pero naninindigan ang singer na nasa panig nila ang katotohanan.

Saad niya, “Pairalin naman natin ang logic!

"At hindi totoo na nagtatago ang anak ko. From the start, andiyan lang siya following police advisory.

“At ano yung case na provisional homicide rape? Ngayon ko lang narinig yun.

“Together with our lawyer, I am here to support my son!”

Sa hiwalay na panakan ni Gregorio sa GMA News, sinabi nitong hindi nila iniwanan ang katawan ni Christine hanggang sa dalhin ito sa ospital.

Kasama rin daw siyang nagtungo sa istasyon ng pulis upang i-report ang pangyayari.

Continue reading below ↓

CLAIRE dela fuente APPEALS To CHRISTINE’S mother

Umapela rin si Claire sa ina ni Christine na si Sharon Dacera at sa mga netizens na maging kalmado lamang habang ongoing pa ang imbestigasyon.

Naiintindihan daw ni Claire ang naramdaman ngayon ng ina ni Christine dahil hindi talaga madaling tanggapin ang mawalan ng anak.

Sabi pa niya, “I feel sorry for her. Naintindihan ko totally ang nararamdaman niya, yung rage, I understand that.

“Sobrang masakit para sa isang ina ang mawalan bigla ng anak. Di ko rin kakayanin.

“Pero sana naman may balancing act, maging resonable tayo para di tayo makasakit ng mga inosente at makapagbiktima ng ibang tao.

"Let’s not put innocent people in jail!”

Nakapiit na sa Makati Police Station ang tatlong mga akusado na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido, at John Paul Reyes Halili.

Na-inquest na rin sila sa Makati City Prosecutor’s Office kaninang umaga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claire dela Fuente on son Gregorio de Guzman being tagged as one of the suspects in Christine Dacera rape-slay case: "This is so unfair but I know that God has a reason for all of this..."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results