Makati hotel where Christine Dacera was found lifeless denies violating quarantine protocols

by Arniel C. Serato
Jan 8, 2021
Christine Dacera City Garden Grand Hotel
The interment of Christine Dacera (in photo) is scheduled Sunday, January 10, at a private cemetery in General Santos City.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Wala raw nilabag ang City Garden Grand Hotel sa pagtanggap nila ng mga kliyente noong December 31, 2020.

Ito ay sa kabila na ang accreditation nila ay bilang quarantine hotel lamang ngayong umiiral pa rin ang restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa nasabing hotel, na matatagpuan sa Makati City, nagdaos ng New Year’s Eve party ang grupo ng flight attendant na si Christine Dacera.

Continue reading below ↓

Noong tanghali ng January 1, 2021, natagpuang wala nang buhay si Dacera sa bathtub ng kuwartong binook nito.

Sa ulat ng News Night ng CNN Philippines ngayong Biyernes ng gabi, January 8, nakapagsumite na raw ang City Garden Grand Hotel sa Department of Tourism (DOT) ng kanilang tugon sa inihain nilang show cause order.

Pahayag ni Metro Manila Tourism Chief Woodrow Maquiling, “It’s basically, it’s a semantics of the usual responses for show cause orders.

“But generally, iginigiit ng City Garden Hotel na wala silang liability o wala silang mga violations sa IATF policies or department orders.

“It’s the very essence of their reply.

“But we are trying to further investigate at this point in time.

“As of today, we are conducting a physical investigation.”

Base sa guidelines ng DOT, ang first-time offenders ay bibigyan ng warning o kaya ay papatawan ng multa mula P1,000 hanggang P10,000, depende sa naging paglabag.

Continue reading below ↓

Ang second-time offenders ay maaaring patawan ng tatlong buwan hanggang isang taong suspension o kaya ay multa na P10,000 hanggang P20,000, depende sa paglabag.

Ang third-time violators naman ay maaaring patawan ng rebokasyon o pagkansela ng kanilang akreditasyon sa DOT o kaya ay multang P20,000 hanggang P100,000, depende sa paglabag.

As of January 2021, may 14 hotels lamang sa National Capital Region ang maaaring tumanggap ng staycation guests.

Ito ay ang Grand Hyatt Hotel, Makati Shangri-La Hotel, Okada Manila Hotel, Shangri-La at the Fort, Nobu Hotel, Joy Nostalg Hotel and Suites Manila, EDSA Shangri-La Manila, Solaire Resort, Hyatt Regency City of Dreams, Nuwa Hotel City of Dreams, The Peninsula Manila, Aruga by Rockwell, Sheraton Manila Hotel, Hilton Manila, at Hotel Okura Manila.

CHRISTINE DACERA CASE

Kahapon, January 7, naiuwi na ng pamilya Dacera ang mga labi ni Christine sa General Santos City kung saan ito lumaki.

Simula nang pumutok ang balita tungkol sa kamatayan ni Dacera noong January 4, 2021, maraming pangalan ang iniuugnay rito.

Continue reading below ↓

Iba’t ibang numero rin ang bilang ng mga sinasabing kasama ni Christine sa party.

Pero ang malinaw ngayon, may labing-isang tao ang pinangalanan bilang respondents sa inihaing reklamo kaugnay ng kanyang pagkamatay.

Sila ay sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido, John Paul Reyes Halili, Gregorio de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, at Ed Madrid.

Sa January 13 gaganapin ang unang preliminary investigation ng Makati Prosecutor’s Office ukol sa kaso.

Samantala, sa Linggo, January 10, nakatakda ang libing ni Christine sa isang pribadong sementeryo sa General Santos City.

Siya ay 23 taong gulang lamang.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The interment of Christine Dacera (in photo) is scheduled Sunday, January 10, at a private cemetery in General Santos City.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results