What we know about Christine Dacera's death and the many questions about the police probe

Here's a chronology of events in the investigation of Christine Dacera's death.
by Rachelle Siazon
Jan 8, 2021
PEP.ph chronicles the unfolding of the police investigation and the public reaction to the pieces of evidence related to the death of flight attendant Christine Dacera.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram

Lumikha ng matinding kontrobersiya ang pagpanaw ni Christine Dacera na unang binansagan ng pulisya na isang "rape-slay" case.

Si Christine ang 23-year-old flight attendant ng Philippine Airlines na nauwi sa trahedya ang ginawang pagsalubong sa Bagong Taon.

Natagpuang patay si Christine sa batthub ng isang hotel room sa Makati City noong pasado alas dose ng tanghali ng January 1, 2021.

Lumalabas na premature ang deklarasyon ng Philippine National Police (PNP) na "solved" na ang binansagan nilang "rape-slay" case.

Ayon sa Makati City Prosecutor's Office, kulang pa ang impormasyon para lubusang matukoy kung ano ang eksaktong sanhi ng pagkamatay ni Christine. Kinakailangan pa raw ng masusing imbestigasyon.

Nagmistula namang imbestigador ang netizens na tutok sa bawat development sa trahedyang sinapit ni Christine.

Noong una ay napuno ng galit ang netizens sa mga inuugnay sa pagkamatay ng dalaga dahil sa sinabi ng mga awtoridad na may naganap na "rape."

Pero nang tumagal ay kinuwestiyon ng publiko kung tama bang palutangin ng pulisya na "rape-slay" ang nangyari kay Christine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano nga ba ang mga pangyayaring nakapalibot sa pagkamatay ni Christine? Ano ang eksaktong dahilan ng kanyang pagkamatay? Ano ang ginagawa niya sa batthub kunsaan siya natagpuan?

Mayroon bang dapat sisihin? May liability nga ba ang mga taong nadadawit sa reklamo? May legal basis ba para dakpin ang mga ito?

Ilan lamang ito sa mga katanungan ng publiko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

INITIAL PROBE ON ALLEGED "RAPE WITH HOMICIDE"

Hindi man celebrity si Christine, hot topic sa social media ang kanyang pagpanaw matapos maiulat ang mga panayam sa Makati City Police na nag-iimbestiga ng insidente.

Napag-alamang kasama ni Christine ang ilang mga kaibigan at kapwa flight attendants na nag-party sa isang hotel room sa Makati City.

Dawit ang 11 lalaking natukoy na kasama ni Christine sa party.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong January 4, inihayag ni Makati City Police Chief Col. Harold Depositar na pinatawan ang mga ito ng "provisional charge of rape with homicide."

Kinumpirma rin ni Depositar na tatlo sa 11 na binansagan ng pulisya na "suspek" ay lumutang, habang ang iba pa ay hindi pa raw nagpaparamdam sa pulisya.

Hindi malinaw kung ano ang eksaktong pinagbasehan ng sinasabing "provisional charge" sa mga natukoy na kasama ni Christine sa party.

Pero ani Depositar, may natagpuan diumanong "lacerations" at "sperm" sa ari ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nagdetalye si Depositar kung ano ang pinagbasehan ng kanyang pahayag na ito.

Sa hiwalay na ulat ng 24 Oras ng GMA Network, sinabi na "ruptured aortic aneurysm" ang sanhi ng pagpanaw ng dalaga, base sa medico-legal.

Pero "rape with homicide" rin umano ang tinitingnang anggulo ng pulisya.

Inaalam daw kung posibleng may "foul play" dahil sa mga nakitang pasa sa magkabilang tuhod ni Christine at isang gasgas sa legs nito.

Paniniwala pa ni Depositar, "Definitely may sexual contact."

May salaysay rin daw ang isang kaibigan ni Christine tungkol sa kung anong substance na inilagay sa inumin ng dalaga.

Ani Depositar, "May binitawang salita si Christine na tinanong itong kaibigan niya, sabi niya, 'Parang may nilagay si [name] doon sa drinks ko kasi nag-iba yung pakiramdam ko.'"

Posible raw na ang "ruptured aortic aneurysm" na ikinamatay ni Christine ay resulta ng taas ng "toxicity ng alcohol" o di kaya ay pagtaas ng blood pressure nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa rin kay Depositar, mga kaibigan at kapwa flight attendants ni Christine ang kasama niya sa party, habang ang ibang imbitado ay "friends of friends."

Natukoy rin daw na kung hindi man lahat ay marami sa grupo ay "gays" at "bisexual."

NAMES OF IDENTIFIED RESPONDENTS WENT VIRAL ON SOCIAL MEDIA

Naging trending topic sa social media ang naiulat na maintrigang impormasyon hinggil sa pagkamatay ni Christine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad na kumalat ang mga pangalan ng mga lalaking natukoy na kasama ni Christine sa party at dawit sa alegasyong "rape with homicide."

Pati mga litrato ng mga ito ay naungkat ng netizens na nagpupuyos sa galit dahil sa panggagahasa at pagpatay diumano sa 23-year-old flight attendant.

Kontrobersiyal ang dating sa publiko dahil hindi lang isa kundi 11 ang pinaparatangan. Dahil dito, hindi maiwasang kung anu-ano nang scenario ang nabuo sa isipan ng ibang netizens.

Kanya-kanya ng bato ng opinyon sa social media gayong kung tutuusin ay kasisimula pa lamang ng imbestigasyon ng pulisya.

Mismong pulisya ay tila kumbinsido sa anggulong may foul play sa insidenteng pagkamatay ni Christine.

Noon kasing January 4, lumabas sa official Facebook account ng Philippine National Police Public Information ang tungkol sa pagkamatay ni Christine.

Dito inihayag ni PNP Chief Debold Sinas na "solved" ang "rape-slay" case dahil sa "arrest and indictment of three suspects."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base raw ito sa ulat ni Sinas kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Ipinaabot din ni Sinas kay Año na ang mga naaresto ay sina "John Pascual dela Serna, Rommel Galido, at John Paul Halili."

Sinabing tinutugis umano ng pulis ang iba pang dawit na sina "Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, at Rey Englis."

Kasama rin daw sina "Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang may alias na Ed Madrid, at may isang alias na Paul."

HOT STORIES

VALENTINE ROSALES AND GREGORIO DE GUZMAN SURFACE

Kusang lumantad ang dalawang dawit sa reklamo—si Gregorio de Guzman ay humarap sa media, habang si Valentine Rosales ay idinaan sa social media ang pag-alma sa maling bintang umano sa kanilang grupo.

Nagpakilala si Valentine na kaibigan ni Christine.

January 4 pa lamang ay may mga post na si Valentine sa social media upang ilarawan ang kasiyahan ng "barkada" nila ni Christine sa isinagawa nilang New Year's Eve party sa hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagtawanan pa raw nila sa party ang kakarampot na "PHP500" na premyong napanalunan ni Christine sa nilaro nilang parlor game na "Hep Hep Hooray!"

Diin pa ni Valentine, walang nangyaring "foul play." .

Taliwas sa hinihinalang "rape" ng pulisya, umapela si Valentine na ilabas ang buong "autopsy report" ni Christine para makitang "walang gumalaw" sa dalaga.

Valentine Rosales with Christine Dacera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Christine Dacera and Valentine Rosales

Sa panayam ng TV networks noong January 5, nagbigay ng pahayag si Gregorio

"Gigo" de Guzman, anak ng singer na si Claire dela Fuente.

Ani Gigo, nakasama niya sa party si Christine sa Room 2209 ng City Garden Hotel sa Makati City.

Mayroon din daw silang ibang mga nakahalubilo sa party na naka-check-in sa kalapit na kuwarto nila nina Christine.

Hindi raw kilala ni Gigo ang nasa kabilang kuwarto, pero tanda niya na mas may edad nang kaunti ang mga naroon kaysa sa grupo nila sa Room 2209.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong January 5, ikinuwento ni Gigo na ang nag-imbita sa kanya sa party ay ang mga matalik niyang mga kaibigang sina John Paul Reyes Halili at Rommel Galido.

Unang pagkakataong nakilala ni Gigo si Christine sa party, pero nakagaanan daw agad niya ito ng loob.

Naikuwento pa raw ni Christine kay Gigo na kada taon ay nakagawian na ng magbabarkada ang sama-samang salubungin ang Bagong Taon, dahil pare-pareho silang hindi nakakauwi sa kani-kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugma rin sa kuwento ni Valentine ang sinabi ni Gigo ang kasiyahan ng grupo nang maglaro sila ng "Hep Hep Hooray!"

Sa madaling salita, naroon silang lahat upang mag-enjoy.

Pinabulaanan naman ni Gigo ang alegasyong posibleng gumamit ng ipinagbabawal na droga ang dumalo ng party.

Ayon sa kanya, wala siyang nakitang nag-take ng party drug noong gabing magkakasama sila sa hotel room.

Giit pa ni Gigo, hindi siya nagtatago sa pulisya.

Idinetalye pa niya na sila nina Rommel, John Paul, at isa pang lalaking di niya matandaan ang pangalan ay nakipagtulungan sa pulisya noong January 1.

Sila raw ang kasama ni Christine nang matagpuan itong walang malay sa tinulugan nilang hotel room.

Hindi naman daw nila pinabayaan si Christine—mula sa pagsugod ni Rommel sa dalaga sa ospital, pananatili nina Gigo at John Paul sa hotel para mag-settle ng bill, at kanilang pagsama sa presinto para magbigay ng salaysay.

Ayon pa rin kay Gigo, hindi siya kinunan ng salaysay sa police station, kaya sa tulong ng kanyang abogado ay pinayagan siyang makauwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero lubos daw na nag-aalala si Gigo para sa mga kaibigang naiwan sa presinto.

Handa raw si Gigo na humarap sa pulisya basta't mabigyan ng due process.

gigo de guzman interview

Gregorio de Guzman

CHRISTINE DACERA'S CAMP

Sa kabilang banda, naniniwala ang kampo ni Christine Dacera na hinalay at pinatay ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong January 5, humarap sa media ang ina ni Christine na si Sharon Dacera kasama ang spokesperson ng pamilya na si Atty. Brick Reyes. May kasama rin silang tatlong legal counsel.

Naghihinagpis si Sharon dahil "binaboy" raw ang kanyang anak.

Dini-dispute ng kampo ni Christine ang resulta ng unang medico-legal report na gawa ng officer na si Police Major Michael Nick W. Sarmiento.

Lumabas sa autopsy sa bangkay ni Christine na "ruptured aortic aneurysm" o pagputok ng ugat sa bahagi ng puso ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa kampo ni Christine, kulang umano ang datos sa medico-legal report dahil hindi nakasaad ang lahat ng "injuries" na natamo ng dalaga.

Sabi pa ni Reyes, spokesperson ng pamilya, "We also believe that maybe the aortic aneurysm was an approximate cause, but it is also very possible that this could have been triggered by the assault on Christine prior to her death."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya umapela silang magkaroon ng independent medico-legal report para suriing mabuti ang labi ng dalaga.

Aminado ang pamilya ni Christine sa mga umano'y paninira sa dalaga sa social media na kesyo ito ay "drunkard" at "loose person."

Pero giit ng mga abogado ng pamilya Dacera, walang sapat na dahilan sa diumano'y pang-aabuso kay Christine.

Ibang kaso raw iyong babaeng uminom at nagsuka sa babaeng diumano'y pinagsamantalahan at namatay.

Hindi rin daw dapat gawing isyu laban sa LGBTQ community ang pagkamatay ni Christine.

Hindi raw pwede basta gawing depensa laban sa rape ang pahayag na "Bakla kami, walang ganyan."

Ang "primary issue" raw ay "rape."

Sabi pa ni Reyes: "Right now we believe we have more than probable cause—by the fact that she sustained these injuries in her body, legs, and arms; by the fact that she probably will show some evidence of having been drugged; and we have the dead body of Christine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sharon dacera holds interview

Sharon Dacera

Sa isa pang panayam ng CNN Philippines noon ding January 5, kinontra ni Reyes ang salaysay ni Gigo De Guzman.

Ani Reyes, hindi raw totoong nakipag-cooperate si Gigo sa pulisya dahil umalis ito ng presinto bago pa makapagbigay ng salaysay noong January 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayong ang dalawang kasama raw ni Gigo na sina Rommel Galido at John Pascual dela Serna ay nanatili sa kustodiya ng pulis at nagbigay ng kanilang pahayag.

Sabi ni Reyes, "They cannot claim that they have no right to detain him because there is a dead body and the police have right to do custodial investigation.

"That is another issue that we would like to raise here—why is Mr. De Guzman making overtures as if he sympathizes with Christine's family, when he actually did not cooperate with the police initially?"

Ipinunto rin ni Reyes na ang tatlong naditena sa pulisya ay tumanggi diumanong sumailalim sa drug test.

Ang tanong daw ay kung payag si Gigo na magpa-drug test sakaling hingan ito ng pulisya.

ISSUE ON LACK OF ARREST WARRANT

Sa gitna ng reklamong "rape with homicide" ng pamilya ni Christine, paglipas ng mga araw ay dumami pa ang katanungan ng netizens na updated sa imbestigasyon ng pulisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alaman kasing wala pang inilabas na warrant of arrest ang pulisya sa tatlong naditena na sina Dela Serna, Galido, at Halili.

Paano ba sila naaresto? May legal basis ba na panatilihin sila sa presinto? Paano ang iba pang binansagang "at large" ng pulisya?

Dagdag pa sa kontrobersiya ang utos ni PNP Chief Debold Sinas sa 11 na pinangalanang dawit sa reklamo na sumuko sa pulisya.

"This is a fair warning. Surrender within 72 hours or we will hunt you down using force if necessary," saad ni Sinas sa isang pahayag noong January 5.

Kinondena ng netizens ang umano'y pananakot na ito ni Sinas.

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph noong tanghali ng January 6, ipinaliwanag ng resource person na si Atty. Sandra Coronel na ang "inquest procedure" ay isinasagawa sa taong dinitena ng pulisya.

Ibig daw sabihin ay may naisumiteng reklamo laban sa respondent sa prosecutor.

"Sa inquest, ang issue ay valid ba ang arrest or hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The prosecutor will usually order a release. Pag sinabi niyang hindi valid ang pag-aresto, papakawalan niya.

"Pero kung di niya pinakawalan, and these three are still in detention in Makati, ibig sabihin, may finding siya na valid yung arrest."

Kung walang warrant of arrest, kailangan bang sumuko ng mga pinangalanang respondents na "at large"?

Sagot ni Atty. Coronel: "Hindi sila kailangang sumuko. Pero siyempre merong fear for life iyan. Hindi ka sumusuko, hinahanap ka ng pulis, di ba? Kawawa iyan."

Kung may utos ang pulisya na tugusin ang respondents, malalagay raw sa "very dangerous situation" ang mga ito.

"Alam nila they don't have have to surrender. Ano ba ang choice mo? Mag-stay put ka ba at the risk na puntahan ka sa bahay ng pulis?

"Kasi, even if you know wala naman siyang warrant, the fact na may pronouncement na may manhunt sila, siyempre nakakakaba yun para sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang laban ng respondents sa ganitong sitwasyon?

Sabi ni Atty. Coronel, nakasalalay sa lawyer ng respondent kung anong defense strategy nito sa inihaing reklamo ng isang complainant.

Ibinigay ni Atty. Coronel na halimbawa ang sitwasyon ni Gregorio de Guzman, na pinayagan ng pulisya na makauwi mula sa presinto noong January 1.

Marahil ay naiuwi raw si Gigo ng abogado nito dahil wala pang charge na naisampa rito noong araw na iyon.

Dagdag ni Atty. Coronel ukol kina Dela Serna, Halili, at Galido, "Samantalang itong tatlo, siguro because they did not have anybody asserting their right, naiwan sila dun sa presinto, 'tapos na-file-an ng case."


PURPORTED FIRST AUTOPSY REPORT ON CHRISTINE'S REMAINS

Malinaw na sa pulisya nanggaling ang pagbansag na "suspect" sa 11 kataong dawit sa pagkamatay ni Christine.

Dahil dito ay matindi ang backlash laban sa pulisya dahil maraming butas na nasilip ang mga mala-imbestigador na netizens, base sa mga pertinent evidences na kumalat sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa na rito ang kopya ng "medico-legal report" mula sa Crime Laboratory Office ng Southern Police District (SPD).

January 5 iyon ni-retweet ng netizens sa Twitter.

Makikitang mayroon itong "Certified True Copy" stamp at pirmado ng mga awtoridad.

Pero dahil itinuturing itong confidential document, hindi kinukumipirma ng pulisya na may isinapubliko silang kopya ng medico-legal report.

Nakasaad sa report na naembalsamo na ang labi ni Christine nang dumating ito sa SPD noong January 2.

January 3 nakumpleto ang pagsusuri ng medico-legal officer.

Nakasaad sa dokumento na “consistent with "RUPTURED AORTIC ANEURYSM” ang dahilan ng pagkamatay ni Christine.

Sinabing nakitaan ng mga pasa at galos ang katawan ni Dacera, pero walang nabanggit kung may semilya sa ari ng dalaga.

Bunsod nito, kinuwestiyon ng netizens ang naunang pahayag ng Makati Police na ang pinagbasehan ng "provisional charge" na "rape with homicide" ay ang nakitang "lacerations" at "semen" sa ari ni Christine.

Tinawag naman ng forensics expert na si Raquel Fortun na "sloppy work" ang two-page medico-legal report sa labi ni Christine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, ang dead body ay mahalagang ebidensiya sa isang krimen, kaya standard procedure na gawin ang autopsy examination bago ito maembalsamo.

Sa panayam ng Rappler, ipinaliwanag ni Fortun na bahagi ng embalming procedure ang pag-inject ng chemicals sa blood vessels ng bangkay.

Hinuhugasan din ang katawan ng labi kapag naembalsamo ito.

Aniya, mahalagang "fresh" pa ang isang dead body sa autopsy examination dahil kritikal na makakuha ng samples at swabs para masuring maigi kung ano ang cause of death nito.

Dr. Raquel Fortun

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas objective daw kasi ang makukuhang impormasyon sa medico-legal report kung may sapat na datos base sa DNA analysis at toxicology examination.

"Very basic" din daw na mailarawan kung anong suot na damit at "signs of violence" sa katawan ng labi.

Pero kahit marami nang limitasyon sa pagsusuri ng isang labi na naembalsamo at dumaan na sa first autopsy, maaari pa rin naman daw magsagawa ng second autopsy para masuri at maikumpara ang resulta ng mga ito.

At kung huli man na para makakuha ng sample at swabs sa labi para matukoy kung mayroong sexual assault, maaari raw tingnan sa second autopsy kung ruptured aortic aneurysm nga ba ang cause of death ni Christine.

THE CCTV FOOTAGE

Naging tampok din ng espekulasyon sa social media ang mga lumabas na sa CCTV footage na nagpapakita sa mga huling mga oras na buhay pa si Christine.

Sa naunang ulat ng 24 Oras noong January 5, nakakuha ang GMA News ng kopya ng tatlong screengrab kunsaan kahalubilo ni Christine sa hallway ng hotel ang ilan sa mga nakasama niya sa New Year's Eve party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang screengrab ng CCTV footage ay may time stamp na 11:38 p.m. ng December 31, 2020. Makikita ritong nakayapak si Christine at may hawak na wine glass at pair of high-heeled shoes.

screengrab from CCTV footage of Christine Dacera

Ang dalawa pang screengrab ay may time stamp na 03:22:52 a.m. at 3:22:59 a.m. ng January 1, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong January 6, ipinost ni Valentine Rosales sa Facebook ang kopya ng 14-second CCTV footage kunsaan kasama niya si Christine.

May time stamp iyon na 2:52 a.m.

Makikitang hinalikan ni Christine si Valentine habang nasa tapat sila ng pinto ng hotel room ng kanilang grupo.

Valentine Rosales kissing Christine Dacera CCTV

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas daw ni Valentine ang video bilang sagot sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa kumalat na spliced video nila ni Christine.

Hindi raw siya ang nag-initiate ng kiss kundi ang dalaga.

May mga insinuation kasi ang bashers ng pinangalanang 11 respondents, na kahit sinasabing karamihan sa kanila ay gay ang sexual orientation, hindi raw ibig sabihin na abswelto agad sila sa reklamong rape.

Kasagsagan noon ng debate ng mga netizens sa social media na "ang bakla kapag nalalasing, nagiging lalaki rin."

Sa panig nina Valentine at Gigo, sinabi ng mga itong imposible ang bintang sa kanila na pagnasaaan nila si Christine dahil sila ay mga "bakla."

Kinontra ito ni Makati Police Chief Depositar, at idiniing hindi basehan ang sexual orientation para masabi kung may nangyaring rape o wala.

Sinabi rin ng pulisya na hindi sila magpapadala sa pressure ng bashers sa takbo ng imbestigasyon ng kaso ni Christine.

HOT STORIES

"INSUFFICIENT EVIDENCE" FOR RAPE AND HOMICIDE

Noong hapon ng January 6, mismong ang Makati City Prosecutor's Office ang nagdesisyong walang sapat na ebidensiya para masabing hinalay si Christine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin daw sapat na ebidensiya para masabing ang alegasyong rape ang nag-trigger ng "cause of death" ni Christine na "ruptured aortic aneurysm."

Bukod sa kulang ang basehan para sa reklamong rape with homicide, ni hindi raw matukoy kung sino mismo ang dapat panagutin dito.

Kaya pinakawalan ang tatlong kasama sa party—sina Galido, Dela Serna, at Halili—na dinitena at isinailalim sa inquest proceedings ng Makati City Police.

Idiniin ng Makati City Prosecutor's Office na kailangan pa ng masusing imbestigasyon dahil wala pang isinusumite ang pulisya na resulta ng "DNA analysis, toxicology/chemical analysis and histopath examination."

Sa toxicology/chemical analysis makikita ang presensiya ng alcohol o anumang substance na matatagpuan sa katawan ng isang tao.

Ang DNA analysis ay forensic technique sa criminal investigation para matukoy ang isang suspect, base sa sample na nakuha sa biktima.

Ang histopath examination ay ang pagsusuri sa microscope ng biological tissues.

Pirmado ang resolusyong ito ni Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan at may recommending approval ni Deputy City Prosecutor Henry Salazar. Pirmado rin ito ni Makati City Prosecutor Dindo Venturanza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma naman ni Prosecutor General Atty. Benedicto Malcontento na hindi sapat ang isinumiteng death certificate at two-page medico-legal report bilang patunay na may naganap na "rape o sexual assault."

Wala raw detalyadong impormasyon na nagsasabing nakitaan ng signs of violence sa katawan ng biktima.

Hindi raw kasi nakasaad kung paano nakuha ang mga pasang nakita sa katawan ng dalaga.

"Sa medico-legal, walang nakasaad doon na may semen, wala. So, kami, hindi kami makapagdesisyon whether may rape o wala," saad ni Atty. Malcontento sa panayam ng 24 Oras noong January 7.

Kaya itinakda ng piskalya na magkaroon ng "preliminary investigation" sa January 13 upang mabigyan ng pagkakataon ang complainant, pati na rin ang 11 respondents, para ilahad ang kanilang panig.

Ito ang dahilan kaya pinahaharap pa rin ang 11 kataong inirereklamo ng complainant sa imbestigasyon sa Makati Prosecutor's Office.

WHAT OTHER RESPONDENTS SAY ABOUT CHRISTINE'S DEATH

Noon ding January 6 ay pinakawalan ang tatlong dinitena ng Makati City Police na sina John Pascual dela Serna, Rommel Galido, at John Paul Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humarap sila sa media at nanindigang walang katotohanan ang bintang na rape with homicide laban sa kanila.

Kinabukasan, January 7, humarap ulit sa media sina John at Rommel upang idetalye ang naganap sa New Year's Eve party na dinaluhan nila kasama si Christine.

Kasama ring humarap sa media ang dalawa pang dawit sa reklamo na sina Clark Rapinan at Valentine Rosales.

Christine Dacera death repondents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(L-R) Valentine Rosales, John Pascual dela Serna III, Christine Dacera, Clark Jezreel Rapinan, and Rommel Galido

Nagpakilala silang apat bilang mga kaibigan ni Christine, at inilahad nila kung ano ang nangyari sa party.

Inihayag nilang 11 ang total count ng nag-party sa Room 2209 ng City Garden Hotel sa Makati City.

Lahat daw sila roon ay magkakakilala na nagkasundong sabay-sabay na salubungin ang Bagong Taon.

Hindi raw kilala nina John, Rommel, Valentine, at Clark ang hiwalay na grupo sa Room 2207.

Ang isa raw nilang kasama sa Room 2209, na si Ed Madrid, ang may kilala sa mga nasa Room 2207.

Ipinakilala raw sila ni Ed sa mga tiga-Room 2207. Kaya raw noong gabi ng December 31, lumipat sila sa Room 2207 para maglaro ng isang parlor game. Pero pagkatapos ay bumalik din daw sila sa Room 2209.

May ilang beses daw bumalik si Christine sa Room 2207, marahil ay sa kagustuhan nitong mag-enjoy sa party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw nila pinababayaan ang dalaga.

Ani Rommel, may isang pagkakataong niyaya siya ni Christine na pumuntang Room 2207 at sinamahan naman daw niya ito. Hindi raw sila nagtagal doon ni Christine dahil bumalik uli si Rommel sa pagtulog.

Ayon naman kay John, bandang 4 a.m., siya naman ang sumundo kay Christine sa Room 2207 para ibalik ito sa Room 2209.

Pero bumalik pa rin daw pala ang dalaga sa Room 2207 nang hindi nila alam.

Si Clark ang nagkuwento na bandang 5:00 a.m. to 5:30 a.m. ay nagising siya at naki-CR sa Room 2207 dahil may suka sa Room 2209.

Doon daw niya napag-alamang nasa Room 2207 si Christine, at may nagsabing sumuka roon ang dalaga.

Ani Clark, nagtawag siya ng tulong sa mga kaibigan sa Room 2209 para sunduin at alalayan ang dalaga.

Si Valentine—na may pinakamalaking katawan daw sa grupo—ang bumitbit sa dalaga pabalik ng Room 2209.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paniniguro ni Valentine, may malay pa noon si Christine at ito pa raw ang tumulong na magbukas ng pintuan.

CCTV footage showing Valentine carrying christine dacera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Rommel ang nagsabing may inireklamo raw si Christine sa kanya na tila may isang tao sa Room 2207 na naglagay diumano ng kung ano sa inumin ng dalaga para sumama ang pakiramdam nito.

Tinanong daw ni Rommel kung sino sa palagay ng dalaga ang gumawa noon. Pero sinabihan daw niya si Christine na huwag mag-isip ng kung anu-ano.

Hindi nabanggit ni Rommel kung anong eksaktong oras iyon.

Pero ang impormasyong iyon ang nababanggit ni Makati Police Chief Depositor sa mga nauna nitong panayam sa media.

Aminado ang grupo na nag-inuman sila ng tequila at whiskey sa party.

Nasa Room 2209 na raw si Christine mula nang huli itong sunduin ni Valentine mula sa Room 2207.

Ayon naman kay Clark, nagsasabi si Christine na nasusuka ito dahil marahil sa dami ng nainom na alak.

Umalalay naman daw si Clark at iba pang kasama sa dalaga.

Bandang 6:30 a.m. ay nakita pa raw nila ang dalaga na nakaluhod sa tapat ng toilet seat sa CR at nagsusuka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pagkakataong ilalayan nila ito sa kama para matulog na. Pero bumalik daw uli si Christine sa CR.

Pinilit pa raw ni Clark si Christine na sa kama na matulog. Pero nagsabi raw ang dalaga na hayaan na itong sa batthub magpahinga dahil ayaw nitong masuka sa kama.

Nakatulog na raw uli ang mga kasama ni Christine sa Room 2209.

Lumipas ang ilang oras, nagising si Rommel at nadatnan nga si Christine na wari'y natutulog sa batthub. Kinumutan pa raw ni Rommel ang dalaga sa pag-aakalang nais pang matulog nito.

Hanggang sa noong alas dose ng tanghali, nagising daw ulit si Rommel at ginising niya si Christine para ayain itong umuwi at mag-checkout na sa hotel.

Dito na raw nila natagpuan ni Rommel na walang malay ang dalaga. Hindi na raw humihinga si Christine at wala na ring pulso.

Gumising na raw ang iba pang natulog doon sa hotel room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsalitan daw sina Rommel, Clark, at Gregorio sa paggawad ng CPR kay Christine, habang ang iba ay tumawag ng saklolo.

Idinetalye pa nina Rommel, Clark, Valentine, at John ang kanilang rescue efforts sa dalaga hanggang sa pagsugod sa dalaga sa ospital.

Bilang kaibigan ni Christine, lubha rin daw silang nagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng itinuturing nilang "baby sister."

Iginiit ni Valentine na walang malisya sa kanya ang paghalik sa kanya ni Christine, na nakita sa ipinost ni Valentine na CCTV footage sa kanyang Facebook.

Sabi naman ni Rommel, lahat daw sila ay nahalikan na ni Christine noon. Pero wala lang daw iyon at hindi raw nila kailanman pinagnasaan ang dalaga.

Giit nila, hindi nila magagawa ang bintang na rape with homicide.

Sinabi rin nilang walang gumamit ng party drug sa Room 2209. Handa raw silang sumailalim sa drug test kung kinakailangan.

CURRENT STATUS OF CHRISINE DACERA CASE

Sa ngayon, hinihintay ang magaganap na preliminary investigation sa Makati City Prosecutor's Office sa January 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa ulat ng 24 Oras ng GMA noong January 7, naghain ng reklamo sa PNP ang kampo ni Christine laban sa medico-legal officer na si Police Major Michael Nick W. Sarmiento

Napag-alamang ito ang nag-utos na ipaembalsamo ang labi ni Christine bago isinagawa ang autopsy sa bangkay ng dalaga.

Ginawa raw iyon nang walang paalam sa pamilya Dacera.

Inamin din daw ni Sarmiento sa meeting ng PNP na wala na siyang nakuhang blood sample mula kay Christine matapos maembalsamo ang bangkay.

Nakasaad sa administrative complaint ang umano'y "gross negligence" at "gross incompetence" ni Sarmiento sa isinumite nitong medico-legal report.

Sa autopsy inaasahan sanang malaman ng pamilya kung ano nga ba ang nainom ni Christine na posibleng nagsanhi ng pagkamatay nito.

Nanindigan pa rin ang kampo ni Christine na may pang-aabusong nangyari sa dalaga.

Lalo pa't hindi pa raw natutukoy ang ibang kalalakihang nakasama ni Christine sa party, na ayon sa spokesperson ng pamilya ay may total count na "16" na lalaki. Kasama raw sa bilang na iyon ang hiwalay na grupo sa Room 2207.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong January 5, una nang umapela ang ina ni Christine na si Sharon Dacera na sana ay tulungan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na makamit ang hustisya.

Noong January 7, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nangako ang Pangulo na tututukan ng pulisya ang imbestigasyon sa reklamo ng pamilya Dacera.

WHO IS CHRISTINE dacera?

Si Christine Dacera ay tubong General Santos City.

Pangalawa si Christine sa apat na magkakapatid.

Siya ay nagtapos na cum laude sa kursong BA Communication Arts Major in Media Arts sa University of the Philippines Mindanao.

Nagtatrabaho siyang flight attendant sa Philippine Airlines, na inilarawan siya bilang isang "upstanding" at "professional" crew member.

Interes din ni Christine ang modeling at pagsali sa beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP.ph chronicles the unfolding of the police investigation and the public reaction to the pieces of evidence related to the death of flight attendant Christine Dacera.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results