Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey fire up Instagram with their "smoking hot" couple photo

by Rachelle Siazon
Jan 11, 2021
Hot couple alert! Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey's photo elicit the best comments from netizens admiring them for being a perfect pair. The two have made the most out of their beach trip in the Maldives.
PHOTO/S: @piawurtzbach Instagram

Sumabog ang comments section ng latest Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ay matapos ibahagi ni Pia ang beach photo nila ng boyfriend na si Jeremy Jauncey na kuha sa Maldives.

Lutang ang sexy figure ni Pia sa kanyang peach bikini, at hindi rin nagpakabog ang abs ni Jeremy na walang suot na shirt.

"Sunday vibes with my love @jeremyjauncey," ang simpleng caption ni Pia sa kanyang Instagram post noong Linggo, January 10.

Continue reading below ↓

Nag-comment naman ng flying kiss at lovestruck emojis si Jeremy.

"KAKABUSOG" ANG HANDA

Kuwela ang hirit ng mga kaibigan ni Pia na sina Divine Lee at BJ Pascual.

Parang may papiging daw kasi dahil sa nag-uumapaw na hotness ng couple.

Sabi ni Divine, "Kanino bang bday? Bakit may hinanda ka?"

Natatawang reply ni BJ, "SAME SENTIMENTS HAHAHAHAAHAHAHHAHAHAHAHAHA."


Continue reading below ↓

Balik-sagot ni Divine, "@bjpascual nag cancel nako ng grab food. Marami naman handa dito. Kakabusog."

NETIZENS' REACTIONS

Marami sa mga nakakita ng picture ang napasabi na "smoking hot" ang litrato ng magkasintahan.

Komento ng isang netizen, "Somebody please break the glass and bring out the fire extinguisher because it’s smokin’ [fire emoji] in here! Hello to the hottest pair!”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Miss International Queen 2012 Kevin Balot, "PIA! Nasa iyo na ang lahat."

Continue reading below ↓

Bukod sa maganda at sexy daw si Pia ay gwapo at macho rin daw ang nobyo nito.

Kaya napahirit na lang ng "sana all" ang ibang netizens.



PIA AND JEREMY'S RELATIONSHIP

Isang taon nang magkarelasyon sina Pia at Jeremy.

Nagdiwang sila ng kanilang first anniversary noong December 31, 2020.

Si Pia ay 31 years old habang si Jeremy naman ay 34.

Continue reading below ↓

Una silang nagkakilala nang aksidenteng magkrus ang landas nila sa London, kunsaan may homebase si Jeremy.

Ang ina at nakababatang kapatid ni Pia ay nakatira sa United Kingdom.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hot couple alert! Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey's photo elicit the best comments from netizens admiring them for being a perfect pair. The two have made the most out of their beach trip in the Maldives.
PHOTO/S: @piawurtzbach Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results