Diego Loyzaga prepares kilig surprise for GF Barbie Imperial: “This is just the beginning.”

by Jet Hitosis
6 days ago
Diego Loyzaga, Barbie Imperial surprise
Actors Diego Loyzaga and Barbie Imperial become Instagram official on January 1, 2021.
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram

Ramdam ang kilig sa latest post ni Barbie Imperial nang pasalamatan niya ang boyfriend na si Diego Loyzaga sa sorpresang inihanda nito para sa kanya.

Miyerkules, January 13, nang ibinahagi ni Barbie, 22, sa kanyang 5.4 million Instagram followers kung paano siya sinorpresa ni Diego, 25, isang gabing umuwi siya ng bahay.

Sa mga pictures at video na ipinost ni Barbie, makikitang pinuno ni Diego ng napakaraming white balloons at white roses ang bedroom ng young actress.

Naiilawan ang silid ng fairy lights, habang nakakalat sa sahig ang maraming white petals.

Sa paanan ng kama, nakahilera naman ang mga nasisindihang small white candles.

At sa gitna ng kama ni Barbie, may nakapatong na white envelope na sinulatan ni Diego ng “Baby Ko.”

Kapansin-pansin ding nakasabit sa mga lobo ang maraming Polaroid shots ng magkasintahan.

Naglagay si Diego ng nakakakilig na caption sa bawat isang litrato.

Kabilang sa mga mababasang captions sa mga litrato ang “My Princess,” “My Bestfriend,” “How happy you make me,” “My sisters like you,” at “The best view in the world.”

Continue reading below ↓

“GRABE NAMAN… GRABE KA TALAGA”

Sa caption ni Barbie sa post niyang ito, abut-abot ang kanyang pasasalamat kay Diego.

Sabi ni Barbie: “Came home to this. Grabe naman.

“Thank you, grabe ka talaga [loudly crying face emoji] you’re the best.

“Thank you my love @diegoloyzaga [smiling face with three hearts, black heart emojis]”

Continue reading below ↓

Nag-reply si Diego sa post na ito ni Barbie: “This is just the beginning [black heart, blowing a kiss emojis]”

DIEGO’S SISTERS, MOM TERESA REACT

Nagkomento rin sa post ni Barbie ang mga half-sisters ni Diego na sina Angelina Cruz at Sam Cruz.

Sina Angelina at Sam ay anak ni Sunshine Cruz sa dating asawang si Cesar Montano. May isa pang anak sina Sunshine at Cesar, si Chesca.

Continue reading below ↓

Si Diego naman ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Sa comment ni Sam, tinawag niyang “ate” si Barbie at sinabing “CUTE” ang inihandang sorpresa ng kapatid para sa young actress.

Sagot ni Barbie kay Sam: “bumabawi si kuya.”

Tatlong about to cry emojis naman ang komento ni Angelina.

Smiling with tears of joy at red heart emojis ang reply ni Barbie kay Angelina.

Continue reading below ↓

Napakomento rin sa post ni Barbie ang ina ni Diego na si Teresa.

Sabi ni Teresa: “When I see you happy, I am happiest!”

CELEBRITIES’ KILIG COMMENTS

Maraming kapwa celebrities ang may kani-kanyang kinikilig na reaksiyon sa sorpresa ni Diego kay Barbie.

Napa-“sana all” sina Maymay Entrata, Vina Morales, at ang kambal na sina Jai at Joj Agpangan.

Continue reading below ↓

Para naman kina Michelle Vito at IC Mendoza, totoong “grabe” ang effort ni Diego para mapakilig si Barbie.

Continue reading below ↓

May sariling komento rin sina Sunshine Cruz, Karla Estrada, Angelica Panganiban, Chie Filomeno, Jayda, at Joross Gamboa.

Continue reading below ↓

January 1, 2021 nang ianunsiyo ni Diego sa isang Instagram post na girlfriend na niya si Barbie.

Para naman kay Barbie, “totally unexpected” ang romantic relationship niya kay Diego, na matagal na niyang malapit na kaibigan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actors Diego Loyzaga and Barbie Imperial become Instagram official on January 1, 2021.
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results