Sheryl Cruz, Jeric Gonzales agree age does not matter in a relationship

by Bernie V. Franco
Jan 14, 2021
Sheryl Cruz says age does not matter when it comes to love: “Keber kung ano ang sabihin ng iba." Her Magkaagaw leading man Jeric Gonzales agrees.
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram

Hindi importante ang edad pagdating sa relasyon.

Ito ang opinyon nina Sheryl Cruz, 46, at Jeric Gonzales, 28, mga bida sa GMA-7 afternoon series na Magkaagaw.

Sa teleserye, sina Sheryl at Jeric ay mayroong illicit May-December affair.

Sa tunay na buhay, matagal-tagal nang nauugnay ang dalawa.

Pareho nilang itinangging may namamagitan sa kanila.

SHERYL ON AGE GAP

Sa virtual presscon ng Magkaagaw ngayong Huwebes, January 14, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Sheryl at Jeric kung “age doesn’t matter” pagdating sa relasyon.

Si Sheryl ang unang sumagot.

Saad ng aktres, “Well, actually that is very… it’s a very challenging question to answer.

“But ako naman, from my point of view, since I already experienced being married and being out of a marriage, and being single, so it depends.”

Si Sheryl ay ikinasal kay Norman Bustos sa Amerika noong 1996, pero nag-file sila ng divorce noong 2008.

Nagtatrabaho si Norman bilang sheriff sa San Francisco, California noong magkakilala sila ni Sheryl.

Continue reading below ↓

Mayroon silang isang anak, si Ashley Nicole, 19.

Sa pagpapatuloy ni Sheryl, sinabi niyang hindi mahalaga ang edad hangga’t nagmamahalan ang dalawang tao.

“It depends on your perspective as a person.

“Kung ikaw nirerespeto mo siguro ang kapwa mo, kung ano ang nagpapaligaya sa kanila, huwag na nating isama kung ano yung mga red tape, o yung mga nakikita natin na pagtsitsismisan ka, or whatever…

“Kung ang emotions mo ang pinakaimportante dito, that you share with that person you connect with, I don’t see anything wrong with it.

“For as long as you respect each other and you love each other, yun ‘yon.”

Hindi rin daw importante kung ano ang sasabihin ng iba hangga't walang nasasagasaang tao ang dalawang taong nagmamahalan.

“Keber kung ano ang sabihin ng iba,” pakli ni Sheryl.

“For me, for as long as both of you are of age, at wala kayong sinasaktang kahit sinong tao.

Continue reading below ↓

“I don’t really know about the others, pero kung ikaw naman ay nang-aagaw, ibang usapan na ‘yon.

“But if you are both willing to go in a relationship, I don’t think there is anything wrong with that.

“And for as long as both of you nga are free, and without any other relationship, o walang ibang involved na relationship sa inyo, and I guess you can freely express your love for each other, I don’t see anything wrong with that.”

JERIC: “IT DOESN’T MATTER.”

Sumang-ayon si Jeric sa paliwanag ni Sheryl.

“Sa tingin ko hindi [nagma-matter ang age],” bungad ng young actor.

“Katulad ng sinabi ni Miss She, it depends sa perspective ng tao talaga, e.

“Naniniwala kasi ako na hindi age, e.

“Pag na-in love ka sa isang tao, it doesn’t matter.

“Ang mahalaga dun masaya ka, ‘tapos, ayun, nakita niyo yung mundo ng isa't isa, yung happiness ng isa't isa, nagkasundo kayo.

Continue reading below ↓

“Parang 'yon yung mahalaga, e.

“Kung anuman yung sasabihin ng iba, di na mahalaga 'yon. Parang ganun.

“Kaya I think hindi siya nagma-matter.”

SHERYL-JERIC ISSUE

Ang pinakahuling isyung kinasangkutan nina Sheryl at Jeric ay nabuntis daw si Sheryl at ang aktor ang ama.

Sinagot ni Sheryl ang paratang na ito sa Funfare column ni Ricky Lo noong December 29, 2020.

Idinaan din sa biro ng aktres ang pagsagot sa isyu.

Aniya, “I just came back from a lock-in taping of Magkaagaw and got my period on the second week of the taping, so that’s my answer.

“And if the tsismis is true, wow, ang ganda o ang guapo siguro ng magiging anak namin.”

Sa interview, iginiit ni Sheryl na magkaibigan lang talaga sila ni Jeric.

Sabi pa niya: It’s probably our fans wanting us so much to be together.

"Jeric and I are okay naman. And if I do date or have a steady boyfriend, I won’t deny it to the entire world.”

Continue reading below ↓

Napaulat naman noong January 2020 na naghiwalay si Jeric at ang karelasyon nito dahil daw kay Sheryl.

Noong August ay muling inisyu ang dalawa matapos mag-post ng birthday greeting si Sheryl kay Jeric.

Sa birthday video na ipinost ni Sheryl ay makikita ang sweet photos at videos ng dalawa.

Muling naintriga ang netizens kung may namamagitan ba sa dalawa.

Sa isang panayam ng PEP.ph, sinabi ni Jeric na "professional" ang turingan nila ni Sheryl.

Samantala, magbabalik sa telebisyon ang Magkaagaw na pinagbibidahan din nina Sunshine Dizon, Dion Ignacio, Polo Ravales, at Klea Pineda simula January 18, Lunes.

Magsisimula naman ang fresh episodes nito sa February 15.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz says age does not matter when it comes to love: “Keber kung ano ang sabihin ng iba." Her Magkaagaw leading man Jeric Gonzales agrees.
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results