PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy2 Quizon unhurt after figuring in car accident in QC

The van's lady driver admits to dozing off behind the wheel.
by Jet Hitosis
Published Jan 15, 2021
Boy2 Quizon car accident
Actor-director Boy2 Quizon says he was on his way to Timog Avenue in Quezon City when a white van suddenly hit the back of his car along Quezon Avenue in Quezon City on Friday morning, January 15.
PHOTO/S: ABS-CBN News, @boy2quizon_ on Instagram

Nabangga ang kotseng minamaneho ng actor-director na si Boy2 Quizon sa Quezon City ngayong Biyernes ng madaling-araw, January 15.

Ayon sa impormasyon mula sa Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, na quoted sa media reports, dakong 3:00 ng umaga ngayong Biyernes nang mabangga ng isang puting Hyundai van ang gray Toyota car na minamaneho ni Boy2.

Sa ulat ng ABS-CBN News, pa-U-turn daw si Boy2 sa panulukan ng Quezon Avenue at Banawe Avenue nang salpukin ng van ang likurang bahagi ng kotse ng actor-director.

Sa lakas ng salpukan, nawasak ang hulihang bahagi ng kotse ni Boy2, gayundin ang unahang bahagi ng van.

Bahagyang nasira rin ang concrete barrier kung saan bumalandra ang sasakyan ng aktor.

Hindi naman nasaktan sa aksidente si Boy2, ang babaeng kasama niya, gayundin ang babaeng driver ng van.

Sa parehong ulat, inamin daw ng driver ng van sa mga imbestigador na hindi sinasadyang nakatulog siya habang nagmamaneho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento naman ni Boy2 sa ABS-CBN News, galing daw sila ng kanyang kasama sa bahay ng isang tiyahin.

Papunta raw sana sila sa Timog Avenue nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa media reports, maghaharap sa tanggapan ng QCPD Traffic Sector 1 si Boy2 at ang driver ng van para pag-usapan ang danyos sa mga nasirang sasakyan.

Si Boy2 ay apo ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Isa siya sa mainstays ng GMA-7 weekly gag show na Bubble Gang.

Idinirek niya ang pelikulang I'm Ellenya L., na pinagbidahan nina Maris Racal at Iñigo Pascual noong 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Boy2 Quizon says he was on his way to Timog Avenue in Quezon City when a white van suddenly hit the back of his car along Quezon Avenue in Quezon City on Friday morning, January 15.
PHOTO/S: ABS-CBN News, @boy2quizon_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results