Alex Gonzaga and Mikee Morada are married

by Nikko Tuazon
Jan 17, 2021
Alex Gonzaga, Mikee Morada, wedding
Alex Gonzaga married her longtime boyfriend Mikee Morada in an intimate wedding ceremony at her home in Taytay, Rizal on November 2020.
PHOTO/S: @cathygonzaga on Instagram / MyMetroPhoto

Inamin ni Alex Gonzaga, 33, at ng longtime partner nitong si Mikee Morada, 33, na kasal na sila.

Kasabay ng kanyang 33rd birthday nitong Sabado, January 16, 2021, ibinahagi ni Alex sa kanyang YouTube vlog na kinasal na sila ni Mikee noong November 2020.

Naganap ang civil wedding ceremony sa family room ng bahay nina Alex sa Taytay, Rizal.

Dektarya ni Alex, "Tapos na! Tapos na po kami, kinasal na po kami.

“Isa na po akong maybahay at isa na po akong wife, Mrs. Morado na ako! Misis na ako."

Dagdag ni Mikee, "Dito tayo ikinasal, sa inyo."

Ayon sa dalawa, naging simple lang ang kanilang wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang closest family members.

Humingi naman ng tawad si Alex sa kanilang fans at supporters dahil hindi nila agad naibahagi ang tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Paliwanag ng TV host-actress, "I'm very, very sorry netizens if hindi ko nai-share sa inyo agad ang nangyari is because we want it to celebrate together as a family muna.

Continue reading below ↓

"And siyempre, alam namin na yung timing din, at saka alam namin na may pandemic.

"We just wanted to keep it for ourselves for a little while to celebrate, kaya mister ko na 'tong mokong na ito."

HAPPILY MARRIED

Tila hindi pa rin makapaniwala si Alex na "happily married" na siya kay Mikee.

Aniya, "Finally nakakatabi ko na siyang matulog. Nakakatulog na siya sa kuwarto ko."

Nagpasalamat si Alex sa kanilang mga magulang at malalapit na kamag-anak sa suportang ibinigay ng mga ito nang magdesisyon silang magpakasal na.

Ani Alex, "We just wanted to thank our family kasi the moment we said na we are gonna get married, they're all very supportive.

"This wedding is really for our parents kasi siyempre, yung nangyayari ngayon, it's very uncertain. Hindi natin alam kung kelan matatapos ang pandemic.

"Siyempre, gusto namin to seal the deal na nandito kami lahat, nandito tayo lahat nakaka-celebrate."

Continue reading below ↓

Bukod dito, nagpahayag din si Alex ng kanyang appreciation sa kanyang asawa.

Mensahe ni Alex, "Kahit nasa tamang edad na kami, kung ano yung request ng magulang ko, lalo na yung magulang ko, ginalang ni Mikee and nirespeto namin na kung sakali man na gusto namin magsama, maikasal kami.”

Biro pa nito, "So yun, kinasal kami and after nung one night na natulog na siya, okay na."

Sa ngayon, tuwing weekends lang muna nakakasama ni Alex si Mikee sa Taytay. Ito ay dahil na rin sa trabaho ni Mikee bilang city councilor ng Lipa, Batangas.

Kasalukuyan ding nire-remodel ang two-storey house na lilipatan nina Alex at Mikee. Ang property na ito ay bigay ng mga magulang ni Mikee sa kanila bilang wedding gift.

Noong December 2019 na-engage sina Alex at Mikee, ngunit noong January 2020 lang nila ito ibinahagi kasabay rin ng birthday ni Alex.

October 2020 dapat gaganapin ang kanilang kasal ngunit na-postpone ito matapos mag-postive ang dalawa sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Taong 2015 nagkakilala sina Alex at Mikee. Si Piolo Pascual ang nagpakilala sa dalawa. November 2016 naman unang kinumpirma nina Alex at Mikee ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga married her longtime boyfriend Mikee Morada in an intimate wedding ceremony at her home in Taytay, Rizal on November 2020.
PHOTO/S: @cathygonzaga on Instagram / MyMetroPhoto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results