Meryll Soriano shows sweet photos with Joem Bascon, get-together with his parents

by Rachelle Siazon
Jan 18, 2021
Tila wala nang mahihiling pa si Meryll Soriano na lubos ang saya sa nabuo nilang pamilya ni Joem Bascon. Ipinakilala nila ang kanilang supling sa mga magulang ng aktor (right) sa isang family get-together kamakailan.
PHOTO/S: @planetumeboshi Instagram

Idinaan ni Meryll Soriano, 38, sa sweet photos ang kanyang saya sa piling ng karelasyong si Joem Bascon, 34.

Ngayong Lunes, January 18, nag-post sa Instagram si Meryll ng litrato nila ni Joem na kuha sa isang beach.

Tila nasa tabing-dagat sila dahil pareho silang basa at may buhangin ang mga braso ni Joem.

Simpleng caption ni Meryll, "Thank you."

Meryll Soriano, Joem Bascon beach photos

Continue reading below ↓

January 1, 2021 nang isapubliko ni Meryll ang pagbabalikan nila ni Joem.

Mula noon ay mas naging bukas na siya sa pagbabahagi ng kanilang litrato kasama ng kanilang newborn baby.

Napatunayan daw ni Meryll na walang kapantay ang pagmamahal sa kanya ni Joem sa tindi ng pag-aalaga raw nito sa kanya lalo na noong siya ay buntis.

"Thank you for taking care of me—now US. Your love is unparalleled," ani Meryll kay Joem sa isang Instagram post noong January 10.

Meryll Soriano, Joem Bascon

Continue reading below ↓

Noong January 8, ibinahagi ni Meryll na naging maselan ang kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang edad na 38.

Nagkaroon din siya ng gestational diabetes habang siya ay buntis kaya siniguro raw ni Joem na tama ang pagkain niya at sinasabayan siya nito sa mga workout.

Sabi pa ni Meryll, "He’s the best. Thank you so much, Dud."

Noong January 11, nag-post si Meryll ng picture nila Joem na may mga katagang "Love and Other Stories." Meryll Soriano, Joem Bascon sweet photo

Continue reading below ↓

MERYLL AND JOEM INTRODUCE SON TO ACTOR'S PARENTS

Naipakilala na rin nina Meryll at Joem ang kanilang baby boy sa mga magulang at kapatid ni Joem.

Noong January 16, ipinost ni Meryll ang family picture nila kunsaan makikitang buhat ng ina ni Joem ang baby.

"Family is everything," simpleng caption ni Meryll.

Meryll soriano with Joem bascon parents

Continue reading below ↓

Nauna nang naibahagi ni Meryll ang bonding nila ng ama na si Willie Revillame kasama ang baby.

Binisita na rin si Meryll ng kanyang tiyahin na si Maricel Soriano na tinawag niyang "Mommy 2."

MERYLL soriano AND JOEM bascon LOVE STORY

Naging low-key sina Meryll at Joem nang unang manumbalik ang kanilang relasyon.

As early as November 2019, naiulat ng PEP Troika ang breakup ni Joem sa ex-girlfriend nitong si Crisha Uy at ang pagbabalikan nina Joem at Meryll.

Nagkatrabaho sina Meryll at Joem sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Culion pati na rin sa ABS-CBN prime-time series na Starla.

Hindi sinagot ni Joem ang pang-uusisa ng press tungkol sa kanila ni Meryll nang humarap sa presscon ng Starla noong January 2020.

Hanggang sa noong September 2020, nag-post si Meryll ng litrato kunsaan may kahawak-kamay siyang lalaking nakatalikod.

Tila throwback picture iyon mula sa kanilang bakasyon sa Japan bago nag-lockdown noong Marso.

Continue reading below ↓

Kalakip nito ay isang tula na waring nagpapahiwatig ng pag-iibigan nila ni Joem na nanumbalik matapos ang hiwalayan nila noong 2010.

Sabi sa tula: "Perhaps we only leave

"So we may once again arrive,

"To get a bird’s eye view

"Of what it means to be alive.

"For there is beauty in returning.

"Oh, how wonderful, how strange,

"To see that everything is different

"But know it’s only you who’s changed."

meryll soriano, joem bascon holding hands

Continue reading below ↓

Sinasabing unang naging magkarelasyon sina Joem at Meryll matapos magkatrabaho sa I Love Betty La Fea, ang Kapamilya teleserye na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo mula August 2009 hanggang April 2010.

October 2010 nang kumpirmahin nina Joem at Meryll ang kanilang breakup bago nagtungo ang aktres sa London para mag-aral.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila wala nang mahihiling pa si Meryll Soriano na lubos ang saya sa nabuo nilang pamilya ni Joem Bascon. Ipinakilala nila ang kanilang supling sa mga magulang ng aktor (right) sa isang family get-together kamakailan.
PHOTO/S: @planetumeboshi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results