Olivia Lamasan says Toni Gonzaga donated "generous portion of her talent fee" after ABS-CBN shutdown

by Rachelle Siazon
Jan 20, 2021
ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan on Toni Gonzaga's generosity: "Ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho nung in-order po ng Congress na i-shutdown kami."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @celestinegonzaga Instagram

Puno ng pasasalamat si Olivia Lamasan sa solid support ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN sa kabila ng kalbaryong dinanas ng network matapos itong mawalan ng prangkisa noong July 2020.

Si Olivia, o mas kilala bilang Olive o Inang sa showbiz circles, ay kilalang resident film director ng ABS-CBN hanggang siya ay ma-promote na ABS-CBN Films managing director.

Saksi raw si Olivia Lamasan sa malasakit ni Toni sa ABS-CBN at mga empleyadong na-retrench noong August 2020 dahil sa pagsasara ng subsidiaries at ilang programa ng kumpanya.

July 10, 2020 nang magdesisyon ang Kongreso na ibasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Pahayag ni Olivia: "Ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho nung in-order po ng Congress na i-shutdown kami.

"I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo.

Continue reading below ↓

"I pray that God returns your generosity a thousandfold and that blessings may continue to abound you in all aspects of your life."

Bahagya pang naging emosyonal si Olivia na puno ng pasasalamat sa "generosity" at "selflessness" ni Toni.

"STARTING RATE" FOR WEEKLY TALK SHOW

Tinanggap daw kasi ni Toni ang digital talk show na I Feel You na ang sahod ay "starting rate" at hindi normal talent fee ng TV host-actress.

Lahad ni Olivia: "Nung una ka naming pinakiusapan gawin ang programang ito, sabi namin kung pwede tanggapin mo ito sa starting rate namin. Hindi kami nagdalawang salita.

"You readily accepted it, believing in the purpose, believing in the objective that we have which is to maintain our presence and for us to continue serving the Filipino audience.

"For that, truly I am so grateful to you."

Nagbigay si Olivia ng special message sa 36th birthday celebration ni Toni sa I Feel You noong Linggo, January 17.

Continue reading below ↓

Dito ay binanggit ni Olivia na nagkatrabaho sila ni Toni sa Starting Over Again, ang 2014 Star Cinema film na pinagbidahan nina Toni at Piolo Pascual.

Si Olivia ang direktor ng pelikula at hanggang ngayon ay isa raw iyon sa mga paborito niyang proyekto.

“Happy birthday Tin. I am sending you my heart so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema.

"Sobrang maraming salamat anak. Thank you so much for staying on with us."

Sa kasalukuyan ay host din si Toni sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Connect.

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Noong January 4, 2021, nagsumite si Senator Vicente "Tito" Sotto III ng Senate Bill 1967, na naglalayong ma-renew ang 25-year franchise ng ABS-CBN.

Sinabi ni Sotto na mahalaga raw ang "wide reach" ng ABS-CBN sa pagdadala ng mahahalagang balita sa taumbayan.

Nang sumunod na araw, naghain naman si Batangas Sixth District Representative Vilma Santos ng House Bill 8298 para sa franchise renewal application ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Si Vilma, na isa ring deputy speaker, ay isa sa 11 kongresistang pabor na ma-renew ang ABS-CBN franchise.

May 70 congressmen naman ang bumotong hindi ma-renew ang prangkisa ng network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan on Toni Gonzaga's generosity: "Ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho nung in-order po ng Congress na i-shutdown kami."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @celestinegonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results