Kristoffer Martin admits being a father to a four-year-old daughter

by Arniel C. Serato
Jan 21, 2021
Kristoffer Martin daughter Pre
Kristoffer Martin on decision to finally introduce his four-year-old daughter Prè to the public: "Proud ako na nagawa ko to kasi she deserves this. She really deserves this."
PHOTO/S: Courtesy: @kristoffermartin_ on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Kristoffer Martin na isa na siyang ama.

Apat na taong gulang na ang kanyang anak na babae na nagngangalang Prè.

"I have Prè. I love my daughter. I really love my daughter. I miss her every day," emosyunal na pahayag ng 26-year-old Kapuso actor sa panayam ng 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, January 21.

Dagdag pa niya, "Everytime I call her, 'Daddy misses you every day. Daddy loves you so much.'”

Ayon kay Kristoffer, marami sa malalapit niyang kaibigan ang nakakaalam ng tungkol sa kanyang anak. Kabilang dito sina Alden Richards, Bea Binene, Rodjun Cruz, at Thea Tolentino na ninong at ninang pa nga raw ng kanyang anak.

"Madami pa, as in maraming nakakaalam.

"'Tapos yung iba na [hindi] nakaakaalam, they asked me, kasi nga may haka-haka, sinasabi ko talaga."

Bakit niya ito itinago noon sa publiko?

Paliwanag ni Kristoffer, "Hindi naman kasi ako malabas ng personal, e.

Continue reading below ↓

"I mean, if you search sa background ko talaga, konti lang makikita niyo sa personal life ko, e.

"That’s me. Alam ko kasi i-balance ang work sa personal life, e.

"Sabi ko, 'I want to give Pré sa privacy na deserve niya."

"PROUD AKO NA NAGAWA KO TO"

Mula nang isilang ang kanyang anak, ngayon lamang daw siya nahiwalay nang matagal kay Prè.

Kasama raw ng kanyang anak ngayon ang ina nito, isang non-showbiz girl na hindi pinangalanan ni Kristoffer.

Saad niya, "Si Prè nasa nanay niya, nasa Olongapo. Nasa pangangalaga siya ng mommy niya ngayon."

Inamin ng aktor na hindi nag-work out ang relasyon nila ng ina ng kanyang anak.

"A, paano ba? It didn’t work out, e. We talked about this, nag-usap talaga.

"Ayoko na siya… I won't go into details kasi hindi naman dapat na sabihin yun, e."

Nangako naman siyang magiging responsable siya bilang ama.

Sabi nito, "Hinding-hindi ko papabayaan si Prè.

Continue reading below ↓

"Hindi niya mararamdaman na nawawalan siya ng tatay, I mean, na wala ako dun.

"Sabi nga, kahit anuman ang mangyari, anak ko si Prè. May ganun kaming usapan."

Masaya raw si Kristoffer na naipakilala na niya ang anak sa publiko.

Aniya, "Sobrang tagal ko na siyang gustong ilabas, as in. As in, sobra.

"Sabi ko, 'Lord, pahingi ng sign.' Isang tao lang talaga.

"Proud ako na nagawa ko 'to kasi she deserves this. She really deserves this."

Ilang sandali pagkatapos ipalabas ang panayam niya sa 24 Oras, kaagad na nag-post si Kristoffer sa kanyang Instagram ng dalawang larawan ng anak.

Caption niya, "Hi everyone. Meet my daughter, Prè."

View this post on Instagram

A post shared by Tun (@kristoffermartin_)

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin on decision to finally introduce his four-year-old daughter Prè to the public: "Proud ako na nagawa ko to kasi she deserves this. She really deserves this."
PHOTO/S: Courtesy: @kristoffermartin_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results