Nagkani-kanyang post ang mag-inang Maricel Laxa at Donny Pangilinan upang magbigay-pugay sa patriarch ng kanilang pamilya, ang movie icon na si Tony Ferrer.
Pumanaw ang 86-year-old former action superstar ngayong Sabado ng umaga, January 23, habang natutulog sa bahay nito sa Pasig City.
Anak ni Tony si Maricel sa dating aktres na si Imelda Ilanan.
Si Donny, 22, ang panganay sa limang anak ni Maricel sa asawang si Anthony Pangilinan.
Si Tony—Antonio Laxa ang tunay na pangalan—ang tinaguriang “James Bond of the Philippines.”
Patok na patok kasi noong 1960s at 1970s ang pagganap ni Tony bilang ang spy / secret agent na si Tony Falcon sa movie series na Agent X-44.
Nung mga panahong iyon, sikat na sikat ang mga unang Hollywood films na nagtatampok sa fictional character ni James Bond, isang British super spy na kilala rin bilang Agent 007.
Bukod sa pagbibida niya sa Agent X-44 films, napanood din si Tony sa napakaraming action movies hanggang noong huling bahagi ng 1980s.
DONNY PANGILINAN PROUDLY POSTS HIS LOLO’S ICONIC ACTION STUNTS
Ang sumikat na iconic action stunts ni Tony ang pinagsama-sama sa isang video compilation na ipinost ni Donny sa kanyang Instagram Stories ngayong Sabado ng hapon.

Bahagi rin ng Instagram Stories na iyon ni Donny ang isang lumang litrato niya—may nakasulat na XMAS 2002 sa gilid—kasama ang kanyang Lolo Tony at isa sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Caption ni Donny (published as is): “miss you already. have fun up there lolo [red heart emoji]”

Sa isang hiwalay na Instagram post, ibinahagi ni Donny ang isang recent photo nila ng kanyang Lolo Tony.
Kapwa sila nakangiti nang magpakuha ng litrato habang magkatabing kumakain sa restaurant sa isang shopping mall.
Maikli pero touching ang mensahe ni Donny para sa namayapa niyang lolo: “Love you. Rest easy lolo [red heart emoji]”

MARICEL PENS EULOGY FOR DAD
Sa Instagram din ipinost ng actress-author na si Maricel, 50, ang announcement-tribute niya para sa ama.
Ibinahagi ni Maricel ang isang lumang litrato niya kasama si Tony at ang kanyang half-sister, ang dating aktres at beauty queen na si Mutya Crisostomo.
Si Mutya ay anak ni Tony sa dating asawa, ang former actress-beauty titlist na si Alice Crisostomo.
Ayon kay Maricel, “Mission Accomplished” na ang ama sa pagtatapos ng 86 na taon ng buhay nito.
Kuwento ni Maricel: “During his last days, he was surrounded by the care of his San Antonio family, the love of his children, and the joy and songs of his grandchildren.”
Inilarawan ni Maricel ang ama bilang isang “remarkable, selfless man who always thought of others first, impacting a lot of lives on and off screen.”
NO PUBLIC VIEWING FOR TONY
Sa parehong post, inanunsiyo ni Maricel na hindi magdaraos ng public viewing ang kanilang pamilya para sa namayapang legendary actor.
“Following his last wishes, there will be no public viewing of his remains,” ani Maricel.
May paabiso rin ang aktres sa mga gustong makiramay sa kanilang pamilya.
“In lieu of flowers and cards, an online mass and memorial shall be announced to family, relatives and friends shortly.
“To all who have loved him and cared for X44, we shall be forever grateful.
“We appreciate all the messages we have been receiving.
“Thank you for your thoughts and prayers.”
Samantala, ini-repost ni Mutya sa kanyang Facebook page ang announcement-eulogy na ito ni Maricel.
