PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ivana Alawi surprises delivery riders

“Maraming scammer na akala nila nakakatawang pagtripan ang mga driver.”
by Jet Hitosis
Published Jan 26, 2021
Ivana Alawi delivery rider
Vlogger-actress Ivana Alawi gives away P10,000 cash to a stunned delivery service rider after surprising him with a brand-new helmet.
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram, Screengrab from Ivana Alawi on YouTube

Sinorpresa ni Ivana Alawi ng cash at libreng brand-new helmet ang ilang delivery riders bilang pagkilala sa walang kapagurang pagtatrabaho ng mga ito ngayong may pandemya.

Ang prank na pagpapa-deliver ng 24-year-old social media influencer ang mapapanood sa kanyang latest vlog, na in-upload nitong Lunes, January 25.

Ayon kay Ivana, naisip niya [to] “give back” sa mga delivery riders dahil sa hindi matatawarang serbisyo ng mga ito lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

Humahanga raw kasi si Ivana sa pagsasakripisyo ng riders sa pansariling kalusugan; nalalantad ang mga ito sa panganib ng virus habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Bukod dito, naawa raw si Ivana sa riders matapos niyang mabalitaang minsan ay niloloko ang mga ito ng mga nagpapa-deliver.

“Yung reason talaga kung bakit ko ito ginagawa is because marami akong nakikita na scammer na mga tao, na akala nila nakakatawa na pagtripan nila ang mga driver na nagpapakahirap magtrabaho,” sabi ni Ivana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRAND-NEW HELMET & P10,000 CASH

Sa vlog, personal na namili si Alawi ng walong brand-new helmet na ibibigay niya sa walong riders na papupuntahin niya sa kanyang bahay sa Taguig City.

Pagbalik sa bahay, paisa-isa nang nagpa-deliver si Ivana gamit ang magkakaibang food delivery service apps.

Pagdating ng rider sa bahay ni Ivana, kaagad itong pinapapapili ng vlogger-actress mula sa nakahilerang helmet.

Inusisa rin ni Ivana ang bawat isa sa mga riders kung naranasan na ba nila ang mabiktima ng panloloko ng customer na nagpapa-deliver.

“Fake booking” ang terminong ginamit ng isa sa mga riders na natulungan ni Ivana.

Halos lahat ng riders na nagpunta sa bahay ni Ivana ay umaming nakaranas na ng fake booking.

Ibig sabihin, hindi nila nabawi ang perang inabono nila pambili ng ide-deliver na pagkain.

Bago magpaalam ang riders, binibigyan sila ni Ivana ng isang simpleng challenge; tulad ng pagbibigay ng pangalan ng tatlong celebrities, o pagtukoy ng tatlong ulam na may sabaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag nasagot na ng rider ang tanong ni Ivana, awtomatikong tatanggap ito ng PHP10,000 cash mula sa kanya.

IVANA APPEALS AGAINST “FAKE BOOKING”

Sa isang bahagi ng vlog, nagbigay si Ivana ng mensahe sa mga delivery riders.

Sabi ni Ivana: “Yung sobrang masisipag natin na mga drivers, kahit pandemic talagang bumibiyahe kayo para makapagpadala ng mga pagkain, ng mga delivery, mga orders namin.

“Salamat, saludo ako sa inyo.”

Kasunod nito, umapela si Ivana sa publiko na huwag naman daw idaan sa biruan o lokohan ang pagpapa-deliver sa mga riders.

“Maraming way na maglokohan kayo pero huwag mong pagtripan ang isang tao na nagtatrabaho nang marangal.

“Stop it.

“Kung gusto niyong tumulong, tumulong kayo.

“Huwag kayong mangti-trip ng ibang tao by using their money, by making them sad.

“Kasi hindi ninyo alam ang mga private buhay nila, e, may mga anak,” sabi ni Ivana.

Ayon sa actress-vlogger, ang pagbibigay sa delivery riders ng bagong helmet—na magagamit ng mga ito sa araw-araw na pagtatrabaho—at PHP10,000 cash ang naisip niya “to help in my own small way.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THANKFUL TO MILLIONS OF SUBSCRIBERS

Sa parehong vlog, inanunsiyo ni Ivana na sa mga susunod na buwan ay magpapatuloy ang pagtulong niya sa iba’t ibang sektor.

Ito raw ang paraang naisip ni Ivana upang “ibalik” sa kanyang 10.9 million subscribers ang kinikita niya sa vlogging.

Mensahe ni Ivana sa milyun-milyon niyang subscribers: “Kahit saan man ako nakarating, lagi kayong andyan.

“I will always keep giving back to you because kayo ang nagbigay sa akin ng kung anuman ang mayroon ako ngayon dito sa YouTube.

"Sa support n’yo, sa pagmamahal n’yo, this is my own way of saying thank you.”

Nitong December 2020, Noche Buena basket at PHP10,000 cash ang ipinamudmod ni Ivana sa mga pamilyang nakatira sa lansangan.

Ginawa ito ng vlogger-actress bilang pasasalamat matapos umabot sa 10 milyon ang subscribers sa kanyang YouTube channel.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger-actress Ivana Alawi gives away P10,000 cash to a stunned delivery service rider after surprising him with a brand-new helmet.
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram, Screengrab from Ivana Alawi on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results