Ion Perez claps back at naysayers accusing him of cheating on Vice Ganda

by Bernie V. Franco
Jan 27, 2021
Ion Perez (right) quips to Vice Ganda: “Magtatatlong taon na tayo hindi ka pa nakakapag-adjust?”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Mukhang hindi nauubusan ng “ebas” o sasabihin ang mga kritiko ni Ion Perez, 30, hinggil sa relasyon nila ni Vice Ganda, 44.

Nitong mga nakaraang linggo, may mga post si Ion na halatang patama sa mga kumukuwestiyon sa kanyang intensiyon kay Vice.

Sina Vice at Ion ay higit dalawang taon nang magkarelasyon.

Bukod sa araw-araw na magkasama sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, magkasama na rin sila sa iisang bubong.

Sa kanyang Instagram post kahapon, iginiit ni Ion ang kanyang pagmamahal kay Vice.

Halata ring pinapasaringan ni Ion ang mga nagdududa sa pagmamahal niya kay Vice.

Ipinost ni Ion ang stolen shot nila ni Vice. Sa caption ay inihayag ang pagmamahal sa sikat na comedian-TV host.

Caption ni Ion (published as is): “Bago niyo isipin at sabihin na lolokohin ko to! Isipan niyo muna namay isang NANAY ROSARIO akong sinabihan na MAHAL NA MAHAL KO ang ANAK niyang si TUTOY!

Continue reading below ↓

“Daming EBAS! VAKLANG TWOO! O LOKO!

Si Nanay Rosario ay ang ina ni Vice, na may palayaw ring Tutoy.

Nagbiro naman si Vice. Komento niya sa post ni Ion, “Daming ebas! Lolz!!!”

Ito naman ang isinagot ni Ion: “@praybeytbenjamin I LOVE YOU TUY [heart emojis]”

ion perez ig post declaring his love for vice ganda, claps back at bashers

vice ganda comment on ion perez ig post

Continue reading below ↓

NO TIME FOR VICE?

Noon unang linggo ng Enero ay may ipinost din si Ion sa kanyang Instagram Story.

Ibinahagi ng Mister Universe Tourism 2018 ang direct message sa kanya ng netizen na tila supporter ni Vice.

Mababasa sa mensahe ang panunumbat ng netizen kay Ion.

Sabi ng netizen, “obvious na nagtatampo na si meme [Vice]” dahil hindi na raw siya nabibigyan ng panahon ni Ion.

Natutuon daw kasi ang panahon ni Ion sa ibang bagay, gaya ng biking at mga alaga nila sa bahay.

Sumbat ng netizen kay Ion, dapat daw suklian ni Ion ang pagiging supportive ni Vice.

Hindi rin daw dapat si Vice ang laging umiintindi.

“May needs din si Meme,” buwelta ng fan.

May babala ang mensahe ng fan, “concern lang baka mamaya maghanap ng attention si meme sa iba…”

Ang caption lang ni Ion dito ay maraming red angry face with swear words emoji.

Nangangahulungan itong hindi niya nagustuhan at ikinagalit ang mensaheng ito ng netizen.

Continue reading below ↓

ion reposted netizen message questioning his love and loyalty to vice

Samantala, noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng maiksing biruan sina Vice at Ion tungkol sa kanilang relasyon.

Nangyari ito sa episode ng It’s Showtime.

Sa isang segment, natawa si Vice dahil hindi niya naintindihan ang pagsasalita ni Ion.

Tinukso ng ibang hosts si Vice na “intindihin” si Ion.

Humirit si Ion kay Vice, “Magtatatlong taon na tayo hindi ka pa nakakapag-adjust?”

Continue reading below ↓

Sumagot si Vice. “Hindi man lang daw ako makapag-adjust. Wow! Hiyang-hiya naman ako sa adjustmet na ‘to, ah!”

Natawa lang dito si Ion at nag-finger heart kay Vice, bilang indikasyong biruan lang ang batuhan nila ng hirit.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez (right) quips to Vice Ganda: “Magtatatlong taon na tayo hindi ka pa nakakapag-adjust?”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results