Ion Perez reveals most hurtful comment he received about his relationship with Vice Ganda

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2021
Vice Ganda Ion Perez relationship
Ion Perez says most hurtful comment after admitting his relationship with Vice Ganda public was about his mom: "Yung sinabihan din yung nanay ko na ano, na mukhang pera. 'Yon yung pinakamasakit sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

“Sinabi nila na mukha daw pera nanay ko.”

Ito raw ang pinakamasakit na sinabi ng mga tao kay Ion Perez mula nang ihayag nila ni Vice Ganda sa publiko ang kanilang relasyon.

Sa bagong vlog ng It’s Showtime host na inilabas kahapon, January 21, naglaro ang dalawa ng “Jenga challenge with a twist” kung saan may mga katanungan at dare ang bawat challenge.

Ion perez with Vice Ganda

Continue reading below ↓

Masaya ang naging takbo ng kanilang challenge.

Sa bandang dulo ng vlog, sinabihan ni Vice si Ion na sagutin ang ilan pang katanungan.

Isa na rito ang tanong na, “Ano ang pinakamasakit na sinabi ng ibang tao tungkol sa relasyon niyo?”

Natatawang sabi ni Vice sa nobyo, “Bagay sa 'yo yung tanong. Ikaw naka-experience niyan nang bonggang-bonggang major to the severest level.”

Sagot ni Ion, labis siyang nasaktan na sinabihan siya ng mga taong mukhang pera ang nanay niya.

Tila ang pinalalabas ng mga nagkomento ay pera lang ang habol ng pamilya ni Ion kaya pinapayagan ng mga itong magkarelasyon ang binata kay Vice, na isa sa pinakasikat na TV host-comedian sa bansa.

Sabi niya, “Yung sinabihan din yung nanay ko na ano, na mukhang pera.

“'Yon yung pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, e, tanggap ko yun, e.

“Pero yung sa nanay ko, parang ano, e, nakasama ko yun, alam ko naman 'yon nun, e, nakasama ko sa hirap, e.

Continue reading below ↓

“Hindi naman ganun, 'yon yung pinakamasakit na narinig ko sa tao.

“Na sinabi nila na mukha daw pera nanay ko.”

Ayon pa kaya Vice, labis daw itong iniyakan ni Ion noon.

Pero ngayon, tinatawanan na lamang ni Ion ang mga ganitong klaseng puna at paninira.

“HINDI KO PO KAYANG GAWIN YUN SA KANYA”

Nang pumutok ang ugnayan ng dalawa, marami ang nagduda at nagsabing baka pera lang ang habol ni Ion sa TV host-comedian.

Pero sa isang panayam sa kanya noong November 2019, mariin niya itong pinabulaanan.

Sabi nito, “Hindi ko po kayang gawin yun sa kanya.

"Kasi kung ginawa ko po yun sa kanya, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga nakaraan na nanloko sa kanya."

Hamon pa niya sa kanyang mga kritiko, “Sa lahat ng nag-iisip na pineperahan ko si Vice Ganda, mga tsong, siguro masasabi ko lang sa inyo, pakisamahan niyo lang ako sa maghapon.

“Kung may nasabi kayo sa pag-uugali ko, magpapaalila ako sa inyo habang buhay…

Continue reading below ↓

“Pagawa mo sa akin, basta may nasabi ka sa pag-uugali ko sa maghapon na tayo magkasama…”

Magtatatlong taon na ang relasyon ng dalawa na magdiriwang ng kanilang third anniversary sa October 25, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez says most hurtful comment after admitting his relationship with Vice Ganda public was about his mom: "Yung sinabihan din yung nanay ko na ano, na mukhang pera. 'Yon yung pinakamasakit sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results