Watch Now

New Kapamilya Janine Gutierrez on GMA-7: “Will always be grateful to them”

by Bernie V. Franco
Jan 28, 2021
New Kapamilya artist Janine Gutierrez still in cloud nine after signing up with ABS-CBN. However, she says she will always be grateful to GMA-7 where she started.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Hindi maitago ni Janine Gutierrez, 31, ang kanyang kagalakan ngayong nasa bakuran na siya ng ABS-CBN.

Patuloy kasi ang pagpu-post niya tungkol sa kanyang paglipat sa Kapamilya network.

Pumirma si Janine ng kontrata sa Kapamilya network noong January 15, 2021.

Naging mainit ang pagsalubong sa kanya nang lumabas siya sa ASAP Natin ‘To nito lamang Linggo, January 24.

Bahagi ng pahayag ni Janine sa ASAP: "Gusto ko talagang ma-experience ang pagiging isang Kapamilya.”

JANINE gutierrez ON HER PREVIOUS NETWORK

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, January 27, inalala ni Janine na teenager pa siya at hindi pa nag-aartista noong huling beses siyang nakatapak sa ABS-CBN.

Di raw niya sukat-akalaing darating ang panahong bibigyan siya ng mainit na pagsalubong sa kanyang pagbabalik doon.

Kuwento ni Janine, “The last time I was inside ABS-CBN was during a studio tour in high school.

“I never would have imagined that the next time would be --all this [heart emojis] thank you again to @abscbn and @asapofficial for the most unbelievable welcome!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“so excited to be part of the most iconic show [heart emoji] salamat rin sa lahat ng nakapanood at nagpadala ng messages at tweets. Salamat, #Kapamilya!! [heart emojis] sa uulitin?”

janine gutierrez happy being a kapamilya

Bumuhos naman ang pagbati ng netizens kay Janine.

May isang netizen ang nagkomentong mami-miss niyang mapanood si Janine sa GMA-7, pero susuportahan pa rin daw niya ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot si Janine na may pagtukoy sa Kapuso network: “thank you!!! will always be grateful to them as well! [heart emoji]

netizen comment about missing janine as a kapuso; janine replies

Umapaw rin ang pagbati kay Janine ng ilang Kapuso artists gaya nina Lovi Poe, Carla Abellana, Mark Herras, Chynna Ortaleza, at Tanya Garcia.

Support all the way rin kay Janine ang boyfriend nitong si Rayver Cruz, na nasa bakuran ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinimulan ni Janine ang kanyang showbiz career sa GMA-7 noong 2010, kung saan siya nagkapangalan.

Bumida siya sa maraming teleserye roon kagaya ng Villa Quintana, Dangwa, Once Again, Legally Blind, at Dragon Lady.

Samantala, noong Linggo rin ay nag-perform sa ASAP Natin ‘To ang nakababatang kapatid ni Janine na si Diego Gutierrez.

Si Diego ay kumanta ka-duet ang Kapamilya singer na si Moira dela Torre.

Lubos ang pasasalamat ni Diego na makatuntong at makapag-perform sa entablado ng Kapamilya musical-variety show.

Tila hudyat ito na ang ABS-CBN din ang napiling network ni Diego para sa pagpasok niya sa showbiz.

diego and moira duet on asap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapamilya artist Janine Gutierrez still in cloud nine after signing up with ABS-CBN. However, she says she will always be grateful to GMA-7 where she started.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results